Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Kabanata I

Suliranin at Saligan Nito

Nilalaman ng kabanatang ito ang paglalarawan sa paksang ginagawan ng pag-

aaral ipinapakita dito ang panimula, saligan ng pag-aaral, balangkas teoretikal,

balangkas konseptwal, paglalahad ng suliranin, hypotesis, kahalagahan ng pag-aaral,

saklaw at delimitasyon at ang mga kahulugan ng katawagan, ang lahat ng ito ay

mariing ipinaliwanag ang pumapaloob sa pag-aaral.

Panimula

Ang pagkakaroon ng kinagisnang wika ay parte na ng buhay ng bawat

indibidwal. Wika ang ginagamit natin para makipagtalastasan, makipag-ugnayan o

para makipagkomunikasyon sa pamilya at maging sa lipunan. Ayon kay Sapir (1949),

ang wika ay isang kasangkapan ng sosalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay

hindi matutupad kung wala ito. Sinasabing ang wika ang kailangan para magkaroon

ng pagkakakilanlan at magkaroon ng kaugnayan sa isang tao.

Itinuturing natin bilang Wikang Pambansa ang Wikang Filipino. Isa sa mga

asignatura sa mga paaralan na mayroon tayo ay ang asignaturang Filipino. Sakop ng

asignaturang ito ang patungkol sa ating Wikang Pambansa. Simula pagkasilang at

paglaki natin ay ito na ang ating kinagisnang wika. Ganunpaman, hindi pa rin tayo

ganoon kabihasa sa wikang ito. May mga sakop ito na hindi pa rin tayo pamilyar.

May mga salita na alam natin sa Ingles ngunit hindi natin alam sa Filipino. Ang

wikang Ingles ang itinuturing natin pangalawang wika. Sa pagkatuto natin sa

1
asignaturang Filipino hindi maiiwasan na magsalita tayo ng Ingles dahil may mga

pagkakataon na alam natin ang isang salita sa Ingles ngunit hindi kapag sa Filipino.

Kung iyong mapapansin ipinapahayag nito ang pagkakaroon ng kaalaman sa

dalawang wika at ito ang tinatawag na bilingguwal. Binigyan ni Bloomfield ng

simpleng depinisyon ang bilingguwal, aniya, “ito ay ang pagkakaroon ng

magkasintulad na gamit at kontrol ng dalawang magkaibang wika na ginagamit ng

isang indibidwal.” Samantala, ayon naman kay Diebold, inilarawan niya “ang

bilingguwal bilang pangunahing mga yugto ng pagkakaroon ng kontak ng dalawang

wika.” Sa direktang pagpapakahulugan ang pagiging bilingguwal ay ang estado o

kakayanan ng isang taong gumamit ng dalawang wika. Sa pagkakaroon ng tinatawag

na bilingguwal mayroon itong magiging epekto partikular na sa larangan ng

Edukasyon. Isa na dito ang epekto sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Mayroon

dalawang wikang ginagamit sa pagtuturo at ito ay ang wikang Filipino at Ingles. Sa

pagkatuto ng dalawang wikang ito maari itong makaapekto sa paggamit natin ng wika

sa iba’t ibang asignatura. Tulad na lang sa asignaturang Filipino, naapektuhan ng

wikang Ingles ang paggamit natin ng wikang Filipino dahil narin sa mga salitang

alam natin sa Ingles ngunit hindi sa Filipino na nakakaimpluwensiya sa pag-aaral

natin ng nasabing asignatura.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na malimitahan ang paggamit ng wikang Ingles

sa pag-aaral ng asignaturang Filipino dahil ang dapat gamiting wika sa asignaturang

Filipino ay ang Wikang Filipino para maging epektibo sa pag-aaral ng nasabing

asignatura.

