Professional Documents
Culture Documents
Leah S
Leah S
PRIMARYA (ELEMENTARYA)
Ito’y panimulang pagbasa sapagkat pinapaunlad dito ang
rudimentaryong kakayahan. Ibig sabihin, dinedevelop ito mula sa
kamangmangan. Elementaryang pagbasa rin ito dahil sinisimulang
ipinatuturo sa paaralang elementarya. Sa primarya, wika ang pokus.
Ang pagkilala sa aktwal ng mga salita, at ang pagpapamalay sa
kahuluhan ang unang konsentrasyon ng primaryang pagbasa.
INSPEKSYUNAL O MAPAGSIYASAT
Sa antas ng pagbasang ito, ang panahon ang pinakamahalaga.
Itinatakda sa limitadong oras ang pagbasa. Dahil sa limitadong
pagbasa, hindi lahat ng nasa aklat ay babasahin kundi
ang superfisyal o espisipiko na kaalaman lamang. Ang kailangang
sagutan habang nagbabasa ay: Tungkol saan ang libro?, Anu-ano
ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin – kasaysayan
ba? Nobela ba? Diskurso ba?. Tinatawag din itong pre-reading o
sistematikong iskiming.
MAPANURI O ANALYTIKAL
Ang antas na ito ay aktibo. Dapat intindihing mabuti ang
ipinapakahulugan sa pamamagitan ng malinaw na pag-iinter.
Interpratibo ito, samakatuwid, sapagkat matalinong hinihinuha
ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan wika nga,
na nakapaloob na sa pagitan ng teksto o linya. Mahalaga rito
kaisipan.
SINTOPIKAL
Pinakamataas ang antas na ito ng pagbasa. Pag-uunawang
integratibo ang kailangan sa antas na ito. Komplikado at
sistematikong pagbasa ito. Humahamon sa kakayahan ng bumabasa.
Komparatibo rin ito. Ibig sabihin, dapat marami nang nabasang
libro ang bumabasa para makapagiba-iba, makapagsuri, makapamuna
at makapagpahalaga, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito,
marami namang nakukuhang benepisyo.
2. Asimilasyon
Tukuyin mo ang wika at tukuyin ang mga termino(significant of
terms). Pagkatapos mong matukoy ang wika at termino, gagawa ka
ng sarili mong konklusyon.
3. Mga Tanong
Sa mga binasa mo, may naiiwang mga tanong.
4. Mga Isyu
Lumilitaw ang isyu kung kapakipakinabang at makabuluhan ang mga
katanungan. Kung di mo naunawaan ang binasa, hindi ka makagagawa
ng sariling konklusyon dahil hindi mo binasa(walang malalim na
pag-unawa at pagpapaliwanag).
5. Konbersasyon
Patukoy sa katotohanan batay sa sintopikal na antas ng pagbasa.
Palaging kwestunable ang katotohanan; sa diskurso, sa eksperto,
sa sarili. Mayroong sariling pagpapaliwanag.
MGA KAILANGANG ISAGAWA UPANG MAKAMIT ANG ANTAS
NG PAGBASA
Tukuyin kung saang larangang nakapaloob ang teksto.
Pagbabalangkas
Tukuyin ang suliranin na tinatangkang gustong bigyang linaw ng may akda.
Pag-unawa sa mga salitang ginamit.
Sapulin ang mahahalagang proposition ng may akda.
Tukuyin sa kung nasagot ang mga katanungan sa suliranin.
Tukuyin kung saang bahagi ng teksto nagkamali, nagkulang o naging elohikal
ang pagpapaliwanag ng may akda.