Professional Documents
Culture Documents
Lily
Lily
Lily
“Lily”
“Ano ba naman iyan?!” halos naiinis na sambit ni Paolo, isa sa mga kaklase kong
napakahilig sa basketball.
“Oh?! Bakit Paolo? Sinabi na namin sa iyo, hindi ba? Matatalo ang mahal mong grupo!”
natatawang tugon naman ni Eric.
Nag-init bigla ang tenga ni Paolo at mahigpit na kinuyom ang kanyang kamao. Ito ang
madalas na suliranin sa aming silid: ang mga asarang madalas nauuwi sa hindi pagkakaintindihan.
“Pare, huwag mong papatulan. Nagkakatuwaan lang naman tayo,” ani ni Jasper na agad
na lumapit nang nakita niyang napipikon na si Paolo. Pinahihinahon niya ito at inilayo pa sa ingay ng
aming mga kaklase upang makausap niya ito ng masinsinan.
Lumapit ako sa kanila. Hindi ko alam, pakiramdam ko ay kailangan kong tumulong kay
Eric na pakalmahin si Paolo. “Paolo, tama na iyan. Huwag mo nang palakihin pa ang nangyari”,
panghihingkayat na bulong ni Eric kay Paolo. Mabuti na lamang at mukhang nakuha naman agad ni
Paolo ang punto ni Eric. Marahil ay napag-isip-isip niyang kapag nasangkot siya sa anumang gulo
ay maaaring mawala siya sa honor roll o higit pa, ang kanyang scholarship.
“Uh, ayos ka lang ba, Eric?” medyo may pag-aalinlangan kong panimula. Pareho silang
napatingin sa akin na seryoso ang kanya-kanyang mukha. Tumango na lamang silang dalawa bilang
tugon sa akin katanungan. Pakiramdam ko tuloy ay ayaw nila akong kausap. Sinuklian ko na lamang
sila ng tipid na ngiti at dahang-dahang tumalikod, ngunit bago pa man ako tuluyang makalayo,
tinawag muli ako ni Eric.
“Lily, Huwag kang mag-alala. Hindi ako mababaw,” ani ni Eric na may bahid nang
hinanakit.
Napakunot ang aking noo. Wala naman akong matandaang sinabi na siya ay mababaw,
hindi ba? Bahala na nga. Pinabayaan ko na lamang ang katagang kanyang sinabi.
Mabilis na lumipas ang oras at pumatak na ang maliit na kamay ng orasan sa numero
tres. Alas tres na at ang aming pag-aaralan naman ay ang asignaturang Filipino.
“Ayon sa inyong aklat pahina dalawampu’t apat, isa sa mga tanyag na manunulat noong
panahon ng Espanyol ay si Francisco Balagtas na siyang nagsulat ng Florante at Laura,” pag-uulat
ni Ginoong Kaliboso.
*Paggamit bilang sanggunian (Referential)- Ipinakikita nito ang gamt ng wikang nagmula sa
aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at
impormasyon.
“Katunayan, ay pinangaralan pa siya ng mga Esapanyol sapagkat ang akala nila, ang
kwentong ito ay may layong ipalaganap ang Kristyanismo subalit ang katotohanan sa likod nito ay
ang paghihimagsik,” dagdag pa ni Ginoong Kaliboso.
Halos mahulog ako sa upuan nang bigla akong ginulat ni Sam, isa sa pinakamatalik kong
kaibigan. Paano ba naman kasi, napakatahimik ng aming klase at bigla-biglang may kumalabit sa
akin. Narinig ko ang kanyang hagikgik at binalingan ko siya ng masamang tingin.
“Ah… Oo naman. Alam mo naman Si Tito Art at Papa, siguradong may diskusyon
mamaya,” sambit ko. Pareho kasing abogado ang aming mga ama at dagdag pa riyan ay matalik
silang magkaibigan kung kaya madalas ay nagsasalu-salo kami para na rin matalakay ng aming
mga ama ang mga kasong kani-kanilang hinahawakan. Tumango na lamang si Sam.
“Ay! Heto na pala ang pinakamamahal kong anak,” pabirong sabi nang aking Ina. Agad ko
siyang binigyan ng halik sa pisngi.
“Ngunit malinaw na nakasaad sa ating batas na bawal mag-rekord nang walang permiso,”
medyo may diin at seryosong na sambit ni Tito Art. Nakita kong sumang-ayon ang aking ama atsaka
binalingan ako ng tingin. Lumapit ako upang magbigay respeto.
Mabilis na lumalim ang gabi ngunit hindi pa rin tapos ang munting salu-salo. Halos
natikman ko na marahil ang lahat ng putaheng nakahain, kung kaya pakiramdam ko puputok na ang
aking tiyan. Sa kagustohan kong may ibang magaw ay kinuha ko ang isang tissue paper at nagsulat
ng tula.
“O, anak, ano iyang ginagawa mo?” nagulat ako nang tinanong ako ng aking ina.
“Wala po,” tugon ko sa kanyang katanungan. “Ma, sino nga pala si Eric?” bigla kong
tinanong ko sa aking Mama. Nagulat ako nang nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“Bakit?” may pag-aalinlangan niyang sabi. Nakita ko ang kagustuhan niyang marinig ang
aking sagot.
“Bakit? Sa tingin mo, may naaalala na nya kaya ako, Ma?” aking sambit. Teka, sino nga
ulit ako?