Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Luksong Tinik

Bawat tao ay may kanya-kanyang kapalaran na nabubuo ng mismong mga kani-kaniyang kamay at paa.
Sa bawat desisyon, galaw at hakbang, ay gumagawa ng landas na ating pagdadaanan bilang isang
talambuhay. Ngunit sa paglalakbay na ito ay puno ng napakaraming pagsubok. Mga pagsubok na
bumabagabag sa ating mga isipan na paunti-unting lumalaki’t dumarami ay ipinagkakait sa atin ang pag-
asa hanggang sa hindi na muli inaasam ang katapusan ng sakit at paghihirap. Ngunit sa kabila ng lahat ng
ito, ang pag-asa ang tumutulong sa atin upang kumapit at lumaban.

Sa kasalukuyang henerasyon, maraming kabataan ang napapariwara dahil sa walang gabay na


natatanggap. Teenage pregnancy, HIV/AIDS – ito ay ilan sa mga suliraning dapat iwasan ng mga
kabataan. Bunga ito ng mali at iresponsableng pagtatalik. Ang mga biktima ng problemang ito ay
nakararanas ng malubhang paghihirap. Nakararanas sila ng matinding pagsisisi sapagkat sa isang
pagkakamaling nagawa, biglang nagbago ang ikot ng mundo. Sa kanilang panig, parang ang kanilang
kapalaran ay puno ng kasawian at hindi na magbabago pa. Nawawalan sila ng gana na abutin ang
kanilang mga pangarap at tatalikuran na ang lahat ng ito. Ngunit kahit sa pinakamadilim na gabi ay may
lumiliwanag na bituin bilang mga himala upang magbigay liwanag hanggang sa pagsikat ng araw. Ang
isang mabigat na suliranin ay dumadaan lamang upang magbigay ng aral at pagkakataong maitama ang
kamalian. Hindi ito ang katapusan kundi ang simula ng malaking pagbabago ng iyong kapalaran.

Maraming tao ang nabibiktima ng mga malubhang suliranin. Sila ay nakakaranas ng mga matinding
paghihirap, pagsisisi at kawalan ng gana sa buhay. Lahat ng ito’y malalampasan sa tulong ng pag-asa.
Ang pag-asa ay nagsasabi na lahat ng suliranin sa buhay ay malalampasan at hindi solusyon ang pagsuko
na lamang.

Every person has his own fate made by his own hands and feet. Every decision, move, and step, makes a
path to be journeyed which we call as life. But this journey in nature is full of struggles, challenges and
obstacles. Problems troubling our minds, tend to worsen and refuse the sunshine until the darkness of
the night stays forever. But remember, miracles happen especially in the least expected times.

You might also like