Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

COMMENTATORS GUIDE

-PAMBUNGAD-

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Amen

Sumainyo Ang Kapayapaan

At Sumainyo Rin

-PENITENTIAL RITE-

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa
banal na pagdiriwang.

Inaamin ko
sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip,
sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng
Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin
sa Panginoong ating Diyos.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at


patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

Amen

TO BE SUNG:
-Panginoon Kaawaan mo Kami-

GLORIA IN EXCELSIS DEO

TO BE SUNG:
-Gloria [Maramba XD]

-COLECT PRAYER-

MANALANGIN TAYO
Ama naming makapangyarihan, ang kalinis linisang mahal na Birheng Ina ng Anak mong mahal
ay iyong iniakyat taglay ang kaluluwa at katawan sa kalangitan. Sa pagsasaloob namin ng mga
bagay sa kaitaasan pagindapatin mong kami ay makasalo sa kaluwalhatian ng Birheng Inang
aming mahal sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espirito Santo magpasawalang
hanggan

AMEN

MAGSIUPO NA PO ANG LAHAT

-Unang Pagbasa​-

Itinanyag ng aklat ng pahayag ang dakilang pangitain tungkol sa isang babaing


dinamitan ng araw nakadambana sa buwan at may labindalawang talang nakaputong sa
pangitaing ito. Inilalarawan ng pangitaing ito ang kaliwalhatian ni Maria sa langit

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.


Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan
ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang
bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo
at smapung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong
bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa
paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y
isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala
ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa
sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang
dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.
At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang
pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na
ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”

Ang salita ng Diyis

Salamat Sa Diyos

-SALMONG TUGUNAN-

To Be Sung:
All That I Am
-IKALAWANG PAGBASA-

Pinagnilayan ni Apostol San Pablo ang pagkakahawig at kaibahan ni Adan at ni


Hesukristo. Sinasagisag ni Adan ang kamatayan dahil sa kasalanan at samantalang
kinatawan naman si Hesukristo bilang huling Adan, ang kaligtasan sa pamamagitan ng
pagkabuhay muli

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, si Kristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman,
dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong
mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay
ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isa’y sa kanya-kanyang
takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa
panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng
kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari.
Sapagkat si Kristo’y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang
kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan.
Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng
Diyos.”

ANG SALITA NG DIYOS

Salamat Sa Diyos

Magsitayo na po ang lahat bilang paggalang sa Mabuting Balita

[PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA]

Sumainyo Ang Panginoon

At Sumainyo Rin

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Papauri Sa iyo Panginoon

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay


ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang
sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi,
“Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako
upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay
naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad
ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!”

At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon​.

Pinupuri Ka Namin Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

CREDO

Sumasampalataya Ako

[To Be Sung: Sumasampalataya]

OFFERTORY

Panalangin sa mga Handog

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal

Ama Naming lumikha ang mga paghahain na ito nawa ay makaakyat sa iyo at bilang katugunan
sa padalangin ng Mahal na Birheng iniakyat sa langit ang aming kaloobang nagaalab sa ninigas
ng pag ibig ay lubos nawang pumailanlang sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espirito Santo. Magpasawalang Hanggan.

Amen

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Itinaas na namin sa Panginoon​.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Marapat na siya ay pasalamatan.

SANTO- SANTO:
CONSECRATION:
AMEN:
AMA NAMIN:
SAPAGKAT
Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo

At sumainyo rin

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa

PEACE BE WITH YOU

KORDERO NG DIYOS
Ito si Hesus ang Kordero ng Diyos ang tagapag alis ng lahat ng nararamdaman lahat ng
kasalanan sa mundo. Mapalad ang lahat ng inaanyayahan sa piging ng Panginoon

Panginoon di ako karapatdapat magpatuloy saiyo ngunit sa isang salita mo lamang ay


gagaling na ako

KATAWAN NI KRISTO

-COMMUNION-

MANALANGIN TAYO

Ama naming Mapagmahal ngayong amin nang napagsaluhanang banal na pakikinabang


ipagkaloob mong kami ay maluwalhating makarating sa pagkabuhay pakundangan sa
Padalangin ng Mahal na Birheng Mariang iniakyat sa kalangitan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espirito Santo Magpasawalang Hanggan

AMEN

Sumainyo ang Panginoon.

