Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan

Grade 7
Inihanda ng Ikatlong Pangkat

I. Layunin

1. Naipapakita ang pag-unawa ng pagiging kasapi ng katipunan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong, pagpili ng
pangalan at panunumpa bilang katipunero
2. Naipapaliwanag ang tula ni Bonifacio tungkol sa pagmamahal sa bayan
3. Natutukoy ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan

II. Nilalaman
Paksa: Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Sanggunian: K+12 Student Material
Kagamitan: Cartolina, Kopya ng Tula,Marker, Watawat

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
3.1.1 Pabati
3.1.2 Pagdarasal
3.1.3 Pagtatala ng Liban

B. Pagganyak

-Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa ng human buzzer mag-uunahan na hulaan ang mga
larawan na ipapakita ng guro. Isang beses lamang maaaring sumagot ang bawat pangkat. Ang mga larawan ay ang mga
Katipunero na lumaban para ang bayan ay mapalaya. Ang may pinamaraming puntos ang mananalo.

Mga Larawan
1. Apolinario Mabini Tinaguriang Utak ng Rebolusyon
2. Emilio Jacinto
3. Melchora Aquino
4. Marina Dizon
5. Andres Bonifacio

C. Paglinang ng Aralin
- Punuuin ang patlang sa panunumpa bilang kasapi ng katipunan at bigkasin ito bilang bagong miyembro ng katipunan.
K. K. K. N. M. A. N. B
BRGY. _________________________ Aking ipinahahayag na sa kadahilanan ng pagkapasuk ko sa
K. K. K. NG MGA A. N. B. ay naghandog ako ng isang mahalagang panunumpa sa ngalan ng Bayang tinubuan, at sa harap ng
isang kagalanggalang na kapulungan nitong katipunan, na gugugulin ang lahat ng maigugugol at lahat ng minamahal ko sa
buhay, sa pagtatangol ng kaniyang banal na Kadahilanan, hanggang sa abuting magdiwang, sukdang ikalagot ng hininga. Sa
bagay na ito, isinumpa ko ring lubos na tutupad at susunod sa kaniyang Patnugutan at mga kautusan. Sa katunayan nito,
aking itinala ang aking pangalan ng tunay na dugong tumatagbo sa aking mga ugat sa pahayag na ito. Ika ____________ araw
ng buan ng ______________ ng taong 189__. Tinaglay ko ang pamagat na __________________________.

- Ang lahat ng mag aaral ay sabay-sabay na tutula kung saan kailangan mapalutang nila ang diwa ng tula sa pamamagitan ng
madamdaming pagbasa, indayog at kaisahan ng tinig sa pagbigkas.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Andres Bonifacio


(a) Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa? Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.
(b) Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa
Bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
(c) Kung ang bayang ito’y nasasapanganib At siya ay dapat ipagtangkilik
Ang anak, asawa, magulang, kapatid Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
(d) Kayong mga dukhang walang tanging [palad] Kundi ang mabuhay
sa dalita’t hirap Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ang
ginhawa niya ay sa lahat.

D. Pangkatang Gawain
Ang mga mag-aaral ay isasagawa ang mga sumusunod:
Mga Pangkat Mga Tanong Para Kay Bonifacio Sa Iyong Sariling
Pananaw
Pangkat I a. Ano ang ibig sabihin ng pagmamahal
sa bayan?
Pangkat II b. Paano ipinapakita ang pagmamahal sa
bayan?

Pangkat III c. Bakit mahalagang mahalin ang sariling


bayan?

Paglalahat
1. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Nasyonalismo noon at ngayon?
2. Sa panahon lamang ba ng pananakop sa ating bansa maipapakita natin ang ating pagiging makabayan?

E. Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bansa o pagkamakabayan?

IV. Pagtataya
Pangkat I Gumawa ng isang talk show patungkol sa pagiging Makabayan
Pangkat II Gumawa ng maikling tula patungkol sa pagiging Makabayan
Pangkat III Gumawa ng maikling awit.

V. Takdang Aralin
1. Basahin, unawain at isulat sa kwaderno ang Kartilya ng Katipunan ni Emili Jacinto. -Student’s Material Pahina 77-78

You might also like