Basura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Basurahan ni Theo

Magdidilim na subalit di matinag si Theo sa kanyang kinatatayuan. Patuloy nyang


sinisilip ang kapirasong butas mula sa isang kubo.

"Theoooo!" tawag ng amang mula pa sa malayong lugar ay dinig na dinig niya.

"Patay! Si tatay... Napaaga ata ng dating."

Dali daling lumayo si Theo sa luma subalit matibay tibay pa na kubo.

"Itay! Napaaga po ata ang dating nyo?"

"Ay oo anak. Eto nga pinagbilinan ako ni Don Julio. Sunugin na lang daw ang
lumang kubo kasama ang basurang nasa loob nito. Tutal hindi naman ito
mapapakinabangan."

"A...ano po?" ang nagkadautal utal na tugon ni Theo. "Tay baka pwede na natin
buksan yung kubo. Ano po ba talaga laman nun?"

"Aba anak! Huwag na huwag kang magkakamali na buksan ang kubo. Baka
makasagupa ka pa ng mga kinakatakutan mong daga, ipis o isang malaking sawa
at ikaw ay lamunin. Naku! Mawawala ang pinakamahal kong Theo."

"Tsaka anak ang bilin sakin ni Don Julio ay dapat kong sundin. Mahabang panahon
hindi binuksan ang kubong iyon. Kung ano man ang dahilan ay di ko na rin inalam.
Sapagkat nirerespeto ko ang kanyang desisyon. At di ko nakakalimutan na kundi
dahil sa kanya, siguro wala tayo sa bahay na pinagkatiwala sa atin at maaaring di
kita kayang pagaralin sa kilalang paaralan."

"Pero tay... Malay nyo may mapapakinabangan pa tayo roon at mabili ko ang
pinapangarap kong laptop! Ayaw ba ninyo magkaroon ng henyong anak? Aba!
Ang mga kaklase ko bilib na bilib sa akin. Ang galing ko daw. Paano, ako ata
gumagamit ng mga laptop nila. Kinakalikot ko ata yun. Syempre, pinagagamit pa
nila ako ng wifi para madali ko matapos ang assignment nila!" Biglang nagtakip si
Theo sa kanyang bibig.

"Ano?! Theo?! Ikaw ang gumagawa ng assignment ng kaklase mo?" ang


nakapamewang na si Mang Ador.

"Sorry po tay... Gusto ko lang naman po matuto kasi napagiiwanan na po ako.


Dahil karamihan sa mga kaklase ko gumagamit ng ganoong klaseng aparato... Ang
titser ko nga po alam nyo, sa akin nagpapaturo pag di nya alam ang isang
application. Pangarap ko pong maging guro... At tsaka, paano po ako magiging
guro balang araw kung di ko pagsisikapang pagaralan, di po ba? Hindi naman po
ito luho kundi isang pangangailangan sa makabagong panahon."

Napawi ang galit sa mukha ng ama sa kanyang mga narinig.

"Sige po tay... Kayo po ang masusunod. Di ko na po pagpipilitan buksan ang


kubo."

Isang hapon naulinigan ni Theo ang nagbabaksakang kagamitan mula sa kubo. Dali
dali itong tumakbo. Di nya malaman kung sya ay matatakot o hihingi ng tulong.

"May taong pumasok sa loob ng kubo..?"

Ang magkahalong takot at kabang nadarama ay napawi. Laking gulat nya ng


makita ang amang nasa loob nito.

"O Theo anak, halika pumasok ka! Nagising ka na pala? Matutuwa ka. Inutos sakin
ni Don Julio na maaari na itong buksan. Bahala na raw ako kung ano ang nais kong
gawin. Basta, kailangan tanggalin na natin ang lumang kubo na ito. Tsaka malapit
na ang iyong ika sampung kaarawan. Sa ganitong paraan, sana mapasaya kita."
Nanlaki ang mga mata ni Theo sa narinig.

"Talaga tay?!"

"Oo anak. Hala sige, tulungan mo ako."

Maalikabok at may kung ano anong gumagapang na insekto subalit hindi ito
naging hadlang upang buksan ni Theo ang mga kagamitan. Laking gulat nya ng
tumambad sa kanyang mga mata ang antigo at mamahaling kasangkapan tulad ng
baul, key holder, narrang lamesa, kampanilyang tanso, suklay na metal,
dekorasyong pang dingding at marami pang iba.

"Wow tay! Ito ba ang susunugin natin? Sayang naman po."

"Oo nga anak... Dahil mabuti kang bata, talagang pinagpala ka! Gumawa ng
paraan ang Dyos. Mabibili mo na ang pinapangarap mong laptop at maagang
pabirthday sa iyo!"

"Talaga itay? Ibibili mo ako ng laptop?!"

"Oo anak. Matutupad na ang pangarap mong maging guro balang araw. Alam
kong di masasayang ang husay at talino na pinagkaloob sayo ng Dyos."

Napatingala si Theo yakap yakap ang amang walang hinangad kundi ang anak ay
lumigaya.

You might also like