Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

Kahabaang IBP, Brgy. Batasan Hills, Lungsod Quezon

IKALAWANG LINGGUHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7


Ikalawang Markahan

I. Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung ang salitang may salungguhit sa pangungusap ay wasto at palitan
naman ng tamang sagot kung ito ay MALI.

1. Ang alamat ay kuwento patungkol sa pinagmulan ng mga bagay, halaman, hayop atbp na
isinalaysay ng ating mga ninuno.
2. Ang di-gasino, lalong at kaysa ay ginagamit sa paghahambing na di-magkatulad.
3. Ayon sa alamat, ang lupain ni Amihan nasa hilagang-silangan.
4. Ang San Dionicio Bridge ang nagdudugtong sa mga pulo ng Samar at Leyte.
5. Ang salitang alamat ay panumbas sa legend ng Ingles.

II. Pagkakasunod-sunod ng pangyayari: Isulat ang A,B,C,D at E sa nakalaang espasyo upang ipakita ang
wastong pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento.

A. Alamat ng Samar at Leyte


___ 6. Nagsipaghanda ang mga higante para sa isang malaking labanan.
___ 7. Kaya, sa paglipas ng panahon, dalawang malalaking pulo ang tumubo mula sa mga sasakyang-
dagat nina Amihan at Habagat.
___ 8. Sina Amihan at Habagat ay mga higanteng naglalaban at bawat isa’y mabalasik na hari sa kanilang
nasasakupan.
___ 9. Dito sila naghamok hanggang sa mawasak ang kanilang mga sasakyang-dagat at maubos ang
kanilang puwersa.
___ 10. Gayunman, lumayo ng husto ang mga anak papasok sa timog kaya nagalit si Habagat at
nagbanta siyang lulusubin ang lupain ni Amihan.

B. Alamat ng mga Bundok ng Tsokolate


___ 11. Kaya’t nilisan pansamatala ng tagaroon ang lugar.
___ 12. “Hindi maaari ito! Ito ay pag-aari ko!” sabay padyak ng higante mula sa Timog at nayanig ang
lugar na parang lumilindol.
___ 13. Makikita mong biyak-biyak ang lupain kapag tag-init.
___ 14. Tumumba ang dalawang higante na wala nang buhay.
___ 15. Noong panahong iyon, ay katatapos pa lamang ang tag-ulan at maputik sa kinatatayuan nila.

III. Punan ng wastong sagot. Bilugan ang mga salitang ginamit sa paghahambing at isulat sa puwang ang
PM (Paghahambing na Magkatulad) at PDM (Paghahambing na Di-Magkatulad).

_____ 16. Ang bilang ng mga mag-aaral sa BHNHS ay di-hamak na malaki kumpara sa Lagro High School.
_____ 17. Gaya ni Stephen Curry, magaling din magbasketball si Antonio.
_____ 18. Higit na mabilis ang pagtakbo ni Roel laban kay Bernard kaya nakuha niya ang unang puwesto.
_____ 19. Tulad ng agila sa himpapawid ang galing niya sa pagpapalipad ng eroplano.
_____ 20. Si Rosita ay kahawig ng kanyang namayapang kapatid.

[GCM 9/6/18]

You might also like