Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

1 Republika ng Pilipinas

2 LALAWIGAN NG QUEZON
3 Bayan ng San Narciso
4
5
6 TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BAYAN
7 =============================================================================
8 KATITIKAN NG REGULAR NA PULONG NG SANGGUNIANG BAYAN NG SAN
9 NARCISO,LALAWIGAN NG QUEZON NA GINANAP SA SILID PULUNGAN NG PAMAHALAAN
10 NOONG IKA- 13 NG AGOSTO, 2018.
11
12 MGA DUMALO:
13
14 KGG. ELENA R. BABAO Pang. Punongbayan, Tagapangulo VINCENT
15 VICTOR H. REYES, JR. Konsehal,
16 KGG. VIVIEN MHEL A. CARABIDO Konsehal,
17 KGG. RODANTE B. VELUZ Konsehal,
18 KGG. MARLON R. SEVILLA Konsehal,
19 KGG. ERIKA BIANCA M. KIUNISALA Konsehal,
20 KGG. SALVADOR A. FONTANILLA M.D. Konsehal,
21 KGG. JOYAL UY-ESGUERRA Ex-Officio Member, PPLB-Pres at
22 KGG. MARGARITA VICTORIA U. ESGUERRA Ex-Officio Member, PPSK Pres.
23
24 LIBAN:
25 KGG. CRESENCIA B. MARIN Konsehal.
26 ================================================
27
28 PAGTAWAG SA KAAYUSAN (Call to order)
29 Ang pulong ay nagsimula sa ganap na ika-9:48 ng umaga.
30
31 PANALANGIN (Prayer)
32
33 Ang panimulang PANALANGIN ay binigkas sa pangunguna ni Kgg. RODANTE B. VELUZ.
34
35 KREDO NG MGA KONSEHAL (Councilor’s Creed)
36
37 Ang KREDO ng mga Konsehal ay binigkas sa pamumuno ni Kgg. VINCENT VICTOR H. REYES, JR.
38
39 PAGTAWAG SA PANGALAN NG MGA KONSEHAL (Roll Call)
40
41 Tinawag ng Pansamantalang Kalihim ng Sangguniang Bayan ang pangalan ng mga konsehal at ipinahayag ang
42 pagkakaroon ng Walo (8) Konsehal na presente. Idineklara ng Tagapangulo ang pagkakaroon ng sapat na bilang
43 upang magpulong.
44
45 PAGBASA SA KATITIKAN NG NAKARAANG PULONG
46
47 Binasa ng pansamantalang kalihim ng Sangguniang Bayan ang katitikan ng nakaraang pagpupulong, sa
48 kalagitnaan nito ay siya ay humingi ng paumanhin sa tagapangulo na makapagpatulong kay Gng. Minette R. Mendevil
49 para sa pagpapatuloy ng pagbasa ng nakaraang katitikan. Makaraang basahin ang kabuuhan ng katitikan ng
50 pagpupulong noong ika-30 ng Hulyo, Nagpahayag ang tagapangulo kung sino ang may mga puna o pagwawasto sa
51 nasabing katitikan. Nagpahayag ang mga sumusunod:
52 KGG. J.U. ESGUERRA = Magandang umaga po Madam Chair, Magandang umaga din po sa inyong lahat, hindi po
53 ako tumututol sa wala na po akong tutulan at matapos pong basahin ang nakaraang katitikan ay meron lamang po sana
54 akong query, hinihiling ko po ito po ay regarding sa draft resolution no. 12- 2018 at katulad po ng nasabi ko, hindi po
55 tayo ah, wala po akong puna sa ating katitikan ngunit hinihiling ko po na ito ay mapapunta sa ang draft resolution no.
56 12-2018 ay mapabalik sa agenda for the day upang muling mapag usapan. Marami pong salamat.
57 KGG. S.A. FONTANILLA = Magandang umaga po sa ating lahat, sa ating presiding officer at sa ating mga
58 kasamahan. Sa na raise po na punto ni Kgd. Joyal, ang una ko munang gustong sabihin ay we would like to welcome
59 back Kgd. Joyal as ABC President dito sa ating bulwagan para patuloy niyang pag serbisyuhan ang ating mga
60 Barangay, Welcome po Kgd. Joyal Esguerra. Yon pong katitikan, katitikan po yon po ay minutes at ang pagkakaalam
61 ko po dito ay yon pong resolusyon no. 12 ay yoon po ay approved na at napagbotohan. So hindi ko po alam kung sa
62 anong dahilan na yong resolution no. 12 ay kailangang pag usapan gawa ng ito ay napagbotohan na at na aprub na at
63 may quorum naman noong nakaraan. So akin lang pong itatanong kung itong resolusyon na ito noong nakaraang few

Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 1 of 8
1 days o noong week na yon na after July 30 ay kung ito po ay na prepare na at ito po ay napadala na sa opisina ng
2 Gobernador para magkaroon naman ng aksyon o walang aksyon. So yon po ang pagtatanong ko gawa ng ito poy
3 nasasaad naman na kung may resolusyon ay dapat po itoy na po forward na agad within 3 days sa opisina ng dapat
4 padalhan. So kung ito po ay hindi naihanda or na delayed ay gusto ko pong ng inyong lingkod na malaman kung anong
5 dahilan. Kaya akin pong iminumungkahi na ang nasabing resolution no. 12 na to stand as is at matalakay natin ito sa
6 ibang usapin at ito po ay aprub na resolusyon. Salamat po.
