Abs Trak

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ABSTRAK

Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag-aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang siksik na
bersiyon ng mismong papel.

Isang maikling buod ng:

• Artikulo

• ulat

• pag-aaral na inilalagay bago ang introduksiyon

URI NG ABSTRAK

DESKRIPTIBONG ABSTRAK

 Inilalarawan sa mga mambabasa ang pangunahing ideya ng papel.

 Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin, at tuon ng papel.

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at sa pang
araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at pagkain. Mga bagay na
matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating mga tao. Kapag sinabing ginto,
ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang.
Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating
kapaligiran.

Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng hangin, at
bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga punong kahoy na
may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-
kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay na
masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula. Mga gulay na
bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap dahil ito ay walang
katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na malayang
umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay minsa’y malinaw na
kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag papahiwatig na ito ay malalim.
Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito, ang mga
kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang dagat na
nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa oras ng


pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng liwanag, ang araw na bilog na
mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

- John Lirson Z. Napoles -

IMPORTMATIBONG ABSTRAK

 Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.

 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.

 Binubuod dito ang kaligiran, layunin, metodolohiya,resulta

Sa Facebook

Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na


kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o
matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang
dala-dala kung saan man sila magtungo.

Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero


taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot
Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at
Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para
lamang sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa
Boston hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay
lumaganap na ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang
institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.

Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social
networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong
kompanya. Ditto, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-
post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na
papel (paper facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi nito.

Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano man
ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang
litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng
buong barkada na may #friendshipforever, #groufie, at marami pang iba. Maaari pang i-share sa
buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary,
#Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At
sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal na lahat) iyon. Maaari naming
mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili
mo.

Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito.


Kadalasan,kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang
binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating
#HASHTAG.

Mga hakbang sa pagsulat ng abstrak

1. Basahing muli ang buong papel.

2. Isulat ang unang draft ng papel.

3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan.

4. I-proofread ang pinal na kopya.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA ABSTRAK

1. Binubuo ng 200-250 na salita.

2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.

3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.

4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

You might also like