At sumaiyo rin​.

Purihin ang ngalan ng Panginoon.

Ngayon at magpasawalang hanggan​.

Ang tumutulong sa atin ay ang Pangalan ng Panginoon.

Na may gawa ng langit at sanlibutan.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama + at Anak + at Espiritu Santo. +

Amen

Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
ANG MISA NG SAMBAYANAN
MASS PRESIDERS COPY
[AUGUST 15 READINGS]

Red- Celebrant
Black- Bayan
Blue - Lahat

-PAMBUNGAD-

Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Amen

Sumainyo Ang Kapayapaan

At Sumainyo Rin

Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa
banal na pagdiriwang.

Inaamin ko
sa makapangyarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala sa isip, sa
salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa mahal na Birheng Maria, sa
lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong
ating Diyos.

Kaawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at


patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan.

TO BE SUNG:
-Panginoon Kaawaan mo Kami-

GLORIA IN EXCELSIS DEO

TO BE SUNG:
-Gloria [Maramba XD]
MANALANGIN TAYO

Ama naming makapangyarihan, ang kalinis linisang mahal na Birheng Ina ng Anak mong mahal
ay iyong iniakyat taglay ang kaluluwa at katawan sa kalangitan. Sa pagsasaloob namin ng mga
bagay sa kaitaasan pagindapatin mong kami ay makasalo sa kaluwalhatian ng Birheng Inang
aming mahal sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espirito Santo magpasawalang
hanggan

Pagpapahayag ng Salita ng Diyos

-Unang Pagbasa​-

Itinanyag ng aklat ng pahayag ang dakilang pangitain tungkol sa isang babaing dinamitan ng
araw nakadambana sa buwan at may labindalawang talang nakaputong sa pangitaing ito.
Inilalarawan ng pangitaing ito ang kaliwalhatian ni Maria sa langit

Pagbasa mula sa aklat ng Pahayag

Nabuksan ang templo ng Diyos sa langit, at nakita ang Kaban ng Tipan.


Kasunod nito’y lumitaw sa langit ang isang kagila-gilalas na tanda: isang babaing nararamtan
ng araw at nakatuntong sa buwan; ang ulo niya’y may koronang binubuo ng labindalawang
bituin. Malapit na siyang manganak kaya’t napasigaw siya sa matinding sakit at hirap.
Isa pang tanda ang lumitaw sa langit: isang pulang dragon na napakalaki. Ito’y may pitong ulo
at smapung sungay, at may korona ang bawat ulo. Sinaklot ng kanyang buntot ang ikatlong
bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga iyon sa lupa. Pagkatapos ay tumayo siya sa
paanan ng babaing malapit nang manganak upang lamunin ang sanggol sa sandaling ito’y
isilang. At ang babae ay nagsilang ng sanggol na lalaki, ngunit may umagaw sa bata at dinala
ito sa Diyos, sa kanyang trono. Ang sanggol na ito ang itinakdang maghahari sa lahat ng bansa
sa pamamagitan ng kamay na bakal. Ang babae naman ay tumakas patungo sa ilang, sa isang
dakong inihanda ng Diyos para sa kanya.
At narinig ko ang isang malakas na tinig buhat sa langit na nagsasabi, “Dumating na ang
pagliligtas ng Diyos! Ipinamalas na niya ang kanyang kapangyarihan bilang Hari! Ipinamalas na
ng Mesiyas ang kanyang karapatan!”

ANG SALITA NG DIYOS

Salamat Sa Diyos

-SALMONG TUGUNAN-
To Be Sung:
All That I Am

-IKALAWANG PAGBASA-

Pinagnilayan ni Apostol San Pablo ang pagkakahawig at kaibahan ni Adan at ni Hesukristo.