7 KGG. J.U. ESGUERRA = Una po ay maraming salamat Konsehal Fontanilla. Ang akin pong kadahilanan ng aking
8 kahilingan, meron po sana akong “legal Query”, meron po sana akong gustong malaman sa legalidad ng draft
9 resolution 12-2018. Ngunit nasa kadahilanan po na tayo ay nasa pagtatama ng nakaraang katitikan kung kayat
10 hinihiling ko po na ito ay madala sa agenda for the day upang doon ay muling pagtalakayan doon sa akin pong
11 katanungan, Marami pong salamat.
12 KGG. V.V.H. REYES = Magandang umaga po sa lahat, magandang umaga po madam chair, sa atin pong mga
13 kasamahan, sa atin pong secretary at sa mga staff at sa lahat ng nakikinig. Regarding lang ho sa naging kasagutan ni
14 KGG. Joyal Esguerra, nais ko pong malaman ang kanyang gustong itanong ukol sa draft resolution no. 12 na
15 naaprubahan na po noong nakaraang session at may quorum naman, kung ano yong legality na gusto nyang itanong
16 para magkaroon naman ng due reason para maipabalik naman natin. Maraming Salamat po.
17 KGG. J.U. ESGUERRA = Katulad po ng sabi ko, tayo po ay nasa pagpapatibay ng nakaraang katitikan kung kayat
18 hinihiling ko po na itoy mapabalik sa agenda upang doon natin pagtalakayan. Dahil dito po sa nakaraang katitikan ay
19 kung ano ang nangyari noong nakaraang session, kung ano ang sinabi ay yoon po ang dapat nating bigyan ng puna at
20 pagtibayin, yoon po ay hindi ko tinututulan ngunit ako lang po ay may query nga ng legalidad ng resolusyong ito kung
21 kayat ninanais ko po na mapabalik sa agenda for the day upang doon po pagtalakayan.
22 KGG. S.A. FONTANILLA = Ok lang naman po yong sinasabi ni Kgg. Joyal Esguerra na itoy doon pag usapan pero
23 sapagkat ini emphasize po nya na itoy legal, legal ang kanyang katanungan ay iminumungkahi ko po na ito na bago
24 mapagtalakayan pa ito ay magbigay sya ng resolusyon na magtanong po sa DILG o kanino man kung ito pong mga
25 ganitong pagkakataon na ang minutes at ang resolusyon na aprub ng majority ay one in the same o magkaiba gawa
26 ngang minutes po ang pagkakaalam ko naman ay yon po ay yong katitikan at ang naaprubahan ay yong naaprubahan.
27 So kami po ay ako po ay hindi tumututol na ito ay madala pero bago po natin ito madala uli para mapag usapan dito sa
28 bulwagan ito po ay hinihiling ko na sila din ay humingi ng written query sa DILG regarding sa kanilang sinasabi na
29 legalidad sapagkat dito po ay unang una ako poy nalulungkot at napakarami na po nating question dito sa pagpapalit
30 po sa kanyang nabakanteng posisyon ay ang atin pong mismong DILG representative na si G. Arce ay hanggang
31 ngayon po ay hindi ko nakikita dito sa ating bulwagan. So sapagkat marami pong issue na na raise nan a dapat
32 maliwanagan ni G. Arce ng DILG ay ako po ay magtatanong din kung yong ating unang resolusyon na na aprub
33 naman ng majority yon tungkol sa protesta at pagtatanong kung bakit ang kanyang mga ibinigay na impormasyon dito
34 noong nakaraang Mayo ay kulang at hindi po kumpleto at hindi naaayon sa batas. Kaya po tayo, ang personal ko pong
35 opinion dito tayoy nagkakagulo dito at hindi nagtatama ang ating mga paniniwala at posisyon sapagkat hindi po
36 nalilinaw ni G. Arce itong ating mga katatayuan dito. So hinihiling ko po kay Kgg. Joyal Esguerra na rather than pag
37 usapan po ito ay sila po ay gumawa ng resolusyon at katulad po noon na ito poy walang tao kaming sinisino dito kung
38 sino ang sinisunod po namin dito ay ang batas, ang proseso na ayon sa batas na sinusunod na napagdesisyunan na
39 sinasabing jurisprudence at yon naman poy maliwanag na yong mga nakaraang usapin ay hindi naman po sila
40 nakapagbigay ng mga dapat ibigay na mga dokumento para makapagpatunay sa kanilang katatayuan. Yon lang po
41 maraming salamat.
42
43 KGG. J.U. ESGUERRA = Yong tungkol po sa pagtatanong, nakapagtanong na po ang inyong lingkod sa ating
44 Provincial Director, Kay PD Dalope ng tungkol sa legality ng ating draft resolution no. 12 – 2018. Kung kaya po at
45 tayo ay kumukonsumo lamang ng oras dito po sa pagpapatibay ng nakaraang katitikan kaya po ay hinihiling ko muli
46 na atin po itong pag usapan o ungkatin lahat ng kinakailangan sa agenda for the day.
