Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Grade 7

Buhangin (Maikling kwento)

Tahimik ang tribo namin noon nang misteryosong nagkasugat-sugat ang aming makikinis na
pangarap. Mga manika kaming tinusok-tusok ng isang panginoong nasa malayong tore; Nilinlang
kami ng mangkukulam na mga Tagalog. Kapalit ng tatlong baldeng hipon, tatlong manok at isang
bala, napilitang isuko ng aming pinuno ang aming lupain—ang lupain na aming minana sa aming
mga ninuno. Isa sa mga ama ko ang tumutol, isa rin siya sa nagdilig ng sarili niyang dugo.
"Kinuha na nila ang ating mga lupain.” Wika ng aking ina sa aming lenggwahe, limang dekada na
ang nakakaraan. Nagkasakit din siya at sumunod sa aking ama. Ako na lamang ang mag-isa.

“Hindi, may natira pa sa atin.” At dinukot ko mula sa aking bulsa ang isang malilit na bote na may
lamang lupa. Isang hapon, nang nabalitang magpupunta dito “Ang mga Tagalog na may
mahahabang baril”, pumunta ako sa gilid ng aming taniman ay kumurot ng lupa, saka inilagay sa
loob ng isang bote. Utos ‘to ni gob…binili na ito ni gob!....sabi ng mga Tagalog.

"We are giving our indigenous people the opportunity to learn self-development,” panimula ng
isang nakakurbatang lalake sa entablado, “through the efforts of our tourism department; they
could live with the global trends and share the beauty of their traditions and ancestral essence.”
Nagpalakpakan ang lahat. Ano daw? ‘di ko alam, pumalakpak na lamang tayo—iyon ay matapos
kaming mapaalis sa aming lugar.

Walong taong gulang pa lamang ako kaya’t ‘di ko nauunawaang parte kami ng negosyo sa resort
na iyon at hindi mga nilalang na may puso’t isipan. Kami ay nagtitinda ng mga hinabing basket,
pamaymay, tsinelas, mga palamuti sa bahay, at mga souvenir.

“Are you studying?” Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas ng buhangin, ang
dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no’ng una ko siyang
makilala. Kano,may kano, ayan na…naririnig ko ang aking mga kasamahan.

“You have a pair of wonderful eyes, so dark and pensive they could have belonged to the sockets of a
philosopher.” At ngumiti siya. Sumama ako sa kanya sa Amerika. Isa siyang cultural psychologist sa
Harvard.

Ako ay isang Ata-manobo. Pango, maitim, maalon ang buhok. Pangit ako kung ang titingnan ako
sa salamin ng superpisyal na kultura nagdodomina sa isip ng mga tao. Ang mga malilit na bato,
mga molekula ng mineral, hibla ng mga patay na damo, ang kapiranggot ng lupa ng aming mga
ninuno, ay kumakatawan sa isang Ata-manobo. Hindi ako makalilimot.
Grade 7

“What’s that?” tanong ni Ms. Winters.

“This is what is left of my people.” Hawak ko ang bote isang hapon, sa tabi ng bintana,tinititigan.

Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral;pareho kaming nag-
iisa. Malaking porsyento ng aking maka-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya
sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura. Isang bote lamang ng lupa ang dala-
dala ko ngunit ngayon ay nakapagtapos ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod.
May mga pagkakataon na kami’y nagkwekwentuhan na parang “mag-ina” siya daw ay ‘di ligawin
ng mga lalake noong Junior High. Ang mga gusto nito ay mga “cheerleader type”. “They stuff
crumpled tissue paper inside their bras to make them seemingly bigger.” At kami’y tumawa.
Umalog ang bote na nasa aking bulsa. Bukas, bibisita kami sa Pilipinas sapagkat ako’y inanyayahan
upang pangaralan. Ako'y matanda na, ngunit, hindi ako nakalilimot aa aking kinagisnan.

Isang ata-manobong iskolar, nagtapos sa prestihiyosong unibersidad, waring isang istoryang


katumbas ng pagkakakita sa isang sasakyang pangkalawakan ng mga nilalang galing ibang
planeta.

“Ang bote na aking hawak ngayon ay naglalaman ng ispiritu natin, ng mga Ata-manobo. Ito
lamang ang aking nakuha mula sa kayamanang ninakaw mula sa atin. Oo, ako’y katutubong
uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako’y ‘di nakalimot, ‘di makalilimot.
Ang pagpaparangal na ito ay isang insulto.” Nanginginig ang aking mga laman habang nakatayo
sa gitna ng mga tao. at bigla ang lahat ay naging blangko.

Ang mga pulitiko, media, mga prominenteng tao, at mga kapwa kong Ata-manobo sa aking
kaharapan ay waring walang buhay ng mga oras na iyon. Tahimik. Nagtataka. Ano ang nagyayari?
Ano ang kanyang sinasabi? Ha? Ako lamang pala ang nakakabatid.

Kinabukasan, bago pumunta sa paliparan ay nagpaalam muna ako kay Ms.Winters na pupunta ng
dalampasigan. Isinaboy ko sa tubig ang lupa mula sa bote na parang abo ng isang mahal sa buhay.

Paalam.

You might also like