Professional Documents
Culture Documents
Chapter 2
Chapter 2
Chapter 2
Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga teorya, mga panitikan at mga pag-aaral na
may kauganayan sa kasalukuyang pag-aaral. Ang mga impormasyon dito ay naging basehan ng
mga baryabol na pinili sa pag-aaral. Ang mga nakapaloob dito ay ginamit din ng mga
mananaliksik sa paggawa ng pag-aaral na ito.
Panitikan
Akademikong Matematika
Ayon kay DepEd Secretary Armin Luistro, “mas madaling matutunan ‘yong konsepto ng
mga aralin ‘pag ginagamit ay ‘yong kanilang nakagisnang wika.” Kaya naman mula sa paggamit
ng bilingual education sa lumang curriculum, sinimulang ipatupad ang paggamit ng mother
tongue-based multilingual education noong 2012 bilang bahagi ng pagsusulong ng K to 12
curriculum.Ang mother tongue ay tumutukoy sa wikang nakamulatan ng bata. Sa kinder level,
sisimulang gamitin ang mother tongue bilang medium of instruction. Halimbawa na lang kung sa
halip na subtract or less ang gagamitin ay ibawas o bawasin ang sasabihin ng guro, hindi kasi
lahat ng mag-aaral ay bihasa sa kahulugan ng salitang Ingles, kaya mas madaling maunawaan ito
ng mga mag-aaral at madali para sa kanilang intindihin ang aralin.
Sa kasalukuyan, 19 na wika ang aprubado ng DepEd para gamitin ng mga guro bilang
medium of instruction sa paaralan. Malaking tulong ang paggamit ng katutubong wika o mother
tounge sa ikadadali ng pagkatuto ng mga magaaral. Bahagi ito ng bagong kurikulum ng K-12.
Maaaring magkaroon ng kalituhan sa una ngunit magiging madali kapag nakasanayan na. Tiwala
ang ahensya na sa pamamagitan ng mother tongue-based multilingual education mas malayang
maipapahayag ng mga batang mag-aaral ang kanilang mga sarili at kaalaman sa klase. Sa
pamamaraan na ito maari ng magustuhan at maintindihan ng mas mabuti ng mga estudyante ang
asignaturang matematika.
7
Kaugnay na Pag-aaral
Sa pag aaral nila Good at Grouws (1977), kung pagkukumparahin ang ilang pag-aaral na
kasama ang mga panukala na sumasaklaw sa mga guro ay makikita kung paano nila
naiimpluwensyahan ang kanilang mga estudyante.Ang pagiging epektibo ng mga guro (ayon sa
kanilang pag-aaral) ay lumilitaw sa matinding pagkakaugnay ng mga sumusunod na mga
kumpol: ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa pag-uugali, pagtuturo sa buong klase,
pangkalahatang kaliwanagan ng turo, ang pangangailangan ng impormasyon kung
kinakailangan.
Inisa-isa ni Wichael (n.d.) sa artikulo niyang “Why some teens dislike math and science”
ang mga dahilan kung bakit kinapopootan ang hilig ng mga walang malay na matematisyan. Ang
ilan sa kanyang mga punto ay bibigyang linaw sa mga sumusunod na talata ay ang kawalan ng
pag-unawa,iba’t ibang sistema ng pagtuturo at learning style, at kawalan ng pag-papahalaga.
Ayon kay Hedrick (1932), ang tunay na kagalingan ng Matematika at ang tunay na
kahulugan at kahalagahan nito sa mundo ay mananatili magpakailanman.