Cost Accounrgrgththting Module Final Process Costing

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

In Stall o Out Stall ?

(opinion)

-Princess Felinde Josh L. Ednilao

Nang magsimula ang pasukan ay nagsimula na rin ang pagsulpot ng iba’t ibang food stalls na tila
isang kabute. Simula noon ay hindi na nawala ang pambansang tanong ng unibersidad, kung nararapat
ba o hindi na magkaroon ng mga stalls sa loob ng paaralan. Ikaw bilang isang estudyante ng paaralan
ano ang opinyon mo?

Maraming estudyante ang sanay na nang wala ang mga food stalls sa loob ng unibersidad. At
para sa iba ay dagdag lang ito sa mga lilinising kalat at napaka-dumi kung ito’y titignan. Isa pa sa mga
dinadaing ng lahat ay ang pag-gastos ng higit pa sa kanilang dapat na ilabas na pera. Iniisip din ng
karamihan na istorbo ito sa klase at kung minsan ay tinatambayan pa ng mga estudyante kahit na may
guro na sa kanilang mga classroom. Base sa mga nabanggit ay masasabi mong oo may punto ito, pero sa
isang banda ay may pagkakamali rin ang mga ito. Isa na dito ay ang pananaw nila sa mga food stalls
bilang isang malaking kalat, hindi naman natin masisisi ang mga stalls kung nagiging makalat o madumi
man ang ating unibersidad dahil hindi naman sila ang nagkakalat nito kundi tayo na bumibili sa kanila,
andyan naman ang basurahan para ating tapunan pero dahil sadyang irresponsable ang bawat isa sa atin
ay tinatapon na lang natin ito sa kung saan man matipuhan. At ang isa pa ay ang pagrereklamo natin sa
ating perang ginagastos, bilang isang estudyante dapat alam natin kung ano ang kailangan natin sa ating
gusto. Marami sa atin ang bumibili hindi dahil kailangan natin nito kundi dahil gusto natin nito, at ito ay
nagreresulta sa paggastos ng napakalaking halaga at kung minsan yung iba’y nangungutang pa. Hindi rin
naman kasalanan nang mga stalls kung tayong mga estudyante ay tatambay sa mga tindahan nila
habang nagkaklase, naka depende lang naman ito sa pagiging pagkatao ng isang estudyante at sa
mentalidad nito. Lagi nating tatandaan na nagtayo sila ng kanilang tindahan hindi para makasama kundi
para sila’y kumita at mabigyan tayo ng kalidad na serbisyo. Ang pagkakaroon o hindi pagkakaroon ng
stall sa ating paaralan ay hindi dapat maging malaking isyu sa atin. Lagi nating aalahanin na hindi tayo
dapat umakto ng na-aayon sa kung ano ang nakapaligid sa atin dahil ang kailangan ay kumilos tayo ng
dapat at tama ano man ang pumalibot sa atin o sa kahit ano mang sitwasyon. Sa pamamagitan nito ay
masusukat natin kung gaano tayo ka-responsable bilang mamamayan ng ating bansa at hindi bilang
taong naninirahan sa ating bansa.

You might also like