Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Diana Grace Taala

Kagawaran ng Filipinolohiya
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
dianagracetaala@gmail.com
09091397931

ABSTRAK

Iba’t iba ang bitbit na danas ng bawat tao buhat sa mga karanasan mula sa isang partikular na
panahon. Ang mga danas na ito ang siyang nagiging sandigan ng mga gawaing pansining tulad ng
pagpinta, pagsayaw, pagtula at pag-awit. Isa ang musika sa nagsisilbing boses ng mga tao upang
malayang maipahayag ang kanilang nararamdaman at maikuwento ang kanilang mga karanasan sa madla.
Nangangahulugang sa bawat liriko na nakapaloob sa isang awitin ay ang karanasan at emosyong
nakasandig sa isang indibidwal o sa mga mamamayan. Ang mga musikang naging bahagi na ng kulturang
Pilipino ay mayroong mga temang tumatalakay sa pamumuhay ng mga tao sa pangaraw-araw nilang
gawain. Nakapaloob sa Musikang Pilipino, kung paano tinitignan o nakikita at nararamdaman ng isang
Pilipino ang mga pangyayaring ito sa kanyang lipunan. Ang Musikang Pilipino ay hindi lamang
naglalarawan kundi ito rin ay nagpapahayag ng mga pangyayaring makatotohanan. Karanasan ang
bumubuo sa musika at musika ang isa sa mga epektibong paraan ng pagpapahayag ng mga karanasang
ito. Kaakibat ng bawat awit ang kuwento na hindi kayang isagawa sa aksyon. Tinatalakay ng pananaliksik
na ito ang limang piling awit ng Asin mula sa album na Asin na susuriin ang pagpapakahulugan na
nakapaloob sa mga liriko. Lalamanin ng papel na ito ang iba’t ibang danas panlipunan na magsisilbing
pundasyon sa isang kuwalitatibong lapit at gagamitin bilang pansipat sa mga lirikong tumatalakay sa
pulitika, bayan, kahirapan, krimen at kaguluhan, pangarap, pag-ibig at pamilya. Layunin ng
pananaliksik na ito na maipakita ang mga isyung panlipunang dinaranas ng mga Pilipino, malaman kung
ano ang mga damdaming nakapaloob sa mga piling awitin ng ASIN at masipat kung saang aspekto ng
danas nakatuon ang mga piling awit ng Asin sa pamamagitan ng Leksikal-Sintaktikal at Tematikal na
pamamaran sa pagsusuri. Ang pananaliksik na ito ay sumailalim sa kwalitatibong disenyo na ginamitan
ng deskriptibong pamamaraan na kung saan ang mga datos at impormasyon na nakuha ng mga
mananaliksik ay binigyang interpretasyon, paliwanag at pagpapahalaga.

You might also like