Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Fatalla, Princess Ann T.

2018010371
GED0105 SEC-64

FACT STORMING SA FILIPINO UKOL SA PAKSANG: ANG


KNOWLEDGE REVOLUTION SA EDUKASYON PARA SA KANLURAN

Isa sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa ay ang pagkonti ng ating likas na yaman
o natural resources tulad ng mineral, enerhiya at iba pa. Sinasabi sa artikulo na mayaman ang
Pilipinas sa yamang-tao o human resource kaya’t makakatulong ito bilang isang instrumento na
maaring makatulong upang ma-solusyunan ang problema at isa na rito ay sa pamamagitan ng
edukasyon at talino upang mapayabong ang kaalaman ng mga tao na siyang magiging daan upang
maging sagana muli ang likas na yaman, mineral at enerhiya ng ating bansa. Sa pamamagitan ng
makabagong edukasyon at intelektwal na talino ng mga tao, nagkakaroon ng innovation at ito ay
kailangan upang mas lalo pang mapaunlad ang ating bansa.

Kung tatanungin ako kung sang-ayon ba ako sa nais ipahiwatig ng artikulo na ito, ang
sasabihin ko ay OO. Bilang isang Pilipino, hindi ako bulag sa mga nangyayari sa ating bansa; kung
paano unti-unti nauubos ang ating likas na yaman, mineral at enerhiya para sa pansariling interes
lamang ng mga mayayamang negosyante na ang tanging hangad ay kumita. Kung tutuusin ay kung
magtutulong-tulong lamang ang 80 milyong populasyon ng mga Pilipino na palaguin ang ating
likas na yaman ay baka mapayabong natin ito at kung gagamitin lamang din natin na sandata ang
Edukasyon at ang ating Wikang Pambansa ay tiyak na lalawig ang development ng innovation dito
sa ating bansa.

Sinabi ni Jose Rizal na tayong mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan. Tayo ang simula
at ang kinabukasan upang mapabago at mapayabong natin ang ating bansa. Kung isasantabi
lamang natin ang ating mga pansariling interes at ituon ang pansin sa pag-aaral ng wikang
pambansa at isulong ang expertise sa mga akademikong gawain tulad ng pananaliksik, journal at
kung ano-ano pa ay malaki ang magagawa nito para sa kaunlaran ng ating bansa.

You might also like