47 KGG. M. V. ESGUERRA = Magandang umaga po sa lahat, magalang ko pong hinihiling na tayo ay magkaroon na
48 ng division of the house whether or not na ilalagay natin ito sa agenda for the day.
49 KGG. S.A. FONTANILLA = Ito na naman po, balik na naman po tayo sa manok o itlog ano. Tayo po dito bilang
50 magkakasamang ibinoto o inihalal ng ating bayan ay tayoy mga representative ng ating bayan para mabigyan ng
51 karampatang kabutihan naman ang ating bayan. So wala po sigurong hindi umaayon doon. Pero sa issue po na
52 sasabihin kong maliit ay pinalalaki gawa ng for personal reason or otherwise ay ganito pong humahaba ng humahaba.
53 At sabi nga po ay although ako poy naniniwala na yong tinatawag na diplomacy ay parating majority ay sa akin po ay
54 majority hindi majority ang nakikita ko po dito ay para sa ating mga kababayan na ang makikinabang ay ang bayan.
55 Nadi delay po ito totoo po ito, nadelay nga po ito ng tatlong buwan, wala pong question doon sapagkat kung nandito
56 lang po sa bulwagan ito ang ating Kgg. na Konsehal Esguerra nong nakaraang pagpupulong alam ko naman na nabasa
57 nya ang mga minutes ay talaga pong ito ay na delay sapagkat hindi po sumunod sa proseso ang majority ng ating mga
58 kasamahan ditong konsehal. Kung noon po ay pinayagan nila na more than one ang maging rekomendasyon na yon
59 poy nasagot na din ng Dilg na pwedeng as many as you can at hanggang noong nakaraang sesyon na pinagbotohan,
60 hinaharang pa rin at pinipilit na isa lang daw talaga at basta isa lang ang pwede. Ay hindi naman po yata ganoon ang
61 pananaw at ang batas. So ako poy umaamin na talagang na delay ito gawa ng hindi po sinusunod ang proseso, hindi po
62 sinisunod ang batas na yon po ang aming tinututulan hindi po ang tao. So kung ito po ay madadala sa division of the

Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 2 of 8
1 house na naman kami po dito ay, ayaw po naming gawin ito ay kami po ay ang amin pong personal na stand dito ay
2 hindi po ako makikisama sa inyong pagbobotohan sapagkat ito na naman po ay balik na naman po tayo sa issue na pag
3 may issue na hindi napapagkasunduan ay dinadaan na lang sa botohan. Salamat po.
4 KGG. J.U. ESGUERRA = Madam Chair, una ang query ko po ay legalidad ng resolution no. 12, Legalidad na mukha
5 ng Sangguniang Bayan mukha natin ang nakaharap dito kung tayo ay magkakamali. Kung ito poy hindi bibigyan ng
6 daan ay para pong hindi tayo sumusunod sa proseso. Pangalawa po tumagal ang resolusyon na ito, ito po ay tumagal
7 ng tumagal sapagkat walang sagot na nangaling sa ating probinsya. Kung ano ang kasagutan wala po silang ibinibigay
8 sina isa lang daw talaga at basta isa lang ang pwede. Ay hindi naman po yata ganoon ang pananaw at ang batas. So ako
9 poy umaamin na talagang na delay ito gawa ng hindi po sinusunod ang proseso, hindi po sinisunod ang batas na yon po
10 ang aming tinututulan hindi po ang tao. So kung ito po ay madadala sa division of the house na naman kami po dito ay,
11 ayaw po naming gawin ito ay kami po ay ang amin pong personal na stand dito ay hindi po ako makikisama sa inyong
12 pagbobotohan sapagkat ito na naman po ay balik na naman po tayo sa issue na pag may issue na hindi
13 napapagkasunduan ay dinadaan na lang sa botohan. Salamat po.
14 la sa atin in written form o kahit na pasabi man lamang. Pangatlo po ang majority po ang masusunod siguro po yon po
15 ang pinipili dahil yon ang mas tama sa tingin ng nakararami kaya noon pong nakaraang naipasa ang resolution draft no.
16 12 hindi po ba at nakararami din ang nasunod majority rules kayat bakit po natin ito pipigilin ngayon kung ang akin
17 namang query ay may katanungan, meron po akong legalidad na hinahabol na itoy magiging mukha ng Sangguniang
18 Bayan ng San narciso.
19 TAGAPANGULO = Sapagkat mayroon pong legalidad na katanungan ang ating KGG. Joyal Esguerra ang agenda for
20 the day po ay dapat mapag usapan ngayong umagang ito. KGG. Joyal Esguerra ano po ang inyong masasabi tungkol
21 dito.
22 KGG. J.U. ESGUERRA = Hinihiling ko pa na una ay madala ito sa agenda for the day dahil sapagkat tayo po ay nasa
23 pagpapatibay ng nakaraang katitikan.
