Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG SUNDALONG PATPAT

Rio Alma

Unang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng sampalok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”
“Hahanapin
ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang inaayos ang papel na sombrero. “Pero hindi hinahanap ang
ulan,” nagtatakang
nagkamot ng tuktok ang sampalok. “Dumarating ito kung kailan gusto.” “Kung gayon, aalamin ko kung bakit matagal nang
ayaw dumalaw ng ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.

Ikalawang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng manok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”
“Hahanapin
ko ang nakalimot na ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang nagpupunas ng pawis na tumatagaktak. “Pero hindi
hinahanap ang
ulan,” nagtatakang tilaok ng manok. “Dumarating ito kung tinatawagan at dinadasalan.” “Kung gayon, aalamin ko kung
bakit matagal
nang hindi makarinig ang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at pinatakbo ang kaniyang kabayong payat.

Ikatlong Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng bundok. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”
“Hinahanap
ko ang nawawalang ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang hinihimas ang kabayong humihingal. “Matagal nang umalis
dito ang
ulan,” paliwanag ng kalbong bundok. “Nagtago sa pinakamataas na ulap.” “Kung gayon, aakyatin ko ang ulap,” sabi ng
Sundalong
Patpat at umimbulog agad sa simoy na pumapagaspas.

Ikaapat na Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng ulap. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”
“Hinahanap
ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat habang tinatapik ang nahihilong kabayong payat. “Matagal nang
umalis dito
ang ulan,” paliwanag ng maputlang ulap. “Nagtago sa pusod ng dagat.” “Kung gayon, sisisirin ko ang dagat,” sabi ng
Sundalong Patpat
at lumundag pabulusok sa mga along nakatinghas.

Ikalimang Pangkat: “Saan ka pupunta, O, Sundalong Patpat,” tanong ng dagat. “Saan ka dadalhin ng kabayong payat?”
“Hinahanap
ko ang nagtatagong ulan,” sagot ng Sundalong Patpat at iwinasiwas ang espadang patpat. “Pero hindi nagtatago ang ulan,”
paliwanag
ng nagniningning na dagat. “Ibinilanggo ni Pugita sa kaniyang mutyang perlas.” “Kung gayon, papatayin ko si Pugita,” sabi
ng matapang
na Sundalong Patpat. “Palalayain ko ang ulan.”
At sinugod ng Sundalong Patpat sakay ng kaniyang kabayong payat ang yungib ni Pugita. Nagulat si Pugita sa biglang
pagpasok ng
Sundalong Patpat na iwinawasiwas ang espadang patpat. Nagulat si Pugita sa liksi at lakas ng maliit na Sundalong Patpat.
Nagulat si
Pugita sa talim at talas ng kumikislap na espadang patpat.
Una at Ikalawang Pangkat: Mabilis at isa-isang tinigpas ng Sundalong Patpat ang malalaki’t mahahabang galamay ng
mabagal at
matabang dambuhala. Isa, dalawa, tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito. Walo! Huli na nang magbuga ng maitim na tinta si Pugita.
Nasungkit
na ng Sundalong Patpat ang mutyang perlas na nakapalawit sa kuwintas ng nalumpong hari ng dagat!

Ikatlo at Ikaapat na Pangkat: Hawak ang perlas, dali-daling sumibad patungong pampang ang Sundalong Patpat sakay
ng mabilis
na kabayong payat. Pag-ahon ay agad niyang ipinukol ang mutyang perlas paitaas, mataas, mataas na mataas, hanggang
umabot sa
tiyan ng ulap at sumabog na masaganang ulan.

Ikalimang Pangkat: Nagbunyi ang buong daigdig. Sumupling muli’t naglaro ang mga damo’t dahon. Nagbihis ng lungtian
ang mga
bukid at bundok. Muling umawit ang mga ibon at ilog…
Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon)
at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na
asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.
Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang
kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain
sa bukid.
Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i. Sa daan
papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain.
Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang
balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga
ng kaserola at ito’y naluto rin.
Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng
paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang
mga asawa niyang naluto.
Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito. Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya
ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang
mga asawang magluluto para sa kanya.

