Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pamumulaklak

"Sana ihalintulad ng mga tao ang kanilang sarili sa mga bulaklak."

Isa itong aral na natutunan ko. Mula pagkabata ay alam ko na na ako ay


kakaiba. Ako ay mataba at may mukhang puno ng tagyawat. Mas lalo
akong naiirita tuwing tumitingin ako sa salamin. Ang mga puna ng aking
mga kapatid at kaklase ay hindi nakakatulong sa aking pinagdaraanan,
Daan upang akoy mawalan ng aking tiwala sa sarili.

Isang araw habang nagdidilig ang aking ina sa aming hardin ay natanaw ko
ang mga nakabukadkad na mga bulaklak at tinanong ko siya kung bakit
maganda ang mga ito. "Ang kagandahan ng isang bagay ay hindi makikita
sa isang tanaw lamang. Masdan mong muli ang mga ito ang sagot ng aking
ina. Minasdan ko muli ang mga bulaklak at doon ko nakita na may mga bulaklak
na ma-ugat, malaki, maliit, kulang-kulang, may mga marka, at kakaiba sa bawat
isa. Sa sandaling iyon, ako ay napaisip at aking naunawaan na ang kagandahan ng
bulaklak ay may kanya kanyang katangaian at kakulangan, Ang mahalaga ay ang
gamit at ang naidudulot nito sa mga tao at sa mundo

Sa napakaigsi naming pag uusap ng aking ina, aking naunawaan na pati pala ang
aking hinagangaang mga namumukadakad at naggagandahang bulalak ay mga
katangian din na iba sa kanilang mga kauri t may mga natatago ding kapintasan sa
ating paningin, Sa aking pagmumuni muni aking napagtantao na ang kagandahan
at kabuluhan ng isang bagay o tao ang dapat nating paghalagahan at pagtuunan ng
pansin,

You might also like