Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Noli Me Tangere Kabanata 5 – Isang Bituin Sa

Gabing Madilim.

Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda deLala. (Ito ay


isang uri ng panuluyan, na tinutuluyan niya kapag siya ay nasa
Maynial). Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa kanyang silid at naupo
sa isang silyon.. Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip nito.
Maya-maya ginala ang paningin sa kalawakan ng himpapawid.

Mula sa bintana, natanaw niya ang isang maliwanag na bahay sa


kabila ng ilog. Naririnig niya ang kalansing ng mga kubyertos at
pinggan. Dinig din niya ang tugtugin ng orkestra.

Kung nagmasid lamang ng husto sabahay na iyon si Ibarra,


makikita niya kung sinu-sino ang naroroon. May isang
magandang binibini na nababalot ng manipis na habi,may suot na
diyamante at ginto. Sa likuran naman may mga anghel, pastol at
dalagang nag-aalay ng bulaklak. Ang mga umpukan naman ng
mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay nakatuon lahat sa
kagandahan ni Maria Clara. Giliw na giliw silang nakatingin sa
dalaga, maliban sa isang batang Pransiskano na payat at putlain.
Iba ang kanyang nadarama. Si Pari Sibyla ay siyang-siya sa
pakikipag-usap sa mga dilag samantalang si Donya Victoria ay
matiyagang inaayos ang buhok ng dalagang hinahangaan ng
lahat.

Dahil sa pagal ang isip at katawan ni Ibarra sa paglalim ng gabi,


madali siyang naktulog at nagising kinabukasan na. Ang tanging
hindi inabot ng antok ay ang batang Pransiskano.

You might also like