Professional Documents
Culture Documents
The Leaders
The Leaders
VIDAL, JOAQUIN
(1918-1919)
TICMAN, PRIMO
(1919-1922)
ESPELETA, MILENCIO
(1922-1924)
DIAZ, PEDRO
(1925-1930)
Ipinanganak si Pedro E. Diaz noong Mayo 2, 1900. Naging isang mabuting alkalde
si Diaz. Bukod pa dito ang kanyang pagiging kalihim ng “Veterans de la Revoluio”,
Parents-Teacher-Association, at Catolico Apostolico Romano. Nakapagtapos sya
ng kanyang pagaaral sa Ateneo de Manila at Philippine Normal School. Iniwan
niyang alaala sa mamamayang Muntinlupa ang mataas na paaralan na ipinangalan
sa kanya ang Pedro E. Diaz High School na matatagpuan sa UP side Alabang.
MOLINA, TOMAS
(1931-1933)
Naging “Third member of the Provincial Board of Rizal Province” si G. Tomas
Molina. Ipinanganak siya sa Alabang. Nag-aral siya sa Colegio de Manila sa
kursong pag aabogasya. Taong 1931 nang mahalal siya bilang alkalde ng
Muntinlulpa. Naging isang mabuting alkalde siya na ang tanging hangarin sa
bayan ay mapabuti ang kabuhayan ng kanyang mamamayan. Matapos ang
kanyang termino sa pampublikong pagseserbisyo ay naging isang matagumpay na
mangangalakal.
ARCIAGA, MARIANO
(1934-1936)
Matapang at matulungin si Marciano “Ciano” E. Arciaga. Panahon ng Hapon
nang siya’y manungkulan, walang kabuhayan at nasa gitna ng takot ang mga
taga-Muntinlupa. Upang matulungan niya ang kanyang mga kababayan
pinayagan niyang magtanim ang mga tao sa kanilang anim na hektaryang
lupain sa Tunasan. Nakapagtanim ng talong at iba pang gulay, ang
mapagbebentahan ay napupunta rin sa taong bayan. Kasama rin siya sa mga
tumutugis sa mga magnanakaw. Kapag panahon ng tag-ulan at bagyo
kinukupkop ni Alkalde Arciaga ang mga nasasalanta, Nagsilbing “Social
Services Department” ang kanyang malaking tahanan sa Poblacion.
Napasama si Alaklde Arciaga sa mga nahuli ng hapon noong Hunyo30, 1936
na dinala sa Sta. Rosa kung saan napatay sa “mass execution” sa tulay na
nasabing lugar.
TICMAN, BONIFACIO
(1946-1951)