2
Sanligan ng Pag-aaral

Malaking tulong ang pagkakaroon ng wika at ang pagkakaroon ng dalawang

wika dahil magagamit natin ito para magkaroon ng mas malawak na pakikipag-

ugnayan at mas maging epektibo tayo sa larangan ng Edukasyon. Pinagtibay noong

1973 ang palisi sa edukasyon sa pamamagitan ng bagong Konstitusyon na nagsasaad

sa Seksyon 3 Artikulo XIV na hangga’t walang itinadhana ang batas, ang Ingles at

Filipino ang dapat na mga wikang opisyal. Batay sa probisyon ng bagong

Konstitusyon sinunod ng Lupon ng Pambansang Edukasyon ang Bilingguwal na

Patakaran sa Edukasyon. Hunyo 19, 1974 ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglagda

sa pamamagitan ng Kautusang pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga panuntunan sa

pagpapatupad ng Patakarang Edukasyon Bilingguwal. Ayon sa panuntunang ito, ang

edukasyong bilingguwal ay bibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng

Pilipino at Ingles bilang mga panturo sa mga tiyak na asignatura.

Ipinahihiwatig nito na magkahiwalay dapat na ginagamit sa pagtuturo ang

dalawang wikang nabanggit. Katulad na lang ng paggamit ng Ingles sa asignaturang

Filipino, kailangan na mabawasan at malimitahan ang paggamit nito sa Filipino dahil

nakakaapekto sa pagkatuto ng asignaturang Filipino.

Balangkas Teoretikal

Ang pag-aaral na ito ay pumapaloob sa balangkas teoretikal patungkol sa

pagkakaroon ng pangalawang wika na magdudulot ng epekto sa pag-aaral ng

asignaturang Filipino.

3
Nakapaloob sa teoryang babanggitin kung saan nagsimula o kung paano

natututunan ng isang tao ang pangalawang wika na matatawag na bilingual at kung

paano ito nakakaapekto sa paraan ng pagasalita at pakikipag-ugnayan ng isang tao.

Ayon sa Teoryang Akomodasyon (Accomadation Theory) ni Howard Giles (1982).

Kaugnay ito ng mga teorya sa pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika sa

linguistic convergence at linguistic divergence. Sa linguistic convergence, ipinapakita

na sa interaksyon ng mga tao, nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o burnagay sa

pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikipagpalagayangloob,

pakikisama o kaya'y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Sa kabilang dako

naman, linguistic divergence naman kung pilit na iniiba ang pagsasalita sa kausap

para ipakita o ipahayag ang pagiging iba at di-pakikiisa at pagkakaroon ng sariling

identidad. Pumapaloob din dito ang interlanguage na tinatawag na gramar o istruktura

(mental grammar) ng wika na nabubuo o nakikintal sa isip ng tao sa proseso ng

pagkatuto niya ng pangalawang wika. Sa kalagayang ito nagkakaroon ng pagbabago

sa gramar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas o pagbabago ng mga

tuntunin sa wika.

Mapapansin ang kaugnayan nito sa pag-aaral na ito na kung paano

nakaiimpluwensiya ang pangalawang wika nating Ingles sa wikang Filipino. Katulad

na lang ng pagkatuto nating mga Pilipino sa wikang Ingles bilang pangalawang wika

at kung paano nakaaapekto ang pangalawang wikang ito sa pang-araw-araw nating

buhay partikular sa pag- aaral natin ng asignaturang Filipino na may malaking impak

sa larangan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino.

4
Balangkas Konseptwal

Ipinakikita sa balangkas konseptwal na ito ang paglalarawan sa pag- aaral na

ito na tungkol sa pag- usbong ng bilingguwal na wika sa larangan ng pagtuturo.

Malayang Baryabol Di-Malayang Baryabol

- Profile ng mga
tagasagot
- Epekto ng
bilingguwal prtikular sa
pag-aaral ng
Pag-usbong ng asignaturang Filipino
Bilingguwal na wika - Kahalagahan ng pag-
sa asignaturang Filipino aaral ng asignaturang
Filipino
- Implikasyon ng
bilingguwal sa pag-
aaral ng nasabing
asignatura

Ang diagram sa itaas ay nagpapakita ng malaya at di-malayang baryabol patungkol

sa ginagawang pag-aaral. Makikita sa malayang baryabol ang paksa ng ginagawang

pag-aaral at sa di-malayang baryabol naman ay ang mga katanungan kailangan ng

kasagutan.

Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang pagiging epektibo sa paggamit ng

pangunahing wika sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at ang paglilimita sa

paggamit ng bilingual patungkol sa asignaturang nabanggit.

5
Masasagot sa pag-aaral na ito ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang profile ng mga tagasagot batay sa kanilang:

1.1 Gulang:

1.2 Kasarian:

1.3 Kurso:

2. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng asignaturang Filipino?

2.1 pagiging makabansa:

2.2 kasaysayan:

3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng pangalawang wika partikular sa pag-aaral

ng asignaturang Filipino?

3.1 Mga positibong epekto:

3.2 Mga negatibong epekto:

4. Ano ang implikasyon ng bilingguwal sa pag-aaral ng asignaturang Filipino?

Haypotesis

Ang bilingguwal na wika ay hindi nakaaapekto sa asignaturang Filipino. Ito

ay dahil sa pag-usbong ng bilingguwal sa pag-aaral ng asignaturang Filipino, mas

mabilis na matututo ang isang estudyante sa asignaturang ito. Naiiugnay kasi ang

Ingles sa Filipino at sa paggamit nito ay makatutulong ang pagkakaroon ng

bilingguwal na mas maintindihan ang Filipino dahil sa paggabay nito sa pagkatuto ng

nasabing asignatura. Naging makabuluhan ang pagkakaroon ng bilingguwal sa pag-

aaral ng nasabing asignatura dahil ang wikang Filipino ay may koneksyon sa Ingles.

6
Kahalagahan ng Pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang maipamalas ang kahalagahan ng

pagbibigay importansya sa wikang Filipino bilang pangunahing wika at ang

paglilimita sa paggamit ng wikang Ingles sa asignaturang Filipino.

Magiging kapaki-pakinabang ang pag-aaral naito sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Magiging epektibo sa paggamit ng wikang Filipino sa asignaturang

Filipino at malilimitahan ang paggamit ng wikang Ingles sa nasabing asignatura.

Mga guro sa asignaturang Filipino. Mabibigyang atensyon ang paglilimita sa

paggamit ng mga mag-aaral ng wikang Ingles sa asignaturang Filipino at magiging

epektibo sa pagtuturo ng nasabing asigantura.

Sa mga susunod pang henerasyon. Magbibigay kaalaman at ideya tungkol sa

nasabing wika at kasaysayan nito na makapagbibigay tulong kung sa paanong paraan

ba sila magkakaroon ng kontribusyon para dito.

Saklaw at Delimitasyon

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang pagiging epektibo ng paggamit ng

pangunahing wika sa pag-aaral ng asignaturang Filipino. Layunin din nitong

malimitahan ang paggamit ng bilingguwal o ang paglilimita sa paggamit ng wikang

Ingles. Ginawa ang pag-aaral na ito sa tulong ng mga piling mag-aaral ng ika-11 na

baitang sa paaralan ng College of Sciences Technology and Communications, Inc.

taong panuruan 2017-2018.

7
Kahulugan ng Katawagan

Binibigayng katuturan ang sumusunod na mga katawagan ayon sa

pagkakagamit sa pag-aaral at pananaliksik na ito.

Asignatura. Tumutukoy sa iba’t ibang sakop ng pag-aaral na binubuo ng iba’t ibang

programa sa Edukasyon.

Bilingual. Pagkakaroon ng pangunahin at pangalawang wika ng isang bansa.

Wika. Ginagamit sa pagkakaroon ng komunikasyon, sa pakikipag-usap o

pakikipagtalastasan. Binubuo ng mga salita.

Wikang Filipino. Ang Wikang Pambansa o ang pangunahing wika na mayroon ang

Pilipinas. Ito ang medium na ginagamit sa pagtuturo.

Wikang Ingles. Pangalawang wika na mayroon ang Pilipinas.

Wikang Pambansa. Ang wikang itinuturing na sumasalamin sa isang bansa at

tumutukoy ito sa pangunahing wikang mayroon ang isang bansa.