24 TAGAPANGULO = Hiniling po ni KGG. Joyal Esguerra na ang draft resolution no. 12 ay mailagay sa agenda for the
25 day. Sino po ang gustong ito ay…
26 KGG. S.A. FONTANILLA = Siguro naman po ay sa oras na ito ay alam na ni KGG. Esguerra kung ano ang kanyang
27 gustong malinawan at ang gustong mangyari dito sa ating katitikan at sa resolusyon. Siguro po ay kung masasabi na
28 nya sa oras na ito ang kanyang saloobin sa katitikan at sa resolusyon yon po ang gusto kong personal na marinig para
29 po malinaw sa amin at ito po ay hindi na kailangang pagbotohan na naman basta malinaw po.
30 KGG. J.U. ESGUERRA = Katulad po ng nasabi ko tayo po ay nasa pagpapatibay ng nakaraang katitikan kung kayat
31 gustuhin ko man po na I discuss ito ay tayo ay sasala sa ating panloob na panuntunan kung dito po tayo
32 magdidiskusyon. Kayat akin pong muling hinihiling na ito ay mapapunta sa agenda for the day at doon po natin
33 pagtalakayan dahil tayo poy nasa pagpapatibay, hindi po ako humahanap ng puna sa ating minutes of the meeting. Ako
34 poy humihiling lamang na sa akin pong nakita at nabasa sa atin pong minutes of the meeting ay meron po akong
35 legalidad lamang, legal matter na gusto ko pong itanong at mapalagay sa agenda upang doon ay mapag usapan.
36 Marami pong salamat.
37 KGG. E.B.M. KIUNISALA = Magandang umaga pong muli sa ating lahat, Hindi ko pa po naii experience o sabihin
38 na ninyong wala akong alam, pero hindi ko pa po naii experience, ako poy anim na taon sa SK at ngayon poy pa anim
39 na taon na ding konsehal ng bayan. Hindi ko pa po naii experience na yong na aprub nong nakaraang, ito poy
40 katanungan ko lamang ha isini share ko lamang po sainyo, ito poy yong na aprub nong nakaraang pagpupulong ay
41 kung pwede pang, resolusyon na naaprub na, ay kung pwede pang ungkatin or bago maipasa ang minutes ay
42 kailangang buksan kaya po at ako ay medyo wala po akong experience kayat sa akin po bago ko po ituloy ang ganyang
43 usapin ay gusto kong magkuhang tanong personally na hindi po ako pwedeng maniniwala na basta sabi sabi lamang.
44 Ako poy gustong ko na personal kung sino man po, kung si PD Dalope o si Atty. Ng legal na constitution na base sa
45 Local Government Code na si Atty. Reynaldo ay magkuhang tanong po muna kung pwede yong ganoong
46 kapamaraanan, pasensya po kayo wala po akong alam pero gusto ko pong malaman. Salamat po.
47 TAGAPANGULO = Paano po doon sa salita kong, Meron po ba kayong puna at pagwawasto, ay sapagkat mayroon
48 pong puna ang ating kasamahan sa Sangguniang Bayan kaya natural po na hinihiling po na ito ay mapag usapan.
49 KGG. J.U. ESGUERRA = Sa sinabi po ng ating kasamahan na si Konsehal Bianca, siguro po ay ito ay wala sa tagal
50 ng kung ilang taon tayong nakaupo bilang, maging 20 years man tayong nakaupo. Ang sinasabi ko po ay katulad nga
51 ng sabi koi to ay mukha ng Sangguniang Bayan. Kung ito po ay hindi ninyo diringgin ay siguro po ay ako ay hindi rin
52 naman papayag sapagkat ako ay isa sa miyembro ng Sangguniang Bayan. Hindi po ako dito, wala po itong issue na
53 personal kung hindi proseso na isinasagawa ng Sangguniang Bayan.
54 KGG. V.V.H. REYES = Magandang umaga pong muli, regarding po sa naging kasagutan ng ating kasamahan, yon
55 pong kung proseso ang pag uusapan hindi ho yan kumbaga parang huhugutin natin na nakaraan na naging finish
56 business na natin. Hindi ho natin huhugutin ang isang resolusyon na naapruban thru ano naman thru the body, may
57 sapat na bilang po tayo noong inaprubahan yan, dumaan po sa demokratikong proseso, dumaan po sa proseso natin
58 dito sa house. Hindi ho ako naniniwala na pepwede pong hugutin na lang basta yan. Kung proseso po ang pag uusapan
59 ay naniniwala po ako na kailangan ho ni KGG Joyal Esguerra na magpasa ho ng isang resolusyon regarding po sa pag
60 oopen up po muli at hindi ho ako naniniwala na pong pagpapasok niya ng resolusyon nayan ay nandito po sa process
61 ng pagpapatibay po ng minutes.
Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 3 of 8
1 KGG. J.U. ESGUERRA = Noon pong nakaraan ay nagkaroon po ng botohan, kahit po sinasabi ng ating mga
2 kasamahan na ang inyong lingkod at si Konsehal Dante ay naka OB, pero dahil po ipinilit din nila na tayo ay
3 magkaroon ng division of the house. Ngayon po tayo ay kumpleto, so ipagtanggol po natin kung ano yong, kung ako
4 po ay mali ay bakit po hindi ko tatangapin ngunit sa ngayon po ay tayoy kumpleto hindi po tayo matatapos dito
5 iminumungkahi ko po na magkaroon na tayo ng division of the house para mag move tayo. Marami pong salamat.
