Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG PAGTUTURO AT PAGTATAYA ng PAKIKINIG

CHLESEA MARIE A. AREOLA


JOAN S. LIRIO

Napakahalaga ng kasanayan sa pakikinig sa ating buhay.

Ito ang pinakagamiting kasanayan sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.

Humigit kumulang ang oras na ginugugol natin sa pakikipagtalastasan ay mahahati ng ganito:

pakikinig – 30% pagbasa – 15%


pagsasalita – 25% pagsulat – 10%
Ano ang pakikinig❔

Ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating kausap
(Yagang:1993).

Nakapaloob sa kasanayang ito ang pag-unawa:


Sa diin at bigkas
Balarila
Talasalitaan at
Pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita

(Howatt at Daikin: 1974, binanggit kay Yagang).

Bakit Kailangang ituro ang pakikinig❔

-> Mahalaga ito sa ating pang-araw-araw na pakikipamuhay.

Ayon kay Wilga Rivers (1981)


“Makalawang beses tayong nakikinig kaysa sa pagsasalita, makaapat na beses kaysa pagbabasa at
makalimang beses kaysa sa pagsulat.”

-> Napakahalaga nito sa paglinang ng kasanayan sa pagsasalita.


Gaya ng sinabi ni Nilda (1957),
“Ang pagkatuto sa pagsasalita ng isang wika ay nakasalalay nang malaki
kung gaano mo ito napakinggan nang mabuti”.

Ang apat na mapaghahanguang elemento kung bakit mahirap ang pakikinig:


Ang Mensahe
Ang Tagapagsalita
Ang Tagapakinig
Ang Kalagayang Pisikal
Ang Mensahe
Mas mahirap makinig sa mensaheng isinateyp kaysa basahin sa isang papel ang mensaheng nakapaloob
sa mensaheng nabanggit, dahil ang nilalaman ng mensaheng napakinggan ay dumarating sa ating tainga
sa isang kisap-mata lamang, samantalang ang pagbabasa ng mensahe ay maaaring maggawa hanggat
gusto itong basahin ng mambabasa
MGA KASANAYANG MICRO SA PAKIKINIG
(ENABLING SKILLS)
Paghihinuha kung ano ang magiging paksa ng usapan.
Paghuhula ng hindi kilalang salita o parirala.
Paggamit ng sariling kaalaman sa paksa para sa dagliang pag-unawa.
Pagtukoy sa mga mahahalagang kaisipan at pagbabale-wala ng mga di-mahalagang impormasyon.
Pagpapanatili ng mga mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pagtatala o paglalagom..

Pagkilala sa mga diskors marker tulad ng kung gayon, ngayon, sa wakas, atb.
Pagkikila sa mga cohesive devices gaya ng mga pangatnig, panghalip, atb.
Pag-unawa sa ibat ibang hulwarang intonasyon at paggamit ng diin na maaaring maging hudyat ng
mensahe at kalagayang sosyal.
Pag-unawa sa mga pahiwatig na impormasyon tulad ng intensyon o saloobin ng tagspagsalita.

Mga Layunin sa Pagtuturo ng Pakikinig sa ating Paaralan


Elementarya
-nagagamit nang may ganap na kahusayan ang mga batayang kasanayan sa pakikinig.
Sekundarya
-napapalawak ang mga kasanayan sa pag-unawa, pagpakahulugan, pagsusuri at
pagbibigay-halaga at mga kaisipan o paksang napakinggan.
-nahuhubog at napapaunlad ang mga kasanayang mag-isip at kakayahang mangatwiran
sa pamamagitan ng pakikinig tungkol sa mga kaalamang pangwika at pampanitikan.
-napapalawak ang nakalaang pagkakataon sa pakikinig sa radio at mga kauring
talastasan bilang mabilis at matipid na daanan ng impormasyon.

You might also like