Pagsulat Week 11

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

SIMULAIN PARA SA IYO

 Ipagpalagay na ikaw ay kasali sa isang partido sa pulitika.


Ano-ano ang nais ninyong sabihin o ipaparating sa
kinauukulan ang sumusunod na isyu?

Pagpapatupad ng
Death Penalty

Saloobin:
Gawing Legal ang
Deborsyo sa Pilipinas

Saloobin:

o Sa paanong paraan mo naman ipaparating ang mga


saloobin na ito?
POSISYONG PAPEL

 Ito ay sulating pasanaysay na naglalaman ng mga


inilalahad na mga pinaninindigang palagay o saloobin
patungkol sa mahalagang isyung kinakaharap ng iba’t
ibang larangan lalo na ang akademyia, politika, at iba
pang dominyon. Karaniwang isinusulat ang posisyong
papel sa paraang pagpapahayag na maaring pinaghalo-
halong paglalahad, panghihimok, pangangatuwiran, at
maargumentong ideya.
KAHALAHAHAN NG POSOSYONG PAPEL

 Komunikatibong pasulat na magbibigay linaw mula sa


isang pangkat o organisayon.

 Pagkakaroon ng pormal at diplomatikong paglalahad ng


mga ideya ng mga taong sangkot o may pagpapahalaga.

 Pagkakataon ng isang organisasyong


makapagpaliwanag sa paraang di nangangailangan ng
karahasan.

 Pagpapakita ng mga pagpapahalaga nang may respeto,


dignidad at paninindigan upang maging halimbawa o
modelo ng mabuting pag-uugali pagdating sa
pagbibigay ng opinyon.
KATANGIAN NG POSISYONG PAPEL

 Nabubuo mula sa pinakapayak gaya ng liham sa patnugot


(letter to the editor) hanggang sa pinakakomplikadong
akademikong posisyong papel (academic position paper).

 Naglalaman ng mga maiinam na mga konteksto para sa


mas malinaw na detalyadong impormasyon.

 Ang nilalaman ay may ipinararating na punto gamit ang


mga ebidensya.

 Maargumento ang nilalaman at paninindigan ngunit may


paggalang sa kasalungat na pananaw.

 May bahaging subhetibo ang ganitong sulatin sapagkat


naglalabas ito ng saloobin
LAYUNIN NG POSISYONG PAPEL

 Makapaghayag ng mga kuru-kuro o paniniwala at


rekomendasyon gamit ang mga batayang ebidensyang
totoo.

 Mamulat ang mambabasa sa maargumentong isyu na


inihain ng manunulat.

 Mahikayat ang isang tao, grupo o komunidad hinggil sa


isang isyu.

 Upang maintindihan ang pinaninindigan ng isang tao o


organisasyon.
ANG MGA DAPAT NA ISINSASAALANG-ALANG SA PAGBUO NG ISANG
POSISYONG PAPEL (XAVIER UNIVERSITY LIBRARY, 2014)

1. Gumamit ng mga ebidensiya sa pagsuporta ng


iyong posisyon tulad ng mga pangyayari,
istatistikal, petsa at iba pa.

2. Alamin kung ang mga pinagkunan ng mga ebidensya


ay tunay na kinikilala.

3. Alamin ang mga kalakasan at kahinaan ng puntong


iyong pinaninindigan.

4. Alamin ang mga posibleng solusyon o


suhestiyon na maaaring gawin dito.
BALANGKAS NG POSISYONG PAPEL (XAVIER
UNIVERSITY, 2014)

 Introdruksyon

 Ang Katawan

 Kongklusyon

You might also like