Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA ESP V

DATE: _________________
Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga
(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Alamin Natin (Day 1)

1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang kuwento na pinamagatang “Batang Mapanaliksik”. Ihanda


ang mag-aaral sa pamantayan sa pagbabasa.

2. Pagsumikapang maipadama sa mga mag-aaral ang kanilang mga naisin sa buhay na kaya
nilang gawin sa kanilang edad. Gamitin ang konsepto ng konstruktibismo kung saan gagamitin
ng mga mag-aaral ang kanilang mga karanasan para masagot ang tanong ng guro.

3. Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga tanong:

a. Anong mga gawain ang nagpapalawak ng isipan at karanasan ng isang tao?

b. May mga pagkakataon bang hindi ka naniwala mula sa iyong nabasa ?narinig ? O nakita
sa internet ?Bakit?

c. Anong kabutihan ang naidudulot ng pagbabasa ? Pakikinig o panonood ?

d. Paano mo masasabi na ikaw ay magiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa radyo


o nababasa sa pahayagan? Ipaliwanag.

e. Sa iyong palagay ang pagiging mapanuring mananaliksik sa pagbabasa, pakikinig o


panonood ay makatutulong sa iyo bilang mag-aaral? Ipaliwanag.

4. Pag-usapan ang kanilang mga kasagutan. Sa bahaging ito ng pagtalakay, maging sensitibo

sa kanilang mga kasagutan.


BANGHAY ARALIN SA ESP V
DATE: _________________
Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga
(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Isagawa Natin (Day 2)

Makatutulong sa pagkilala ng mapanuring pag-iisip ang mga gawain sa Isagawa Natin.

1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain 1.

Pupunan ang mga bilog ng mga naidudulot sa iyong pag-aaral bilang isang mag-aaral,kung
may kawilihan sa pagbabasa, panonood, pakikinig at pagsasaliksik sa internet.

Halimbawa ng mga kasagutan ng mag-aaral:

Agham – dahil sa panonood ko nalalaman ko ang mga makabagong pamamaraan kung


paano maiibsan ang El Nino, kagaya ng cloud seeding.

2. Patnubayin ang mga mag-aaral sa Gawain 2.

Pangkatin sa apat ang klase. Pumili ang mag-aaral ng lider. Mula sa napakinggan, nabasa, at
napanood na balita tungkol sa resulta ng nakaraang HALALAN 2016

Ipakita ito sa klase sa pamamagitan ng :

• Pangkat I – Rap

• Pangkat II – News

• Pangkat III – dula-dulaan

• Pangkat IV – Debate

3. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang gawain.

4. Magkaroon ng social-interactive learning. Bigyan ang bawat pangkat ng 2 minuto na


talakayan sa kanilang kapwa mag-aaral ang kanilang isinagawang presentasyon.
BANGHAY ARALIN SA ESP V
DATE: _________________
Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga
(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Isapuso Natin (Day 3)

1. Sa kahon A, B, C, D at E ay ipatala ang mga nasa isip ng mga mag-aaral nang matapos
nilang mapanood ang “video clip”. Maaaring ang sagot ng mga mag-aaral ay tumutukoy sa
kanilang damdamin, reaksyon o puna sa napanood. Isulat naman sa loob ng puso ang
natutuhan o aral na naidulot ng napanuod na video clip.

2. Ipaskil ang mga gawain sa isang bahagi ng dingding bilang pamantayan o paalaalang
kaisipan sa klase. Sa mga gawaing ito, gabayan ang mga mag-aaral. Nilalayon nito na
magkaroon ng pagbibigay ng papuri at bukas na talakayan hinggil sa kanilang mga reaksyon sa
mga bagay na sinuri.

3. Maari ding magbigay ang guro ng kanyang sariling kuro-kuro tungkol sa kawilihan at
pagsusuri sa nabasa, napanood at narinig.

4, Bigyang diin ang Tandaan Natin. Ipabasa ito sa mga mag – aaral nang may pang-unawa.
Ipaliwanag nang mahusay ang mensahe nito upang lubos itong maisapuso ng mga mag-aaral.
BANGHAY ARALIN SA ESP V
DATE: _________________
Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga
(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Isabuhay Natin (Day 4)

1. Ipagawa ang Isabuhay Natin na nasa kagamitan ng mag aaral.

2. Pag-isipan ng mga mag-aaral ang tanong na ito:

“ Nakatutulong ba ang mga bagay na nabasa at napanood ko sa aking pagpapasiya


pagkatapos ko itong suriin? Pangatwiranan.”

3. Magpagawa ng simpleng tula sa temang “Pagbabasa at panonood ay Ugaliin. Kanansan


at kaalama’y Palalawakin”.

4. Ipaskil ang gawa ang mag-aaral sa bulletin board upang mahikayat ang mga mag-aaral
na maagkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay tungkol sa mga nababasa sa
aklat at pahayagan, napapanood sa TV o internet.
BANGHAY ARALIN SA ESP V
DATE: _________________
Layunin: Nakakapagpakita ng kawilihan sa pagbabasa/pagsusuri ng mga
(ESP5PKP-If – g - 33)

Aklat at magasin

Diyaryo

Telebisyon

Internet

Paksa/Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

Mga Kagamitan: Power point, video clip, organizer,

Integrasyon: Araling panlipunan, Filipino

Pamamaraan:

Subukin Natin (Day 5)

1. Ipasagot sa kwaderno ng mga mag-aaral ang Subukin Natin na nasa kagamitan ng


mag-aaral.

Isulat ang Tama o Mali sa bawat patlang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
____________1. Ang pagbabasa ng aklat, pahayagan at iba pang mga babasahin ay mabuting libang
Libangan.
____________ 2. Hindi uunlad ang isipan kapag lagging nagbabasa.
___________ _3. Nakatutulong sa kaligtasan ang pagbabasa ng pahayagan at pakikinig sa radio.
____________ 4. Nakabubuti sa mag-aaral ang maging mapanaliksik.
___________ _5. Ugaliin ang pagbabasa lalo’t wala ka naming ginagawa.

2. Pagkatapos masagutan ng mag-aaral ang gawain, muli itong iproseso. Mahalaga na


maipakita ang kanilang pagninilay sa kanilang mga sagot.

Batiin ang mga mag-aaral sa natapos na aralin at ihanda sila sa susunod

na aralin. Maaaring magbigay ng takdang-aralin kung kinakailangan, para magsilbi itong

motibasyon sa susunod na pag-aaralan.

You might also like