Pilipinas ay upang ipalaganap ang Kristiyanismo,kinailangang humanap ng pamaraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kolonya.Bunga na rin ito patakarang pang- ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol na sa halip developmental ay extractive. Ibig sabihin, hindi nilang tinangkang paunlarin ang mga potensiyal sa bansa upang magkaroon ng kita, sa halip ay kinuha lamang kung ano ang maaring pakinabangan gaya ng lakas-paggawa at likas na yaman. Sinasabing hindi naman talaga ang Spain ang kumita mula sa pananakop sa Pilipinas kundi ang mga Espanyol na ipinadala rito. Sa katunayan, upang matugunan ang pangangailangan sa kolonya kinakailangan pang umasa ang bansa sa real situado (royal subsidy) o tulong na salapi mula sa Mexico na noon ay kolonya rin ng Spain. Samantala,iminungkahi naman ng mga prayle na payagan silang magmay-ari ng mga lupain sa Pilipinas upang hindi na sila umasa pa ng suportang pinansiyal mula sa Spain. Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang pangangailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwis ay isa sa mga pangunahing patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.Sinimulan ang pagkolekta ng tributo noong 1571 na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales noong 1589,hanggang sa naging 12 reales noong 1851.pagdating ng 1884,ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula personal.Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis.Kung ang tribute ay pahirap sa buhay ng mga katutubo,doble ang pahirap na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala lagi ito ng katutubo saan man siya magpunta.nagpapatunay ito ng kanyiang pagkakakilanlan at ng kanyiang lugar ng panirahan.Kung wala siya nito,maari siyang pagbintangan bilang tulisan.Sinumang mahuli na walang cedula personal ay pagmumultahin at kung walang pangmulta ay ikukulong.Maraming katutubo ang ikinulong noong panahon ng kolonyalismong Espanyol dahil lamang sa walang dalang cedula personal.bukod sa tributo, marami pang ibang buwis ang ipinataw sa mga katutubo.Ang donativo de Zamboanga,falua,at vinta ay mga buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang hukbong military sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang Muslim sa mga pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang alipin.Ang isa pang anyo ng buwis ay ang bandala,na nagsisimula sa panahon ni Gobernador- Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera noong ika-17 siglo. Sa sistemang bandala,nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota ng produkto sa mga lalawigan kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. Gayunpaman,hindi naman sila kadalasang nababayaran ng pamahalaan kung kaya’t sa halip na bilhin ay tila kinukumpiska lamang sa kanila pamahalaan ang kanilang produkto. Sa kabuoan,malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Ang pagbabayad ng tributo ay pagilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.Para sa mga Espanyol, nabigay-daan din ito upang mabawasan ang mataas na pagtingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili sapagkat ginagawa nilan ang isang bagay na alam nilang hindi naman nila kailangang gawin. Naging dahilan din ito upang makapangamkam ng pera ang mga tiwalang Espanyol na walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa Spain. Sa bandang huli,napagtanto ng mga katutubo na sa halip mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang mga batayang pangangailangan ,lalo pa itong nagsadlak sa kanila sa kahirapan. Unang patakarang ipinatupad ng Espanyol sa kolonya ang sistemang encomienda. Ang encomienda ay teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador. Batay ito sa kahilingan ni Miguel Lopez de Legazpi na siyang naging kauna-unahang gobernador-heneral sa Pilipinas. Ang paggawad ng encomienda ay nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.Sa ilalim ang sistemang encomienda,ibinibigay lamang sa taong ginagawaranng encomienda (na tinatawag na encomendero) ang karapatang maningil ng buwis sa mga mamamayang sakop ng encomienda. Maari niya itong gawin sa loob ng tatlong henerasyon at pagkatapos ay kailangan niya nang ibalik sa pamahalaan ang encomienda. Itinuturing ang encomienda bilang isang administratibong yunit para sa koleksiyon ng buwis.Tungulin ng encomendero na maningil ng buwis sa kanyiang nasasakupan. Ang taga singil niya ng buwis ay ang cabeza de barangay,na kadalasan ay dating datu na sa ilalim ng pamamahalang Espanyol ay nag silbi na lamang tagakolekta ng buwis. Ibinibigay ng cabezp de barangay ang kaniyan nakolektang buwis sa encomendero. Ang buwis na sinisingil mula sa mga kalalakihan 19 hanggang 60 taong gulang ay nagkakahalaga ng walong reales sa loob ng isang taon. Maari din namang sa anyo ng ani o sapilitang paggawa ang buwis na kailangang ibigay sa encomendero. Bilang kapalit, tungkulin ng encomenderong protektahan ang mga sakop ng kanyiang encomienda laban sa mga nagtatangkang guluhin ang kaayusan nito. Tungkulin din ng encomendero na suportahan ang pagmimisyon ng mga prayle sa kaniyang encomienda at masigurong maging Kristiyano ang mga lahat ng mga tao sa kaniyang nasasakupan.Nagbigay-daan ang sistemang encomienda sa pagdanas ng pang-aabuso ng mga katutubo. Una, nakabigat sa kanila ang walong reales na buwis na kailangang bayaran sa encomendero. Bukod dito, nakadepende rin sila sa kagustuhan ng encomendero kung anong anyo ng buwis ang kaniang hihingin. Naging sanhi din ang sistemang encomienda ng pagawatak- watak ng mga katutubo sapagkat ang mismong naniningil sa kanila ng buwis, ang cabeza de barangay, ay kapuwa nila katutubo kung kaya’t nakikita nilang direktang sanhi ng kanilang paghihirap ay kababayan nila. Ang mga pang-aabusong dinanas ng mga katutubo sa kamay ng encomendero ay nagbigay-daan sa mg prayle na hilingin ang pagpapatigil ng sistemang ito sapagkat sila ang naging sumbungan ng mga katutubo.Isa pa sa mga pamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ito ay sinimulang ipatupad noong 1580 sa lahat ng kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Kailangan nilang magtrabaho sa loob ng 40 araw sa loob ng isang taon. Ang kadalasang ginagawa nila ay kalsada, tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo, at galyon. Hango ang sapilitang paggawa sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan.Btay sa laws of the Indies, may mga patikular na kondisyon sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa upang maiwasan ang pang-aabuso sa mga polista. Nakasaad sa batas na kailangang bayaran ang mga polista sa kanilang pagtatrabaho. Hindi rin sila dapat dalhin sa malayong lugar upang doon magtrabaho. Bukod ditto, hindi sila dapat magtrabaho sa panahon ng pagtatanim o pag-aani. Nakasaad din sa batas na kailangang isaalang-alang ang kondisyong pisikal ng mga polista.