Maranao (Maranao: ['mәranaw]; Pilipino: Mëranaw [2]), din nabaybay bilang Meranao at Maranaw, ay ang term
na ginamit opisyal ng Philippine government sa pagtukoy sa katimugang tribo na ngayon ang mga tao ng lawa na
tinatawag na sa Ranao ang Iranaon wika, isang nakararami Muslim rehiyon sa Pilipinas isla ng Mindanao. Ang mga ito
ay sikat na para sa kanilang mga likhang-sining, sopistikadong habi, kahoy at metal crafts, at ang kanilang mahabang
tula panitikan, Darangen. Ang salitang Maranao, din nabaybay nang Maranaw ay isang maling tawag dahil hindi ito
magkaroon ng kahulugan sa pagtukoy sa nouns tulad ng mga tao, lugar o bagay. Ang prefix MA-nangangahulugang 'upang
maging', ie, Maranao ay nangangahulugan na maging lawa. Ang tunay termino ay Iranon na kapag binibigkas matatas ay
Iranon (din Iranun) kahulugan "Mga Tao ng Lake," [3] nagre-refer sa mga katutubong tao na may nakatira ang lupain sa
paligid ng Lake Lanao na ang punong-guro bayan ay Marawi City. Ang Maranaos ay bahagi ng mas malawak na grupo ng
Moro etniko, na bumubuo sa ika-anim na pinakamalaking [[Etniko mga pangkat ng Pilipinas | Moro pangkat etniko]].
Ang buhay ng mga Maranaos ay nakasentro sa Lake Lanao, ang pinakamalaki sa Mindanao, at ang pangalawang
pinakamalaking at pinakamalalim na lawa sa Pilipinas. Ito breathtakingly maganda lawa ay napapalibutan may myths
at legend, ito ay ang pangunahing pinagkukunan ng fisheries, at ang pangunahing pinagkukunan ng isang
haydroelektriko halaman na naka-install sa ito; at ang Agus River sistema na bumubuo ng 70% ng koryente na ginagamit
ng mga tao ng Mindanao. Ang isang namumuno tanawin ng lawa ay inaalok ng Marawi City, ang kabise ra panlalawigan.

MARANAO Nakatira sila sa paligid ng lawa ng Lanao. Ang kahulugan ng “ranao” ay lawa kung saan hinango ang
kanilang pangalan. Ang Marawi ang tinaguriang lungsod ng mga dugong bughaw ng Maranao. Buo pa rin at hindi nai-
impluwensiyahan ang kanilang kultura katulad ng disenyo ng damit, banig at sa kanilang mga kagamitang tanso. Ang mga
tao sa Maranao ay naniniwala sa mga anting-anting.
Sa relihiyon, ang mosque ang kanilang simbahan. Ang kanilang
mga bahay ay may mga okkir na art.
Sa kasuotan malong ang tawag sa isa sa mga damit ng babae.
Dahil malapit ang mga Maranao sa tubig, pangingisda ang unang pamumuhay nila. .

Balita sa mindanao
Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na posibleng lumalala pa ang krisis sa enerhiya sa Mindanao kapag tumama
na sa bansa ang weather phenomenon na "El Niño" na nagdudulot ng matinding init.
Sa ulat ni Oscar Oyda sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Biyernes, sinabing nasa 10 hanggang 16 na oras ang
nararanasang rotational brownout ng mga taga-North Cotabato bawat araw.
Nitong Huwebes, nagsagawa ng kilos protesta ang mga residente sa lugar para kalampagin ang DOE.
Hiniling ng mga nagprotesta na magbitiw sa puwesto si DOE Secretary Carlos Jericho Petilla dahil sa kawalan umano ng
solusyon sa krisis sa enerhiya sa Mindanao.
Sinugod din ang mga demonstrador ang tanggapan ng Cotabato Electric Cooperative, at sinunog ang dalawang kabaong sa
labas ng gusali.
Samantala, siyam hanggang 10 oras naman ang rotational brownout sa Zamboanga city.
Kung dati raw ay 49 megawatts ang supply ng power sector assets and liabilities management corporation o PSALM,
ngayon ay 21 megawatts na lang.
Ang Davao city, nakararanas naman ng mahigit apat na oras na brownout.
Lumiit daw kasi ang power supply ng National Power Corporation sa Davao Light Corporation bunsod ng manipis na
reserba ng kuryente sa Mindanao ngayong tag-init.
Ang problema pa, malapit nang bumagsak sa critical level ang tubig sa Agus-Pulangi Hydropower dam.
Ayon kay Petilla, posibleng mas lumala pa umano ang brownout sa Mindanao kapag tumama ang el niño sa Hunyo.
Sakabila nito, tiniyak ng DOE na maaayos na ang suplay ng kuryente sa Mindanao sa susunod na taon, pagpasok ng coal-
fired power plants.
Subalit sa ngayon, ipinayo ng kalihim na makabubuting magtipid muna sa konsumo ng kuryente sa ngayon. -

You might also like