8
Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag- aaral

Ang kabanata namang ito ay naglalaman ng kaugnay na literatura, kaugnay na

pag-aaral at sintesis patungkol sa kaugnayan ng ginagawang pag-aaral sa mga

nasabing reperensiya patungkol sa ginagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang pagkakaroon ng sariling wika ay may katumbas na halaga dahil ang

kaalamang ito ay malaking tulong sa pagiging sosyal at upang magkaroon ng

malawak na ugnayan sa lipunan at sa pagtagal ng panahon ang wikang ito ay unti-

unting nalilinang.

Si Caroll (1964) ay nagpapahayag na ang wika ay isang sistema ng mga

sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng unti-unting paglilinang

sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon, ngunit sa isang

panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng gawi na

pinag-aaralan o natutunan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi o pangkat

komunidad.

Sa pagtagal ng panahon unti-unting nadadagdagan ang kaalaman ng isang tao.

Ipinahihiwatig din nito na ang wika ang nagsisilbing kasangkapan sa pagkakabuo ng

komunikasyon sa loob ng isang pangkat ng mga tao.

9
Ayon naman kina Barker,et al. (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,

ang kasalukuyan, at ang hinaharap.

Ipinahayag na ang wika ay nalilinang at kinukunekta nito ang kasaysayan ng

wika hanggang sa kasalukuyan. Ipinahihiwatig nito na pwedeng magbago o

madagdagan ang wika na mayroon ang isang bansa.

Sa kaganapan sa kasalukuyan may kinikilala tayong dalawang wika at ito ay

ang wikang Ingles at Filipino na itinuturing natin bilang mga wikang panturo, sa

pagkatuto ng mga wikang ito ay matatawag itong bilingguwal na wika.

Inilahad sa aklat na Wikang Filipino nina Catacataca at Espiritu (2005) na,

ang implementasyon ng patakaran sa edukasyong bilingguwal ay nakasalig sa

Resolusyon Blg. 73-7ng Pambansang Lupon sa Edukasyon (National Board of

Education) na inilagda noong Agosto 7, 1973. Nilalayong Resolusyong ito na ang

English at Filipino ay magsilbing mga midyum sa pagtuturo at ituro bilang mga

asignatura sa kurikulum mula sa unang baitang hanggang sa lebel ng unibersidad sa

lahat ng paaralan, publiko at pribado at hilingin sa Kagawaran ng Edukasyon at

Kultura na maghanda at magsumite para isaalang- alang at pagtibayin ng Lupon, ng

isang panukala o panuntunang patakaran. Ang Kagawaran ding ito ay naglada na ang

edukasyong bilingguwal at binibigyan ng katuturang magkahiwalay na paggamit ng

Filipino at English bilang mga wikang panturo sa mga tiyak na asignatura. Sinasabing

magkahiwalay na paggamit sa wikang Filipino at Ingles ngunit isang suliranin na

kinakaharap natin sa ngayon ay ang pagkahalo ng paggamit ng dalawikang ito

partikular sa asignaturang Filipino, sa pag-aaral ng nasabing asignatura ay hindi

10
maiiwasan na magsalita tayo sa Ingles dahil hindi naman tayo ganoon kabihasa sa

wikang Filipino.

Paliwanag ni Sibayan (1988), Ang idyomang pedagohikal ay ang kabuuan ng

mga ginradong teksto, mga sanggunian, patnubay at iba pang mga kagamitang

panturo na magagamit mula sa unang baytang sa elementarya hanggang antas

tersyarya isinulat ng mga ekspertong manunulat ng mga teksbuk at kagamitang

pangkurikulum at mga iskolar at mga eksperto sa pamamaraan ng pagtuturo. Sa

paningin ni Sibayan (1990), kailangang linangin ang idyomang pedagohikal upang

mapagtagumpayan ang paggamit ng Filipino sa kurikulum. Ang pedagojical idiom,

ayon kay Sibayan(1990) ay ang katipunan ng mga paksang-aralin para sa bawat

grado, kagamitang panturo tulad ng mga aklat, patnubay, sanggunian, at mga

pagsusulit na kailangan, repertwa ng mga estratehiya at teknik sa pagtuturo, at iba pa.

Kailangan ang mga eksperto sa wika at mga disiplina para maisagawa ito.

