Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

G: Ayon kay Henry Alan Gleason, na isang sikat na lingwista, na nagbigay ng kahulugan at

kahalagahan ng wika na nagsabi na ang wika ay:

“Isang masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos


sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga tao sa pakikipagtalastasan. Ito rin ay
ang kaluluwa ng bansa, pag-iisip ng isang bayan na kumakatawan sa isang malayang
pagsasama – sama at pagkakaisa ng layunin at damdamin kaya’t dapat itong
pagtuunan ng pansin at pananaliksik upang mas malinaw nating mailarawan ang
katayuan ng ating kamalayan at ng ating pagkatao.

B: Bukod sa ang Filipino ay ang ating katutubong wika. Ang depenisyon ng Filipino na ibinigay
mo RICA ay umaakma sa ating tema ngayong taon na -- FILIPINO: WIKANG PANANALIKSIK.

G: Isang magpupugay para sa ating wikang Filipino kaya, bago natin simulan ang ating
palatuntunan. Isa munang pagbati sa ating pinakamamahal na Punong Guro ng ating Paaralan,
Sir Alfred B. Gonzales, Sir. Ang Tagamasid Pansangay sa Filipino, Dr. Gemma M. Erfelo, Mam.

B; ( NAME OFhead teachers).

G: Mga guro, tagapagsanay, mga magulang, mga bisita at siyempre ang mga mag-aaral ng
BONUAN BUQUIG NATIONAL HIGHSCHOOL

B and G. Maligayang pagdating at Mabuhay ang Wikang Filipino!

(SAYAW)

Japeth: Bago natin simulan, hinihiling ko na tumayo ang lahat para sa panalangin na susundan
ng pag-awit sa lupang hinirang, Himno ng ating Rehiyon at ng ating mahal na Lungsod sa
pamamagitan ng tanaw-dinig na presentasyon.

(Doxology and Singing of National Anthem)

Sheena: Hindi lang matamis na ngiti at gilas ang hatid sa atin ng ating mahal punong guro ng
ating paaralan kundi isang napapanahong hamon para sa ating lahat. Mga kaibigan, tinatawagan
ko ang ating Punong – Guro Sir Alfred B. Gonzales para sa kanilang pambungad na talumpati.

(Speech)

Japeth: Maraming salamat Sir sa mainit na pagbati sa amin. Tunay nga pong na napangiti nyo po
kami sa inyong mensahe.
Alam ko pong nanabik ang bawat isa para sa ating programa, sa mga kapanapanabik na mga
pagtatanghal sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Bago ang lahat, narito po ang ating mahal na
KAGAWAD JOVEN BALOLONG ng ating barangay BONUAN BUQUIG para sa kanilang
pampasiglang talumpati.

(Speech)

Sheena: Salamat po Kagawad Joven sa inyong taos pusong talumpati. At ngayon naman
tinatawagan ko po ang PANSANGAY NA SUPERBISOR NG LUNGSOD NG DAGUPAN, walang iba,
nag-iisa, at napaka-kisig -- Dr. Jaime C. Siapno -- sa kanilang mensahe.

(Speech)

B: Ngayon naman para ipakilala ang panauhing pandangal, tinatawagan ko si Rejaynald A. Rico.
(Speech)

Japeth: Maraming salamat mam sa mensaheng ibinigay. Mam. (ad lib praise for her speech)
Siyempre, Sa pagkakataong ito, tayo alam ko na tayo ay nasasabik. Para tayo ay bigyan ng
patikim. Aking tinatawagan ko ang ARMY DOLLS sa kanilang natatanging pagtatanghal. ISANG
MASIGABONG PALAKPAKAN PARA SA TING ARMY DOLLS or (ad lib introduction)

(Speech)

Sheena: Maraming salamat ARMY DOLLS.


Dahil ang wika ay hindi lamang nakatuon sa kasaysayan at pagpapahalaga ng ating sariling
pagkatao at kultura. Ang ating wika ay susi rin sa ating hinaharap sa pamamagitan ng
pagpapayabong ng ating kaalaman at pananaliksik. Kaya’t aking tinatawagan ang mga kasapi ng
Ilaw at panitik sa harapan upang manumpa na pangungunahan ng ating Ang Tagamasid
Pansangay sa Filipino, Dr. Gemma M. Erfelo.

(Speech)

Japeth: Ayan, ganap na tayong opisyal ng Ilaw at Panitik. Nawa’y makatulong ang ating samahan
sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Sheena. Ngayon alam na natin ang ating mga dapat gawin. Pero bago tayo magpaligsahan,
ipakikilala sa ating ngayong umaga ang mga nagpipitagang mga hurado. Tinatawagan ko ang
Pangulo ng SATAFIDAG, Dr. Renato R. Santillan upang pormal na ipakilala sa atin ang mga
hurado.

Japeth. Ayan nakilala na natin ang ating mga hurado. Umpisahan na natin ang ating paligsahan.
Tinatawagan ko si Dr. Filemon C. Rivo at G. Herbert R. Perez para sa paligsahan. Muli ako si
Japeth F. Dela Cruz, ang inyong lakandula

Sheena: Sheena Ann P. Narvas ang inyong mutya

Sheena at Japeth: Na nag-iiwan ng Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay kung ano
ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng wika ay bayan – ang ating taumbayan. Mabuhay ang wikang
Filipino!

You might also like