6 KGG. S. A. FONTANILLA = Yan pong division of the house talaga pong pina practice yan, wala man pong nag
7 oobject sa division of the house. Ilagay po natin ang pagkakataon ngayon sa kayo naman, kayo ang nasa minority na
8 nangyari yon at nong panahon na nagkaroon ng issue ay naging majority naman yong dating minority, ano naman kaya
9 ang maging pakiramdam ninyo. Kayo ang lumagay sa kalalagayan namin na kami ay ang paniniwala at aming stand
10 dito ay tama din naman at sumunod kami sa proseso. So siguro ay ganti ano, pahaba na ng pahaba ito at sabi ko nga
11 from the very start hindi ko naman sinisisi si Konsehal Joyal sa mga nangyari nong nakaraan, ito poy talagang
12 nagsimula ay di siya poy nag resign at kumandidato hanggang sa nagkaroon po ng mga rekomendasyon ay doon po
13 lahat ito nagsimula eh plus yon pong mga binitiwang mga komunikasyon ni Mr. Arce na alam na alam niya na marami
14 ng problema dito ay wala siyang ginagawa na clarification at noon pong nakaraan ay nag submit nga ako ng galing kay
15 PD Dalope ng tungkol po don sa inquiry ni Konsehal Ivy kung pwede ay yon po ay nakatanggap ako sa email at yon po
16 ay supposedly na email na po sa opisina ni Mr. Arce at hindi ko po alam kung sa loob ng mahigit isang buwan ay hindi
17 nai communicate ni Mr. Arce sa ating Sangguniang Bayan yoon po ay June 8 pa so napakatagal na po noon para siya
18 ay kung siya ay nagtatrabaho bilang DILG representative ng ating bayan, dapat siya ay gumawa man lang ng mga
19 paraan para ma resolve ang ganitong conflict, sabihin na nating conflict na sa mga decision at pananaw ng bawat isa sa
20 atin. So ako rin po ay personal na hindi pumapayag na ang basta napag botohan nong mga nakaraang mga sesyon ay
21 basta babaliktarin at sa palagay ko ay tama pa rin po ang aking stand doon. Salamat po.
22 KGG. M.V. ESGUERRA = Tulad nga po ng sinabi ni Konsehal Joyal ang case po at hand ay regarding sa legal matter
23 so kung ganoon po ay dapat po sana ay dapat po sa aking palagay ay dapat pong mapag usapan natin, dahil kung hindi
24 naman po ito legal matter hindi siya ganoon kabigat kaya lang sabi nga po ni konsehala joyal na itoy tungkol sa legal
25 matter ano po ang mangyayari kung yong legal matter nga po o yong nangyari nong nakaraang sesyon ay talagang
26 mali So kung yon po ang magiging ano natin na hindi na natin ito pag usapan tayo po lahat ay magiging mali dahil
27 kung ganoon po magpapasa tayo ng resolusyon na dumaan sa maling proseso. So muli po, hinihiling ko po
28 minumungkahi ko po na tayo ay umusad na at dalhin na po natin ito sa division of the house.
29 KGG. S.A.FONTANILLA = Reaction lang po, ako poy isang tanong na lang siguro. Kung ang intension po ng
30 division of the house ay madala hanggang sa itoy mabaligtad ang napag usapan noon sa ngayon lang po ay kami po ay
31 may dissenting opinion at hindi po kmi nag aagree at kami po ngayon ay hindi sasali sa botohan, ako po personal ay
32 hindi sasali, at kami po ngayon ay lalabas na at hindi na po kami sasali sa inyong botohan. Salamat po.
33 KGG. J.U. ESGUERRA = Madam Chair hinihiling ko po na magkaroon ng division of the house para ito po ay
34 matapos na. Maraming salamat po.
35 KGG. E.B.M. KIUNISALA = Sala na po tayo sa proseso ay aalis na lang ho ako, pakilagay na lang po sa minutes.
36 Ang akin magkuhang tanong muna bago halungkatin yan. Written sana.
37 KGG. V.V.H.REYES = Written po sana kase yon po ang nire require ninyo sa amin noon. Thank you po.
38 KGG. S.A. FONTANILLA = Pwersahan na po ito ay, kami noon ay nakapagbigay sa inyo pero pwersahan na ito,
39 salamat.
40
41 Sa puntong ito ganap na ika-11:04 ng umaga, hiniling ni KGG. J.U. ESGUERRA na magkaroon ng labinlimang
42 minutong recess. Ibinalik ang panuntunan ng pagpupulong ganap na ika-12:26 ng tanghali.
43 Iminungkahi ni KGG. JOYAL U. ESGUERRA na ang draft resolution no. 12-2018 ay mapasama sa agenda for
44 the day at ito ay pinangalawahan nina KGG. M. V. ESGUERRA, KGG. MARLON R. SEVILLA, KGG.