Nangangahulugan lamang na mahalagang madevelop muna ito bago tingnan

sa makrong perspektibo ang iba’t ibang gawaing pangwika, nang sa gayon, ang mga

mag-aaral ay magkaroon na ng sapat na kaalaman kaugnay sa mga gamit ng wika.

Ipinahihiwatig din nito na kailangan ang mga eksperto sa wika at mga

disiplina para magsilbing tagagabay sa mga Pilipinong hilaw sa nasabing wika upang

mapagtagupayan ang paggamit ng Filipino partikular sa kurikulum o sa larangan ng

Edukasyon.

11
Kaugnay na Pag-aaral

Ipinatupad ng National Board of Education taong 1973, DO. No. 25, 1974 na

may pamagat na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual education.”

Layunin ng order na ito na makadevelop ng isang lipunang may sapat na kakayahan

sa gamit ng dalawang wikang malawakang nagagamit sa Pilipinas: Ingles at Filipino

(na noon ay Pilipino). Binigyan ang dalawang banggit na wika ng kani-kanilang papel

sa larangan ng edukasyon sa Pilipinas mula elementarya, hayskul hanggang sa level

tersyarya.

Batay sa order, anumang aralin na tahasang tatalakay sa kultura ay nararapat

na ituro sa Filipino. Samantala, ang matematika at mga aralin sa natural sciences ay

sa Ingles naman ituturo. Subalit, maaari pa rin namang gamitin ang Filipino lalo na sa

pagpapaliwanag ng mga aralin tungo sa lubos na pag-unawa. Hindi na tatalakayin

nang malalim sa papel na ito kung anu-anong mga sabjek pa ang nararapat na ituro sa

Filipino at Ingles sa tatlong nabanggit na antas. Bagkus, ipakikita rito ang konsepto

ng patakarang bilinggwal na ipinapatupad sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Sa ginawang pag-aaral ni Mercola (2016) na may pamagat na “Mother

Tongue”, binigyang kahulugan niya kung ano nga ba ang bilingguwalismo. Ito ay ang

kakayahan ng isang indibidwal na tagumpay na matutunan at magamit ang dalawang

wika. Napatunayan sa maraming pag-aaral ang mabuting epekto nito sa mga

indibidwal na nakagagawa nito.

12
Sa aspeto ng pakikipag talastasan, matututo ang isang indibidwal na makipag

talastasan sa maraming tao, na may kinalaman sa kanyang ikalawang wika.

Magkakaroon ang indibidwal ng maraming kaibigan, pagkakaintindi sa ibang kultura,

pagkakaroon ng malawak na perspektibo sa mga bagay bagay, pagtaas ng tiwala sa

sarili at iba pang may kinalaman sa komunikasyon.

Ayon sa pag-aaral ni Jomar (2011) na may pamagat na “Ang Edukasyong

Bilingguwal”, na ang patakarang pangwika na nakasaad sa Saligang Batas 1974 at

1987 ay tumutugon sa instrumental na pangangailangan ng mga Pilipino upang

magkaroon ng pagkakaisa hindi lamang sa identidad sa pamamagitan ng wika.

Tinalakay din sa pag-aaaral ni Jomar (2011) ang sanhi ng pagiging

bilingguwal ng isang tao. Nangyayari ang bilinggwalismo dahil sa kakayahan ng tao

na makipag-interak partikular na ang makipag-uasp. Maari ring maging dahilan nito

ay ang tiyak na pangangailangan ng isang indibidwal na gamitin ang pangalawang

wika para makaadap sa panibagong lipunang kanyang ginagalawan ito ngayon ang

tinatawag na instrumental na pangangailangan ng tao sa paggamit ng wika. Sa

pangyayaring ito, hindi malay o konsyus ang isang tao na unti unti siyang nahahasa sa

pangalawang wika.

Sa pagkahasa ng isang tao sa pangalawang wika ay nagdudulot ng epekto.

