Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAANO NAWALA ANG ISANG MATA NI ODIN

Retold by: Catherine F Sellew


Sa mitolohiyang Nordiko, may isang diyos na naghaharisa mundoat ito ay si Odin. Kilala rin siya bilang
haring lahat ng mga Nordikong diyos. Bukod sa pagiging HaringDiyos, siya rin ang diyos ng digmaan at diyos
ng karunungan. Naghaharisa daigdig si Odin kung saan maaariniyang makita ang lahat ng bahaging mundo. Sa
kanyang magkabilangmga balikat may dalawang uwak na nagngangalang Huginat Munin.
Nangangahulugang“isipan” ang Hugin, samantalang“alaala” naman ang Munin.Araw-arawlumilipad ang
dalawang uwak sa palibot ng daigdig. Sa kanilang pagbabalikinuulatnila kay Odin ang mga kabatiranhiggilsa mga
nabubuhay at namamatay. Sa paaanan naman ni Odin, mayroong dalawang lobo. Siya ang nangungunasa paggawa
ng mga bagay sa mundoat nabuoang lahat dahilnarin sa tulong ng ibang mga diyos. Nakatira siya sa
pinakamagandangpalasyong Asgard, isa sa siyam na mundo(Nine Worlds) na kung saan tinatahananng mga diyos
at diyosa. Ang Asgard ay konektadosa iba pang tatlong mundo: (1) Vanaheimr,tahanan ng Vanir- grupong mga
diyos at diyos na may kakayahang Makita ang kasaluyang kaganapan, (2) Alfeim, tahanan ng LightElves, (3)
Nidavelllir, tahanan ng mga dwarves, at ang ibang mundonaman ay nasa ibang dimension na kung saan may
direktong kontak sa ugat ng punongYggdrasil, isang banalna punona nakatayo sa Asgard. Sinasabina nasa mga
ugat nitoang isang balon na kung saan may kakayahangmakakapagpakita kunganoang mga maaaring
mangyayarisa hinaharap.
Tungkulin ng isang hari na masiguro ang kaligtasan ng mga nasasakupan nito. Walang nililipas na araw
si Odin para lamang tingnan ang kalagayan ng mga tinuturing nitong anak. Nang makita niya mula sa itaas ng
kanyang trono, nakita niya ang mga malalaking higante na siyang nagbabanta sa kaligtasan ng kanyang mga
nasasakupan. Naalarma si Odin ditto at dahil sa kagustuhan niyang protektahan ang mga tao sa mundo mula sa
mga higante. Para sa kanya hindi sapat ang kaalaman niya kaya nais niyang madagdagan pa ito. Para madagdagan
pa ang kaalaman niya sa kasalukuyan, kinakailangan uminom ng tubig si Odin na mula sa isang espesyal na balon
na tinatawag na Well of Urd. Ang tubig na ito ay siyang magsisilbing salamin upang Makita niya ang mga
pangyayari sa nakaraan at ang maaaring mangyari sa hinaharap. Ang tagapag-alaga ng balon na si Mimir ay may
hinihinging kapalit, isang napakahalagang bagay na dapat niyang isakripisyo. Naisip ni Odin ang kanyang anak
na si Balder, pinakamamahal niya sa lahat. Ngunit sinabi ni Odin na ang isang mata lamang nito ang kailangan
niya. Sa walang pag-aalinlangan, lakas loob nitong kinuha ang isa niyang mata. Matapos inumin ni Odin ang
tubig na mula sa balon, nakita niya ang hinaharapna puno ng pagdurusa at kamatayan sa mga tao. Nakita rin niya
na ito ay matutubos sa pamamagitan ng isang pangako. Sa kahuli-hulihan ang mata ni Odin ay nakalagay sa ilalim
ng balon ni Mimir na kung saan ito ay nagpapahiwatig ng sakripisyo ni Odin. Ang pagsasakripisyo ni Odin sa
kanyang mata ay isa sa pinakamahalaga sa mitolohiya. Isang malinaw na mensahe ang ipinahihiwataig nito,
“Walang sakripisyong mas hihigit pa sa karunungan.” Ang mata ay sumisimbolo sa pag-unawang pangkalahatan
kung saan ito ang siyang instrumento upang umunawa ng mga bagay. Kung ganoon ay isinakripisyo ni Odin ang
kanyang mata para makuha ang kaalamang ninanais niya, tila lubos na malamang na ang pagsanla niya ng
kanyang mata na sumisimbolo ng makamundong kaalaman ay para makuha niya ang panloob na karunungang o
internal wisdom na higit na inasam-asam niya. Ginawa niya ang pagsasakripisyong ito upang mailigtas sa
kapahamakan ang kanyang mga nasasakupan. Talagang isang tunay na hari si Odin dahil kaya niyang isakripisyo
ang lahat at hindi siya naging makasarili, iniisip niya ang kaligtasan ng kanyang mga itinuturing na anak.

You might also like