45 RODANTE B. VELUZ AT KGG. VIVIEN MHEL A. CARABIDO, kanya ding ipinaliwanag na hindi niya
46 tinututulan ang pagpapatibay ng nakaraang katitikan kung hindi ay ang muling mapag usapan lamang ang draft
47 reolution no. 12-2018 sa dahilang meron siyang mga legal na katanungan tungkol sa proseso ng pagkakapasa nito.
48 Makaraan nito ay iminungkahi ni KGG. R. B. VELUZ na pagtibayin na ang katitikan ng nakalipas na
49 pagpupulong. Ito ay pinangalawahan ni KGG. M. V. ESGUERRA, KGG. MARLON R.SEVILLA, KGG. JOYAL
50 U. ESGUERRA AT KGG. VIVIEN MHEL A. CARABIDO.
51
52 MALAYANG PAGPAPAHAYAG:
53
54 KGG. JOYAL U. ESGUERRA…
55 “Marami pong salamat sa ating Presiding Officer, Magandang hapon po sa aking mga kasamahan sa
56 Sanggunian, sa atin pong staff, sa lahat po ng nakikinig, isang magandang hapon na po. Muli po nais kong
57 magpasalamat sa taong Barangay ng Brgy. San Vicente at sa 23 Punong Barangay ng ating bayan sapagkat sa kanila
58 pong pagtitiwala sa aking kakayanan kung kaya at akoy muling naririto sa Sangguniang Bayan. Ganoon din po ang

Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 4 of 8
1 aking pasasalamat na nais kong iparating sa ating Punong Bayan, Mayor Phoebel, sa ating dating Punong Bayan,
2 Mayor Allen, sa mga dating kapitan sa pangunguna ng ating kasamahang konsehal Florentino G. babao, at syempre
3 po sainyo Madam Presiding Officer at sa aking mga kasamahan dito sa Sangguniang Bayan. Pinasasalamatan ko din
4 ng lubos ang suporta ng aking kabiyak at aking mga anak. At sa lahat po ng sumoporta sa akin, from the bottom of my
5 heart, marami pong salamat. Sa akin pong pagbabalik sa Sangguniang Bayan, makakaasa po ang bawat Brgy. na ang
6 inyo pong lingcod ay tututok sa suliranin at mga bagay at programa na ika aangat ng 24 Brgy. ng ating bayan. Ang
7 Liga ng Barangay po ay nakasuporta sa mga magagandang adhikain ng ating Punong bayan ganoon din ng
8 Sangguniang Bayan. Nais kong ipaabot sa lahat, sa kaalaman po ng lahat na kung kayo po ay may concern, may
9 kailangan sa liga ng Brgy. , nagkaroon na po kami ng unang regular na pagpupulong at napagkasunduan na an
10 gaming monthly session ay gaganapin tuwing 2nd Monday of the month, 1:00 pm sa atin pong ABC hall. Nais ko din
11 pong ipaalam sainyo na mayroon na tayong bagong pangulo ng Liga ng mga Barangay sa probinsya ng Quezon sa
12 katauhan po ni Bokal Boyong Boongaling at ang inyo pong lingko ay isa sa nanalo by toss coin na Board of Director
13 ng lalawigan ng Quezon. Katulad po ng dati noon, akoy inihalal sa pagka konsehal, ako po ay muling maninindigan
14 lamang sa alam kong tama, walang papanigan at ang lahat ng pagpapasya ay para sa ikabubuti ng barangay at ng
15 aking mga kababayan. Magandang hapon po at maraming salamat”.
16
17 ORAS PARA SA MGA PANAUHIN:
18
19 UNANG PAGBASA (Mga, Kautusan, Kapasiyahan, liham):
20 1. Binasa ang Supplemental Budget No. 2 ng Brgy Andres Bonifacio na nagkakahalaga ng P 23,096.95. Ito
21 ay pinabahal sa Committee on Finance & Appropriations.
22 2. Binasa ang Supplemental Budget No. 1 ng Brgy. Maligaya na nagkakahalaga ng P 82,057.09.
23 Ito ay pinabahal sa Committee on Finance & Appropriations.
24 3. Binasa ang Supplemental Budget No. 1 ng Brgy. Vigo Central na nagkakahalaga ng P
25 78,190.00. Ito ay pinabahal sa Committee on Finance & Appropriations.
26 4. Binasa ang Supplemental Budget No. 1 ng Brgy. White Cliff na nagkakahalaga ng P
27 184,345.49. Ito ay pinabahal sa Committee on Finance & Appropriations.
28 5. Binasa ang Supplemental Budget No. 1 ng Brgy. Pagkakaisa na nagkakahalaga ng P
29 113,948.47. Ito ay pinabahal sa Committee on Finance & Appropriations.
30 6. Binasa ang Office Order No. 28, Ito ay tungkol sa gaganaping Budget Hearing sa Queen Margarette Hotel,
31 Lucena City sa ika-16 ng Agosto kasama ang Pangalawang Punongbayan at mga Miyembro ng
32 Committee on Finance.
33 7. Binasa din ang mga liham mula sa DILG- Ito ay mga liham para sa Sangguniang bayan, para sa
34 Pangalang Punobayan at ganoon din kay KGG. R. B. VELUZ, hiniling ni KGG. J.U. ESGUERRA na
35 magkaroon ang bawat isa ng kopya ng mga liham.