Tulad na lang ng pagbabago ng paraan ng kanyang pagsasalita sa wikang Filipino

partikular sa asignaturang Filipino na nadadagdagan ng wikang Ingles ang pag-aaral

niya ng nasabing asignatura kaya dapat na matutuhan ng isang tao na malimitahan

13
ang paggamit ng Ingles sa asignaturang Filipino upang hindi ito makaapekto sa pag-

aaral ng asignatura.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ni Amamio L. (2000) na may pamagat na

“Attitudes of Students, Teachers, and Parents of RVM schools in Metro Manila

Toward English and Filipino as Medium of Instruction” na natagpuan ng

mananaliksik sa artikulo ni Associate Professor Romeo Y. Martin ng University of

the East na may titulong English as Medium of Instruction in the Philippines, ang

mga estudyante at mga kaguruan ay mas piniling gamitin ang wikang Ingles sa

pagtuturo dahil sa ito ay madaling gamitin sa pagpapaliwanag ng mgaideya at

konsepto samantalang ang mga magulang naman ay mas pinili ang Filipino dahil sa

wikang ito ay naipaparating ang nais ipabatid at ito rin ang wika kung saan sila

aynagkakaunawaan. Ito ang natuklasan sa pag-aaral na ginawa na mayroong suliranin

kung ano ang atityud ng mga magulang, estudyante at guro ukol sa paggamit ng

Ingles bilang midyum sa pagtututro.

Ipinapahayag nito na sa paggamit ng dalawang wika ay kailangang pag-

isipang mabuti kung ano ang mas dapat. Kailangan din na magkaroon ng pagkakaisa

ang bawat lipunan at maging sa paaralan, kung ano ba ang mas dapat na binibigyang

importansya o mas pahahalagahan. Tulad na lang ng mga nabanggit na wika, na

parehas na ngayong ginagamit bilang mga midyum sa pagtuturo.

14
Sintesis

Ang mga nabanggit na pag-aaral sa kabanatang ito ay may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral tungkol sa pagkakakilanlan ng bilingguwal na wika.

Tinalakay sa mga pag-aaral na nabanggit kung paano natutuhan at kung paano

magagamit at ginagamit ang mga nasabing wika. Paraan sa kung anong dahilan

nahahasa ng isang indibidwal ang mga wikang taglay ng kanyang isipan. Ang mga

nagiging epekto ng bilingguwal sa bawat indibidwal pati na rin ang kahalagahan ng

pagkatuto ng bilingguwal na wika. Naiuugnay ito sa pananaliksik na ito dahil

binibigyang-pansin nito ang unti-unting paglinang ng wikang mayroon tayo hanggang

sa maging makabuluhan na ang paggamit natin sa mga ito. Pumapasok sa paksa ng

ating pag-aaral kung paano ba dapat natin gamitin ang bilingguwal na wika lalo na sa

isang partikular na bagay.

15
Kabanata III
Metodolohiya at Pamamaraan

Nilalaman ng kabanatang ito ang mga disenyo at paraang ginamit sa

pangangalap ng datos upang alamin ang antas ng pagsang-ayon sa pagkakaroon ng

bilingguwal na wika partikular sa larangan ng edukasyon sa asignaturang Filipino.

Makikita rin sa kabanatang ito ang kabuuang bilang ng mga tagatugon, pamamaraan,

kasangkapang ginamit sa paglikom ng mga datos at paraan ng pagsusuri nito.

Disenyo at Metodo

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang kwantitatib.

Kwantitatib sapagkat susukatin nito ang antas ng pangsang-ayon sa epektibong

paggamit ng billingwal na wika sa Asignaturang Filipino.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng mga talatanungan o sarbey

upang makalikom ng mga datos at malaman ang pananaw ng mga respondente.

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disenyong ito sa napiling paksa

at mapapadali ang pangangalap ng mga datos sa mga napiling respondente.

Populasyon at Lugar ng Pananaliksik

Ang mga tagatugon ng pananaliksik ay ay nagmula sa ika-11 baitang sa

istrand ng Humanities and Sosial Sciences sa Paaralan ng College of Sciences

Technology and Communications, Inc.

