Wika - Wikipedia, Ang Malayang Ensiklopedya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

9/2/2018 Wika - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Wika
Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit
araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay
na bantas upang maipahay ag ang nais sabihin ng kaisipan.
Tinatay ang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7 ,000 ang mga wika sa
daigdig, depende sa kung gaano katiy ak ang pangahulugan sa "wika",
o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diy alekto. Ang
siy entipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika. Nag-
ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay . Samantalang nagmula
naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang
Mga estudyanteng nakikipagtalasan
lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng
sa pamamagitan ng paghaharap at
language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang paguusapan.
lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang
"dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasy on ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak
nitong kahulugan - ay anumang any o ng pagpaparating ng
damdamin o ekspresy on, may tunog man o wala, ngunit mas
kadalasang may roon.

Mga nilalaman
Isang lalaki at babaeng
Mga anyo ng wika nakikipagugnayan sa pamamagitan
Mga antas ng mga senyas ng kamay.

Mga Kagamitan
Kategorya ng paggamit ng wika
Pormal
Impormal o di-pormal

Mga anyo ng wika


Pinakapay ak sa mga any o ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. (Tingnan ang mga sining na
pangwika). Subalit kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang paseny as, larangan ng musika, sining ng
pagpipinta, pagsasay aw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung gagamitin ang
malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila (piguratibo), salita, diy alekto, o
lingo (sariling-wika ng isang grupo, [bigkas: ling-gow, mula sa Ingles]) ang wika. [1 ]

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika 1/3
9/2/2018 Wika - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mga antas
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:

Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga


kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na
kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at
Filipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o
paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular
na lugar o pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang
ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na
grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay
maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolok yal/pambansa.
Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila
at retorika.

Mga Kagamitan Ang cuneiform ang isa sa mga


nalalamang sinaunang anyo ng
nakasulat ng wika.
Ito ang pitong kagamitan ng wika:

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang


sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-
akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit
gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o nakikinig
ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang
pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng
taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap
ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na
hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika.

Kategorya ng paggamit ng wika


Ang dalawang kategory a ng paggamit ng wika ay porm al at im porm al o di-porm al.

Pormal
Ang pormal ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantay an dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang pormal.
Narito ang mga uri nito:

1. Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa
mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika 2/3
9/2/2018 Wika - Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

2. Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang


matatayog, malalalim, makulay, at masining.

Impormal o di-pormal
Ang impormal o di-pormal ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na
pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan. Narito ang mga uri nito:

1. Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
2. Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa
lansangan.
3. Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o
higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.

Halimbawa:

mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n

"Wika, salita, diyalekto, lingo [Ingles]". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary
(Talahulugang Tagalog-Ingles). 1990.

Kinuha mula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Wika&oldid=1654324"

Huling pagbabago: 08:35, 21 Agosto 2018.

Magagamit ang teksto sa ilalim ng Lisensyang Creative Commons Attribution/Share-Alike; maaaring mailapat ang
karagdagang termino. Tingnan ang Takdang Gamit para sa mga detalye.

https://tl.wikipedia.org/wiki/Wika 3/3

You might also like