36 8. Binasa din ang Schedule of Activities ng Comelec- Muling hiniling ni KGG. J.U. ESGUERRA na
37 magkaroon ng kopya ang bawat isa.
38 9. Binasa din ang PCL Invitation to 6th Series of the Continuing Local Legislative Education Program na
39 gaganapin sa Zamboanga City sa darating na ika-19-21 ng buwan ng Septyembre, 2018. Hiniling na mapag
40 usapan sa “mga iba pang bagay”.
41 10. Binasa ang sulat ni KGG. JOYAL U. ESGUERRA sa Sangguniang Bayan. Matapos itong basahin ay
42 kanyang hiniling na makapagpaliwanag tungkol sa kanyang liham.
43
44 “Katulad po ng sinasabi ko kanina sa ating reading of minutes na aking hinihiling na mapag usapang muli
45 ang resolution 12-2018 ay sa tatlo pong kadahilanan. Una, nakausap ko po si DILG Ralph ng Buenavista,
46 Quezon natanong ko po ang pagka aapruba ng resolution 12-2018 na may pitong, kulang sa qualified
47 majority, meaning kung ang member po ay 9 tapos ay 7, ito po ba ay pwede na. Ngunit nabanggit po niya na
48 dapat bago maipasa ito ay should be the qualified majority. Bukod po doon katulad po ng nabanggit ko sa
49 sulat na binasa ako po ay O. B., on Official Business sa kadahilanan na ito po ay mayroong eleksyon ang
50 Liga ng Barangay sa Probinsya at pagkatapos po noon sa hapon ako po ay umattend din ng signing ng
51 Memorandum of Understanding sa ating kapulisan, Kasama ko po dito si Konsehal Dante Veluz, kung kaya
52 po kami po naman ay nagrerepresenta sa bayan ng San Narciso. Hindi po kaya na dapat kami ay mabigyan
53 naman ng pagkakataon na marinig para po sa resolution 12-2018. Kami po ay hindi absent, kami po ay on
54 official business. Pangalawa po madam chair, nais ko pong itanong sa ating secretary kung ang nasabi pong
55 resolusyon ay dumaan sa committee hearing, at kung meron po, pwede po ba na mabigyan ang inyong
56 lingkod ng committee report, sino ang mga dumalo, ganoon din po ang notice of committee hearing na dapat
57 ito po ang proper procedure bago tayo magkaroon ng 3 reading principle. Kung wala po ito papano po natin
58 masasabi na tayo ay tumatama sa ating Internal rules and procedure kung hindi naman dadaan sa 3 reading
59 principle. Pngatlo madam chair, ang akin pong nais sanang bigyan din ng pansin, so itong tatlo lang po na
60 ito ang nais ko sanang mapag usapan at ating mapagtalakayan kung meron po kayong mga katanungan”.
61 Kung wala pong katanungan madam chair ay hinihiling ko magkaroon ito ng tamang proseso at mapabalik
62 muli sa komitiba upang magkaroon ng tamang process at magkaroon ng tamang committee report ang
63 bagay na ito. Marami pong salamat.
64
Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 5 of 8
1
2 Humiling si KGG. R.B. VELUZ na makapagpahayag at ito naman ay pinagbigyan ng tagapangulo.
3
4 “Ako rin po ay may ipinadalang liham sa tanggapan ng Sangguniang Bayan at ito po ay hindi nalalayo
5 doon sa mga binanggit ni Konsehala Joyal. Noong mga panahon po na nagpasa sila ng resolusyon, ako po
6 at siya ay nasa “official business” naman po kami at nasa pagpupulong. Hinhiling ko po na mabasa ang
7 aking sulat”.
8
9 Binasa ng pansamantalang kalihim ang nilalaman ng liham ni KGG. R.B. VELUZ at pagkatapos nito ay
10 ipinagpatuloy ng Konsehal ang kanyang pananalita.
11
12 “Salamat po sa nagbasa ng aking sulat, Ang sulat ko po ay bale dalawa, sa Sangguniang Bayan at kay PD
13 Dalope at kanina po ay napakinggan ko na may kasagutan na sa aking sulat kay PD. Ngayon po ang gusto
14 ko lang bigyan ng diin dito ay ito pong nangyaring pagpasa ng resolusyon na nong mga panahong pong yon
15 ay kami po ay nasa official business. Siguro po ang bagay na ito ay hindi dapat nila ipinasa sapagkat unang
16 una mayroon na kaming naunang rekomendasyon. Makalipas ang dalawang buwan pa, mahigit na, sa
17 pagkakaalam ko po katulad ng sinasabi ng batas na pag nakalipas ang 30 araw na wala silang response sa
18 atin, kung sino man ang tagapagpasumpa, ay automatic na yon na ang aming inirekomenda. Subalit ngayon
19 ay nagkaroon muli ng panibagong rekomendasyon na naipasa nila ng wala kami kaya po tulad ng sinabi rin
20 ng ating kasamahang konsehal Joyal ako rin po ay humihiling na maibalik na muli sa komite ang nasabing
21 resolusyon.