16
Nagpamahagi ng mga talatanungan para sa mga piling mag-aaral sa ika-11

baitang upang alamin kung ano sa pananaw nila ang antas ng pagsang-ayon sa

epektibong paggamit ng bilingguwal sa asignaturang Filipino. Sa pamamahagi ng

mga talatanungan sa piling mag-aaral ng bawat istrand ng ika-11 baitang ay

ginamitan ng pormula upang malaman ang dami ng bibigyang talatanungan sa

napiling mga respondente. Ginamit ang pormula sa random sampling at mula sa 1,215

na kabuuang populasyon ng ika-11 baitang ay 92 ang kinalabasang bilang ng

magiging respondente

Sa Academic Track na binubuo ng apat na istrand.Una sa istrand ng ABM, na

may kabuuang dami na 270 ay 20 na mga estudyante ang magiging respondente. Sa

istrand na HUMSS, na binubuo ng 180 na estudyante ay 14 ang mabibigyan ng

talatanungan. Sa STEM istrand, na may 52 estudyante at GAS istrand na may 48

namang estudyante ay parehong 4 ang magiging mga respondente.

Sa Technical Vocational Livelihood Track naman na may apat din na istrand.

Una sa IAA istrand, na binubuo ng 210 na estudyante ay 16 ang magiging mga

respondente. Sa IAE istrand, na binubuo ng 55 estudyante ay 4 lamang ang magiging

mga respondente. Sa istrand naman na HE na may 160 estudyante ay 12 ang

magiging respondente at sa istrand na ICT na may 240 na estudyante naman ay18 ang

magiging respondente.

17
Pormula:

N= population size = 1, 215


e= margin of error = 10 %
n= N = 1215 = 1215 = 92. 395 = 92
1 + Ne2 1 + 1215(0.10)2 13.150

Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumagamit ng talanungan upang makalap ang mga

datos na ginamit.Dito rin mailalahad ng mananaliksik ang mga detalye sa paraan ng

pangongolekta ng mga datos na kinakailangan upang matungunan ang mga suliraning

pinapahayag sa pag-aaral.Sa pamamagitan ng tseklist o listahan ang mga

mananaliksik ay nagkakaroon ng gabay upang malaman ang mga dapat gawin at

unahin sa paglikom ng datos at makakuha pa ng ibang impormasyon.

18
Pangalan (Opsyunal): _______________________________________________

Kasarian: Babae Lalaki

Edad:

Kurso:

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga sumusunod na katanungan batay sa


katumbas na bilang na makikita sa tapat nito.

Positibong Epekto
Madaling Pakikipag-ugnayan 4 3 2 1
Mas madaling makapagbibigay opinyon

Pagkamit ng adhikain bilang Globally


Competitive
Nakakasagap ng sapat na mga impormasyon

Matuto ang isang indibidwal na


makipagtalastasan sa maraming tao
Magkakaroon ang bawat indibidwal ng
maraming kaibigan gamit ang komunikasyon

Benepisyo sa Akademiko 4 3 2 1
Nagiging aktibo sa klase

Ang mga mag-aaral ay mas mabilis na matuto

Higit na nauunawaan ang asignaturang pinag-


aaralan
Pagkakaroon ng mas malawak na kaalaman

Mas mataas na marka patungkol sa asignatura

19
Pagtaas ng Tiwala sa Sarili 4 3 2 1
Pagkakaroon ng malawak na perspektibo sa
mga bagy-bagay
Nahahasa ang pag-iisip ng bawat indibidwal sa
paggamit ng wikang Ingles at Filipino
Pagkakaroon ng daan sa pagsisimula upang
mahimok ang pagpapaunlad ng kakayahan
Pagiging epektibo sa paggamit ng bilingguwal

Pagkakaroon ng positibong pananaw sa


paggamit ng dalawang wika

Negatibong Epekto
Kakulangan sa Bokabularyo sa Wikang 4 3 2 1
Filipino
Nagiging conyo ang salita ng isang tao

Nagkakaroon ng Language Barrier

Maling pagkakaintindi ng tao batay sa


interpretasyon nito
Hindi makaimik ng diretsong Wikang Filipino

Maling interpretasyon sa pagbibigay ng opinyon

Kakulangan sa pag-unawa ng Wikang 4 3 2 1


Filipino
Hindi magandang resulta sa pagkuha ng
pagsusulit
Hindi angkop na aktibidad patungkol sa

