DOC2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KASAYSAYAN NG SARSUWELA

Ang sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na


mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpakita ng mga
sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-
ibig at kontemporaryong isyu. Ang sarsuwela ay impluwensiya ng
mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela sa isang
realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan, kaya lamang
ang ibang linya sa sarsuwela ay kadalasang kinakanta at patula
ang dialogo nito. Kadalasan ang sarsuwela ay nagtatapos palagi
sa masayang pagwawakas, kasiyahan o nakakaaliw na tagpo.
Ang tunggalian nang sarsuwela ay pahaplis at pahapyaw lamang.
Ito ay ipinangalan sa la Zarzuela ng Espanya.
ZARZUELA ANG ZARZUELA AY ISANG DULA NA MAY
AWITAN AT SAYAWAN. KASAYSAYAN NG ZARZUELA  ANG
ZARZUELA AY MATATAGPUAN SA MGA BANSANG SINAKOP
NG ESPANYA.  ANG UNANG TAGALOG NA ZARZUELA AY
“BUDHING NAGPAHAMAK” NA ITINANGHAL NOONG 1879. 
NAGING KILALA ANG ZARZUELA NOONG 1902-1940.  MULA
NOONG 1940, NAWALA ANG POPULARIDAD NITO DAHIL SA
VAUDAVILLE AT MGA SINEHANG WALANG TUNOG.

MGA HALIMBAWA NG ZARZUELA


1. WALANG SUGAT  NI SEVERINO REYES a.k.a LOLA
BASYANG
2. PAGLIPAS NG DILIM  PRECIOSO PALMA AT LEON
IGNACIO
3. DALAGANG BUKID  GERMOGENES ILAGAN
4. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa
Cruz, Maynila noong 11 Pebrero 1861.
Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang
Rufino Reyes at Andrea Rivero.
Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and
Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang
Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga
kuwentong pambata, ginamit niya ang
sagisag na Lola Basyang.
Ang kanyang sarsuelang
pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa
unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra
maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na
nagmamahalan.
Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang
Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang
idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino
Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang
kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga
manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pag-
ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni
San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes
Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksiyon ng mga manunuod sa
pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de
Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga
sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod
nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan
pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa
pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng
sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.
Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling
Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at
iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang
Moro-moro sa pagkamatay nito.
Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng
kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng
mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang
magasing Liwayway.
3D DNA
MODEL

You might also like