22
23 Muling nagpahayag si KGG. J. U. ESGUERRA.
24
25 “Nais ko lang pong idagdag, Madam Chair, tulad po ng sinabi ko sa tatlong dahilan ang pangatlo po ay
26 katulad ng sinasabi ni Konsehal Fontanilla na ito ay tumagal na. Sa akin pong pagkakaalam ang
27 Sangguniang Bayan naman po ay nakapag bigay ng rekomendasyon na pinagtibay at kaya po tumatagal
28 sapagkat wala pa pong sagot ang opisina ng ating mahal na Gobernador, kaya po ang sa akin baka po
29 pwedeng maghintay muna tayo kung ano ang kanyang kasagutan. Isa pa po, ito pong paghiling ko na
30 mapabalik sa komite ang resolusyon na ito, ay wala pong personal na kung anumang intension ang sa akin
31 lang po hindi ko rin po tinututulan itong, for the record po hindi ko po tinututulan ang resolution no.
32 12-2018 bagkus gusto ko lamang pong itama ang proseso nito dahil sa akin pong pagtatanong ay
33 kinukulang nga po ito ng mga committee report na dapat po ay mayroon kaya ito po ay hinihiling ko na
34 mapabalik hindi sa kung ano pa mang dahilan kundi itama po ang proseso. Yon lamang po at salamat”.
35
36 TAGAPANGULO = Hiniling po ni KGG. JOYAL ESGUERRA na ang draft resolution 12-2018 ay maibalik sa
37 committee on rules, sino po ang sumasang ayon? Sinang ayunan po ni KGG. MARLON SEVILLA, KGG. VIVIEN
38 MHEL CARABIDO, KGG. RODANTE B. VELUZ AT KGG. MARGARITA VIKTORIA ESGUERRA.
39
40
41 PAG-UULAT NG MGA KOMITE:
42
43 Iniulat ni KGG. MARLON R. SEVILLA na nagkaroon ng pagpupulong ang kanyang komite upang mapag
44 usapan ang tungkol sa fish landing. Dito ay naimbitahan ang mga pangulo ng mga samahan ng mga mangingisda ng
45 ating bayan. Napag alaman aniya na ang benta ng mga mangingisda ay mura, sa palengke na lamang ito nagmamahal,
46 bukod pa dito ay mayroong mga taga ibang bayan na dito ay bumibili sa mas mataas na halaga. Napag-alaman din sa
47 administrador ng fish landing na dati pa ay nagkaroon na sila ng public hearing pero naging madugo ang kanilang pag
48 uusap. Ipinaliwanag pa ni KGG. M.R. SEVILLA ang paraan ng pagpapautang sa mga mangingisda na ginagawa ng
49 mga namumuhunan at kung bakit ito ay nagmamahal pagdating na sa pamilihan. Ayon aniya kay G. Froilan
50 Fontamillas na hanggat maaari ay ayaw ng mga tao na magbayad pa sa nasabing fish landing. Ayon pa sa kanya ay
51 dapat magkaroon ng dayalogo ang pamahalaan sa mga namumuhunan at mas maganda na makasama dito ang ating
52 Punongbayan kasama din ang mga miyembro ng komite ng Sangguniang bayan.
53 Nagpaalala si KGG. J.U. ESGUERRA na dapat ang mga ganitong committee report ay may kaukulang report at
54 minutes.
55
56 MGA GAWAING HINDI NATAPOS:
57
58 IKALAWANG PAGBASA (TALAKAYAN):
59
60 IKATLONG PAGBASA- PAGPAPATIBAY:
61
62 MGA IBA PANG BAGAY:
63
Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 6 of 8
1 Ipinaalala ni KGG. J.U. ESGUERRA ang tungkol sa tamang kasuotan para sa mga pagpupulong sapagkat
2 kaniyang napansin na ibat iba ang suot ng kanyang mga kasamahan. Ipinaabot din niya na ngayon ay may PPLB na
3 at PPSK ang Sanggunian kayat kung maaari sa susunod na pagpupulong ay magkaroon tayo ng reshuffle ng mga
4 committee.
5
6 Nagmungkahi din si KGG. R. B. VELUZ na mabago ang araw ng sesyon mula sa araw ng Lunes na mabago
7 sa araw ng Martes.
8
9 Pinag usapan ang pagdalo sa PCL Seminar sa Zamboanga at pinagkasunduan ang pagdalo dito.
10
11 PAGTINDIG NG PULONG (Adjournment)
12
13 Dahilan sa kawalan ng iba pang mapag-uusapan, ang pulong ay itinindig sa ganap na ika-2:00 ng hapon sa
14 mungkahi ni KGG. VIVIEN MHEL A. CARABIDO na sinang-ayunan ng lahat.
15
16
17 Pinatutunayan na ang mga nakatala dito ang siyang pinag-usapan at pinag-kasunduan sa pulong.
18
19
20
21
22 JOSEPH CARLO F. MEDENILLA
23 Pansamantalang Kalihim ng Sangguniang Bayan
24
25
26 PATOTOO:
27
28
29 ELENA R. BABAO
30 Pang. Punong Bayan
31 Tagapangulo
32

Katitikan ng pulong
13 Agosto , 2018 Page 7 of 8

You might also like