Noong ang mga bituin ay alitaptap pa lamang sa bukid Ang araw ay namumuhay sa pagitan ng dalawang bundok Ang buwan ay isang dalagang lagalag sa gubat Minsang tumingala ang Nag-iisa sa langit Umawit ng isang hiling kay Bathala Baguhin ninyo ako Tanggalin ang kadena sa aking mga kamay Ang bato sa aking mga paa Bigyan ninyo ako ng gabing hindi kasing dilim Ng umaga na hindi kasing ginaw At sinagot sya ni Bathala: Ibibigay ko sayo ang iyong hiling Kung tatanggapin mo ang alok kong sugal Kailangan mong languyin ang pinakamalalim na ilog ng lungkot Kalaban ang pinakamatitinding alon ng pighati At hindi ka dapat lumubog Kaya't ang Nag-iisa ay lumusong sa tubig Sinanay ang sarili sa hirap ng paghinga Lumangoy patungo sa dalampasigan ng saya At nang umahon sya mula sa kanyang sugal Kasama nyang umahon ang pag-ibig - ang pagmamahal Sa unang pagkakataon Ang Nag-iisa ay Nag-mamahal Magkasama nilang nilakbay ang bawat burol, lambak at talampas ng maligaya May pangako ng walang wakas Pero nagbago ang anyo ng pag-ibig Naging galit, pagod, sinungaling, mapagkimkim Muling bumigat ang kamay at paa ng Nagmamahal Kasabay nito ay ang pagdating ng isang napakalaking unos Na nilunod ang lupa sa baha At sa gitna ng napakalakas na ulan ay hindi na makilala ang mga nasalanta At ng matapos ang sigwa, kasama ang puso sa nasalanta Kasama ang pag-ibig sa nawala Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa Ang Nagmamahal ay muling Nag-iisa Pero pagkatapos ng napakaraming gabi na kay dilim at ng umaga na kay ginaw Sa wakas, napangiti muli sya Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig Susugal at susugal pa Kinausap muli si Bathala, lulusong muli sa tubig Susugal at susugal pa Dahil hindi ba't sapat na kabayaran ang sakit sa pagmamahal? Hindi ba't mas tinataya natin ang lahat kapag hindi tayo sumugal?