PaksangPagtatalunan: Alin ang nararapat na maging Wikang Panlahat,
Wikang Filipino ba o ang ating Lingua Franca?
______________________________________
Lakandiwa: Ako’y isang Lakandiwang nagbuhat pa sa DMLES
sa Paaralang Elementarya na aking tinatangi, at ngayon ay buong galang na sa inyo’y bumabati at umaasang nawa ang paksa ay mapaglilimi Upang patimpalak na balagtasan ay magwawagi.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga
Dahilang pagtatalunan ng ating mga makata Ay kung anong wika bang magiging wikang panlahat Filipino ba na pambansang wika at kilala pa O lingua franca na sapagkabata’y nasa labi na.
Kaya’t itong Lakandiwa sa inyo’y nag-aanyaya
Ng dalawang mambibigkas na mahusay at kilala Upang pagtalunan ang paksang aking itinalaga. Ang hiling ko lamang ay palakpakan silang dalawa Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.
Wikang Filipino: Ako ay isang batang kay Manuel Quezon nagpupuri
Naniniwalang, Wikang Filipino ang minimithi Upang bawat Pilipino ay magkakaisa lagi Lahat ng hangarin ng mga damdaming sumisidhi.
Lingua Franca: Ang iyong lingkod ngayon ay nagmula pa sa malayo
Sa Balagtasang ito, magiliw akong sumasamo Gamit na wikang nagmula sa kinagisnang ninuno Aking ipaglalaban upang ating isasapuso
Lakandiwa: Atin nang natunghayan mga makatang maglalaban
Nagmula pa sa bayang kanilang kinabibilangan Ang isa’y nagmula pa sa pulong Kabisayaan Itong magandang dalaga’y sa Katagalugan naman. Wikang Filipino: Sa ating Wikang Filipino ako ay nagpupugay Wikang ginagamit sa Luzon, Visayas at Mindanao Kaya kilalang lahat, ginagamit araw-araw Kahit saan ka magpunta, siya’y magsisilbing tanglaw.
Wikang Filipino, nararapat maging wikang panlahat
Ito’y pamana ni Pangulong Quezon para sa lahat Samantalang lingua franca sa pagkakaisa’y salat Sa malalayong probinsya lamang ito nararapat.
Lingua Franca: Dahan-dahan sa pagsalita katunggaling maganda
Sapagkat nasasaktan mo mga taong maralita Sariling wika’y ‘di tumututukoy sa wikang pambansa Kundi sa wikang nakagisnan at laging nasa baba.
Lingua Franka ay nararapat na hindi kalimutan
Ito’y salamin ng kulturang bawat lalawigan. Salikod nito’y paniniwalang ating kababayan Sa Lingua Franka, tuwid na landas ang magiging daan.
Wikang Filipino: Nagkamali ka sa iyong paniwala katunggali ko
Ang sariling wika natin ay ang Wikang Filipino Surian ng Wikang Pambansa pa ang nagbuo nito Upang magkakaintindihan lahat ng Pilipino.
Ang lingua franca ay hindi ko naman minamaliit
Ito’y atin magmula noong tayo’y isa pang paslit. Ngunit iilang tao lamang ang dito’y gumagamit ‘Di tulad ng Filipino, gamit kahit nakapikit.
Filipino ang nararapat na maging wikang panlahat
Sa kalakalan, sa paaralan at maging sa simbahan Kahit sa pagbabalita, hindi mo ba nakikita Kapag Filipino ang gamit hindi ka magtutunganga.
Matuwid na landas, handog ng Wikang Filipino
Gamit ng mga guro bilang kanilang wikang panturo Sa simbahan man upang sa wastong aral ay matuto Sa pamahalaan man upang batas ay mabubuo. Lingua Franca: Paano magiging panlahat ang wikang Filipino Kung ang tao ay gumagamit ng mga dayalekto Lumibot ka sa ‘ting pitong libo’t isangdaang pulo Mapapatunayan mo na sinasabi ko’y totoo.
Sa paaralan, guro nga’y nagturo ng Filipino
Ngunit isinasalin pa rin sa mga dayalekto. Sa paggawang batas, di ba Ingles din katutoko? ‘Di mo masasalin ang Konstitusyon sa Filipino.
Sa simbahan, gamit ng pari ay dayalekto
Dahil kung hindi, mga tao ay tutunganga rito Kaya lingua franca, wikang panlahat ng mga tao Daan samatuwid na landas ng mga Pilipino.
Lakandiwa: Sadyang ang ating baya’y punong salinlahi
Saan mang sulok may nagkakaisa’t may minimithi Gamit na wikang natutunan sa labi namutawi Ito’y pinapahalagahan at hindi winawaksi.
Ang Lingua Franca’y simbolo sa mayaman nating lahi
Lahing Pilipino’y laging angat sa anumang lipi Mga dayalekto hayaang mamutawi sa labi Ating salinlahi dapat ay ating ipagbubunyi.
Bagamat ganun man, ating bansa’y nangangailangan
Isang wikang pambansa na ating magiging sandigan Wikang daan tungo sa ating pagkakaintindihan At pambansang pagkakakilanlan kahit saan ka man.
Wikang Filipino, ang siyang ating wikang pambansa
Nararapat tangkilikin at dapat na idambana Ito’y magbubuklod sa mga dayalektong bansa Upang atin ay isasapuso, isip at diwa.
Ngayong napakinggan na natin ang dalawang makata
Malalaman na ninyo ang hatol ng lingkod nyong aba Ang kanilang napiling wika kapwa ay mahalaga Maging Filipino man ang gamit o ang lingua franca Gamit sa kaunlaran ng ating bansang sinisinta.