Professional Documents
Culture Documents
Gera Kontra Droga
Gera Kontra Droga
10 Br. Mutwald
Tungkol saan ang balita na naririnig niyo sa mga telebisyon at radyo? Naririnig
niyo ba ang mga balita tungkol sa laban kontra droga? Sang ayon ba kayo na napatupad
ang Oplan Tokhang? Ano nga ba ang Oplan Tokhang? Ang Oplan Tokhang ay isa sa
oplan na ito ay kakatukin ng mga pulis ang mga bahay ng mga pinaghihinalaang user at
tulak ng droga. Ang Oplan na ito ay nasa ilalim ng pamumuno ni PNP Director General
Ronaldo “Bato” Dela Rosa. Sa mga balita marami nang mga pinaghihinalaang drug user
at pusher ang namatay simula noong maipatupad ang Oplan Tokhang. Sa katunayan
mahigit 2000 katao na sangkot umano sa droga ang napatay na at 1,000,000 na ang
sumuko na user sa loob ng anim na buwan dahil sa kanilang takot na baka naman sila
ang nakumpiska na ng PNP. Ayon sa sinabi ng PNP 31 pursyento ng crime rate ng ating
bansa ang binaba kung ikukumpara noong nakaraang taon. Bumaba na ang mga crime
rate na may kinalaman sa droga. Noon ay may tinatayang 81,064 na krimen ang
nangyayari kada taon ngunit ngayon ito ay bumaba sa 55,391 na lamang. Natukoy ng
isang survey ng Social Weather Station na 4.9 pursyento lamang ng sinurvery na mga
pamilya ngayong taon ang nagsabing nabiktima sila ng mga kriminal. Noong nakaraang
taon 4.2 milyong pamilya ang nag ulat na nabikitma sila ng mga krimen, ngayon ito ay
bumaba sa 3.1 milyong pamilya na lamang. Ang pag baba ng krimen sa ating bansa ay
natatakot ang mga kriminal na gumawa ng krimen. Ngunit sabi nga nila laging may isa
Sa huling datos ng PNP hindi bababa sa 700 na kaso ng mga pag patay ang
naiuulat dahil daw nanlaban di umano ang mga ito sa operasyon ng pulisya. Mahgit 1000
naman ang bilang ng mga napatay sa pamamagitan ng summary killings o extra judicial
Maraming mga kaso ng pagpatay parin ang hindi alam kung konektado ba talaga ito sa
droga. Kahit na sabihin nating bumababa ang kaso ng rape, carnapping robbery at iba
pa ay tumtaas naman ang kaso ng murder sa ating bansa, at ang pagtaas nito ay talaga
namang nakakabahala.
Dahil dito nagkaroon ng dalawang panig ang mga tao tungkol sa pagpapatupad
ng Oplan Tokhang. Panig na sang ayon sa pag papatupad nito at panig na hindi naman
sang ayon sa pag papatupad nito. Sumasang ayon ang ilan dahil nababawasan na ang
mga gumagamit ng droga sa ating bansa at bumababa narin ang bilang ng mga
nangyayaring krimen sa Pilipinas. Hindi naman sang ayon ang iba dahil maraming pag
patay ang nagaganap na hindi naman talaga alam kung sangkot ba talaga ang mga ito
sa droga. Hinaing rin ng iba na dapat ay I rehab ang mga user ng droga at bigyan sila ng
Bilang mamamayan ng Pilipinas ay dapat alam natin ang nang yayari sa ating
bansa. Dapat alam natin kung ano na ang nang yayari sa ating mga kababayan at kung
ano na ba ang nangyayari sa gobyerno. Tungkulin natin na malaman na kung ang mga
mamamayan o nakakasama na. Ang layunin ng talumpati kong ito ay mag bigay
kaalaman, bago ko tapusin ang talumpati na ito ay may isa muna akong katanungan. Sa
tingin niyo ba dapat na ipagpatuloy ang Oplan Tokhang? Mga kababayan nasa inyo ang
kasagutan.