Sinasagisag ni Adan ang kamatayan dahil sa kasalanan at samantalang kinatawan naman si
Hesukristo bilang huling Adan, ang kaligtasan sa pamamagitan ng pagkabuhay muli

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, si Kristo’y muling binuhay bilang katibayan na muling bubuhayin ang mga patay.
Kung paanong dumating ang kamatayan sa pamamagitan ng isang tao, gayun din naman,
dumating din ang muling pagkabuhay sa pamamagitan ng isang tao. Sapagkat kung paanong
mamamatay ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Adan, gayun din naman, mabubuhay
ang lahat dahil sa kanilang kaugnayan kay Kristo, ngunit ang bawat isa’y sa kanya-kanyang
takdang panahon: Si Kristo ang pinakauna sa lahat; pagkatapos, ang mga kay Kristo sa
panahon ng pagparito niya. At darating ang wakas, pagkatapos malupig ni Kristo ang lahat ng
kaharian, pamahalaan at kapangyarihan; at ibibigay niya sa Diyos at Ama ang paghahari.
Sapagkat si Kristo’y dapat maghari hanggang sa malupig niya at lubusang mapasuko ang
kanyang mga kaaway. Ang kahuli-hulihang kaaway na kanyang pasusukuin ay ang kamatayan.
Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng
Diyos.”

ANG SALITA NG DIYOS

Salamat sa Diyos

[PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA]

Sumainyo Ang Panginoon

At Sumainyo Rin

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Papuri sa iyo Panginoon

Si Maria’y nagmamadaling pumunta sa isang bayan sa kaburulan ng Juda. Pagdating sa bahay


ni Zacarias, binati niya si Elisabet. Nang marinig ni Elisabet ang bati ni Maria, naggagalaw ang
sanggol sa kanyang tiyan. Napuspos ng Espiritu Santo si Elisabet, at buong galak na sinabi,
“Pinagpala ka sa mga babae, at pinagpala rin ang dinadala mo sa iyong sinapupunan! Sino ako
upang dalawin ng ina ng aking Panginoon? Sapagkat pagkarinig ko ng iyong bati ay
naggagalaw sa tuwa ang sanggol sa aking tiyan. Mapalad ka sapagkat nanalig kang matutupad
ang ipinasasabi sa iyo ng Panginoon!”

At sinabi ni Maria,
“Ang puso ko’y nagpupuri sa Panginoon,
at nagagalak ang aking Espiritu dahil sa Diyos na aking Tagapagligtas.
Sapagkat nilingap niya ang kanyang abang alipin!
At mula ngayon, ako’y tatawaging mapalad ng lahat ng salinlahi,
dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan —
Banal ang kanyang pangalan!
Kinahahabagan niya ang mga may takot sa kanya, sa lahat ng sali’t saling lahi.
Ipinakita niya ang lakas ng kanyang mga bisig,
pinangalat niya ang mga palalo ang isipan.
Ibinagsak niya ang mga hari mula sa kanilang trono,
at itinaas ang mga nasa abang kalagayan.
Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom,
at pinalayas niyang wala ni anuman ang mayayaman.
Tinulungan niya ang kanyang bayang Israel,
bilang pagtupad sa pangako niya sa ating mga magulang,
kay Abraham at sa kanyang lahi, magpakailanman!”
Tumira si Maria kina Elisabet nang may tatlong buwan, at saka umuwi.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon​.

Pinupuri Ka Namin Panginoong Hesukristo

HOMILIYA

CREDO

Sumasampalataya Ako

[To Be Sung: Sumasampalataya]

OFFERTORY

Panalangin sa mga Handog

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay


kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga
kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal

Ama Naming lumikha ang mga paghahain na ito nawa ay makaakyat sa iyo at bilang katugunan
sa padalangin ng Mahal na Birheng iniakyat sa langit ang aming kaloobang nagaalab sa ninigas
ng pag ibig ay lubos nawang pumailanlang sa iyo sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng
Espirito Santo. Magpasawalang Hanggan.

Amen

Sumainyo ang Panginoon.


At sumaiyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.

Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.

Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan tunay nang marapat na ikaw ay pasalamatan sa pamamagitan


ni Hesukristo aming Panginoon

Ngayong Iniakyat ang mahal na birhen sa langit ang pasimulat larawan ng laan mong masapit
ng tanging sambayanan na saiyo ay nananalig may pag asa at kasiyahan kaming sa iyo ay
papalapit Di mo pinabayaan dumanas ng pagkaagnas ang nagsilang at nag aruga sa iyong
bumubuhay na anak noong siya ay hindi na maging iba sa aming lahat. Upang kami ay hatian
sa kanyang buhay na kamap

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit saiyo ng walang humpay sa kalangitan kami ay
nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

CONSECRATION
SANTO SANTO

Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang


mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan + at Dugo +
ng aming Panginoong Hesukristo.
Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog,
hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati
niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN ITO ANG AKING KATAWAN NA


IHINAHANDOG PARA SA INYO

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, hinawakan niya


ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alangad at
sinabi:

TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG
BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA
SAINYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAPATAWAD NG MGA KASALANAN GAWIN NINYO
ITO SA PAGAALALA SAAKIN

ANAMNESIS

IPAGBUNYI NATIN ANG MISTERYO NG PANANAMPALATAYA

[Si Kristo]

Ama, ginagawa namin ngayon ang pag-aalaala sa pagkamatay at muling


pagkabuhay ng lnyong Anak, kaya't iniaalay namin sa lyo ang tinapay na
nagbibigay-buhay at ang kalis na nagka-kaloob ng kaligtasan. Kami'y
nagpapasalamat dahil kami'y lyong minarapat na tumayo sa harap mo para maglingkod sa lyo.

lsinasamo naming kaming magsasalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay


mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ama, lingapin Mo ang lyong Simbahang laganap sa buong-daigdig.


Puspusin Mo kami sa pag-ibig kaisa ni Francisco na aming Papa at nang katuwang niya dito sa
Roblox at ng ako ang inyong hindi karapatdapat na lingkod. Lahat ng mga Obispo at tanang
kaparian

Alalahanin Mo rin ang rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pag-asang sila'y muling
mabubuhay gayun din ang lahat ng nang mga pumanaw Kaawaan Mo sila at patuluyin sa lyong
kaliwanagan. Kaawan Mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa lyong buhay na walang
wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng mga Apostol at ng lahat ng
nga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa lyo, maipagdiwang nawa namin
ang pagpupuri sa ikararangal Mo sa pamamagitan ng lyong Anak na aming Panginoong
Hesukristo.
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama Niya, at sa Kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa lyo,
Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

COMMUNION RITE

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na


Panginoon natin at Diyos ipayahag natin nang lakas-loob

AMA NAMIN

Hinihiling namin kami ay iadya sa lahat ng masa pagkalooban ng kapayapaan araw araw iligtas
sa kasalanan at ilayo sa kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw
ng pagpapahayag ng Aming Panginoong Hesukristo

SAPAGKAT

Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo;
ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.

Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming mga pagkakasala.


Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban kasama ng
Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

AMEN

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo

At sumainyo rin

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isat isa

PEACE BE WITH YOU

KORDERO NG DIYOS

Ito si Hesus ang Kordero ng Diyos ang tagapag alis ng lahat ng nararamdaman lahat ng
kasalanan sa mundo. Mapalad ang lahat ng inaanyayahan sa piging ng Panginoon

Panginoon di ako karapatdapat magpatuloy saiyo ngunit sa isang salita mo lamang ay


gagaling na ako
KATAWAN NI KRISTO

-COMMUNION-

MANALANGIN TAYO

Ama naming Mapagmahal ngayong amin nang napagsaluhanang banal na pakikinabang


ipagkaloob mong kami ay maluwalhating makarating sa pagkabuhay pakundangan sa
Padalangin ng Mahal na Birheng Mariang iniakyat sa kalangitan sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espirito Santo Magpasawalang Hanggan

Sumainyo ang Panginoon.

At sumaiyo rin.

Purihin ang ngalan ng Panginoon.

Ngayon at magpasawalang hanggan.

Ang tumutulong sa atin ay ang Pangalan ng Panginoon.

Na may gawa ng langit at sanlibutan.

Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama + at Anak + at Espiritu Santo. +

Amen

Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.

You might also like