20
asignatura
Hindi sapat na kaalaman sa pag-aaral ng
pananalita
Pagiging mahina ng loob sa pakikipag-ugnayan

Hindi mailahad ng maayos ang nais sabihin

Hindi Pagpapahalaga sa Wikang Ingles at 4 3 2 1


Filipino
Pagbagal sa pagkatuto ng dalawang wika

Kakulangan sa karanasan sa paggamit nito

Hindi wastong paggamit ng wika

Kawalan ng tiwala sa paggamit ng dalawang


wika
Pagiging hilaw sa nasabing wika

Kahalagahan ng Pag-aaral ng
Asignaturang Filipino
Pagiging Makabansa 4 3 2 1
Pagpapahalaga sa mga bagay-bagay ng naayon
sa bansa
Paggamit ng sariling wika

Pagpapalawak ng kaalaman sa wikang Filipino

Pagsasabuhay ng pagiging Filipino

Pagtangkilik sa sariling kultura at wika

21
Kasaysayan 4 3 2 1

Pagpapatibay ng kulturang Filipino

Pagpapaunlad ng higit sa wikang Filipino

Pagpapatuloy sa nasimulang kultura nating mga


Pilipino

Pagpapalaganap pa sa ibang bansa ng ating


kultura
Pagpapahalaga sa wikang mayroon ang ating
bansa
Pag-unlad ng wika ng ating bansa

Paraan sa Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng simpleng estadistika gaya ng pagkuha

ng bahagdan upang makatuwang sa ikalilinaw at aktibidad ng mga inilarawang

kalagayan. Dinagdagan ang mga impormasyong nakalap sa pamamagitan ng silid-

aklatan, sa obserbasyon at higit sa lahat ay ang pagtatanong o ang paggawa ng

talatanungan na tinugunan ng mga respondente.

Ang mga instrumento na tumutukoy sa mga talatanungan ay ipinamahagi nang

personal ng mga mananaliksik kung saan nakapaloob ang mga nasa ika-11 na baitang

na kasangkot at tiniyak ng mga mananaliksik na ang bawat talatanungan ay natamo at

maayos na kasagutan ng mga napiling respondente.

Matapos pagtibayin ang paksa, ito ang naging batayan ng mga mananaliksik

para makabuo ng mga talatanungan. Bumuo ng sapat na katanungan ang mga

22
mananaliksik patungkol sa ikauunlad ng paggamit ng bilingguwal na wika sa pag-

aaral ng asignaturang Filipino upang maging batayan ng magiging kabuuan ng

ginagawang pananaliksik.

23
Pagsusuri ng mga Datos

Upang makuha ang sagot sa antas ng pagsang-ayon ng pag-uugnay ng

bilingguwal na wika sa epektibong paggamit nito sa asignaturang Filipino ay ginamit

ng mga mananaliksik ang weighted mean at ginawang salalayan ang sumusunod na

istandard at deskripsyon sa pagbibigay ng interpretasyon dito.

Value Range Deskripsyon Interpretasyon

Palagiang iniuugnay
Lubos na ang bilingguwal na
4 3.25-4.00 sumasang-ayon wika sa epektibong
paggamit nito sa
asignaturang Filipino.

Kadalasang iniuugnay
ang bilingguwal na
3 2.50-3.24 Sumasang-ayon wika sa epektibong
paggamit nito sa
asignaturang Filipino.

Madalang lamang
iniuugnay ang
2 1.75-2.49 Bahagyang bilingguwal na wika
Sumasang-ayon sa epektibong
paggamit nito sa
asignaturang Filipino.

Hindi iniuugnay ang


Hindi bilingguwal na wika
1 1.00-1.74 sumasang-ayon sa epektibong
paggamit nito sa
asignaturang Filipino.

24
Ang mga pagsusuring nakuha mula sa pagsukat ng antas ng pagsang-ayon sa

epektibong paggamit ng bilingguwal na wika sa asignaturang Filipino ay naging

batayan sa pagbuo ng modelong pampagtuturo na inaasahang makatutulong sa

pagbuo ng programang ekstensyon sa Kagawaran ng Filipino.

25

You might also like