Ang Human immunodeficiency virus infection / Acquired immunodeficiency
syndrome (HIV/AIDS) ay isang sakit ng sistemang immuno ng tao na sanhi ng HIV.Sa simulang impeksiyon, ang isang taong nahawaan ay maaaring makaranas ng isang maikling yugto ng tulad ng trangkasong (influenza) mga sakit. Ito ay karaniwang sinusundan ng isang humabang panahong walang mga sintomas. Habang nagpapatuloy ang sakit na ito, ito ay mas nanghihimasok sa sistemang immuno ng indibidwal na gumagawa sa mga meron nito na mas malamang na magkaroon ng mga impeksiyon kabilang ang mga oportunistikong impeksiyon at mga tumor na karaniwang hindi dumadapo sa mga taong may gumaganang sistemang immuno.
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang HIV ay nanggaling sa isang uri ng
unggoy na kung tawagin ay chimpanzee sa West Africa at lumipat sa dugo ng mga tao matapos nilang patayin at kainin ito.At doon nagsimulang kumalat ang sakit o virus na ito.
Kinakailangan lang nating maging maingat at maging sensitibo sa lahat ng
tao na ating makakasalamuha hindi dahil makakasakit sila kundi maaaring sila ay makasakit o makapagdala ng sakit ng di natin inaasahan lalong lalo na sa mga taong marami nang nakatambal sa buhay o sa mga taong mahilig maki-salo sa mga kinakain o ginagamit ng kanilang kakilala na maaari ring nagdadala ng napaka delikadong sakit.