Professional Documents
Culture Documents
Masining
Masining
Ang pagbigkas o bigkas, kilala rin bilang pagsasatinig, pagsasabi, pronunsasyon o pronunsiyasyon,[1]
badya[2] o pagbabadya, ay ang paraan ng kung paano binabanggit o sinasalita ang isang salita o wika, o
ang kaparaanan kung paano namumutawi ang isang salita mula sa isang tao. Kapag sinabing ang isang
tao ay may "tamang pagbigkas", sa gayon tumutukoy ito kapwa sa loob ng isang tiyak na diyalekto.
Mabisang Pagbigkas
Sabihin ang indibiduwal na mga salita nang wasto. Ito’y nagsasangkot (1) ng paggamit ng tamang mga
tunog upang bigkasin ang mga salita, (2) ng pagdiriin ng tamang (mga) pantig at, (3) sa maraming wika,
ng pagbibigay ng wastong pansin sa mga tuldik.
Ang wastong pagbigkas ay nagdaragdag ng dignidad sa mensahe na ating ipinangangaral. Itinutuon nito
ang pansin ng nakikinig sa mensahe na ating ipinangangaral sa halip na sa anumang pagkakamali sa
pagbigkas.
2.Bigkas Napakahalaga namaging wasto ang bigkas ng nagsasalita. Kailngang maging mataas at malinaw
ang pagbigkas niya sa mga salita . Ang maling pagbigkas niya sa mga salita ay maaaring magbunga ng
ibang pagpapakahulugan ng salitang iyon lalo pa’t ang wika natin ay napakaraming homonimo(mga
salitang pareho ang baybay ,ngunit magkaiba ng paraan ng pagbigkas at may magkaibang kahulugan).
Maaari din maging isang katawa-tawa ang tagapagsalita kung laging mali ang pagbigkas niya ng mga
salita. Kaugnay nito kailanagang maging maingat din siya sapagbibigay ng diin(stress) sa mga salita sa
paghinto at paghinga sa loob ng mga salita at talata sapagkat nakatutulong din ito upang maging
malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.
3.Tindig. Sa isang tagapagsalita,lalo na sa isang pagtitipon o sa mga timpalak-pambigkasan napakahalaga
ng tindig . Kinakailangang may tikas ika nga, mula ulo hanggang paa: Hindi magigiling kapanipaniwala ang
isang mambibigkas kung siya ay nanghihina o kung siyay mukhang sakitin.Sapagkat ang isang
ntagapagsalita ay kailangang maging kalugodlugod hindi lamang sa pandinig ng mga tagapakinig.
Kailangan din nyang maging kalugod-lugod sa paningin upang siyay maginng higit na mapanghikayat.
4.Kumpas. Ang kumpas ng kamay ay importante sa nagsasalita. Kung wala ito ang nagsasalita ay
magmumukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay maging angkop sa salita o mga salitang
binabanggit. Tandaan na anng bawat kumpas ay may kaakibat din na kahulugan. Kung gayon ang
kahulugan ng mga kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas kasabay ng mga
kumpas. Tandaang kailngan din mgaing natural ngmga kumpas.Dapat iwasan ang pagiging mekanikal ng
mga ito. Hindi rin magandang tignan ang labis maging ang kulang o alanganing kumpas ng mga kamay.
5.Kilos.Sa pagsasalita,ang ibang bahagi ng katawan ay maaari din na gumalaw . Ang mga mata,
balikat,paa at ulo- ang pagkilos ng mga ito ay maaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.
Halimbawa:
Ang labis na pagagawala ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap o madlang
tagapakinig ay malamang na magsilbing distraksyon sa halip na pantulong sa isang tagapagsalita
Samantala,ang mabisang pagpapanatili ng ugnayan sa tagapakinig sa pamaamgitan ng panuuunan ng
paningin ay maaaring makatulong sa kanya.Ang labis na paggalaw ng ulo lalo na ang hindi angkop na
pagtango at pag-iling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalita .
Samantala ang mabisang paggamit ng galaw ng balikat ay maaari namang makatulong sapagpapahayag
ng pagsuko,panghihinayang,kwalan o panliliit. Kung labis na magiging malikot naman ang nagsasalita .
Halimbawa: Kung siya ay paroot parito sa pgalalakad, malamang mahilo na ang kanyang kinakausap o
ang madalng tagapakinig niya.Kung magkakakgayon ay hindi niya epetibong maipapahatid ang
mensaheng kanyang ipinapahayag
Kahandaan
Malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o
introduksyong bibibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda amg panimula, makukuha agad ang atensyon
ng mga tagapakinig. May dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng pananalita: (a) kilalanin ang
tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na
makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang
tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o istratehiya para
makuha ang atensyon nila.
Kaalaman sa paksa
Kahusayan sa pagsasalita
Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nililalaman ng kanyang
talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na
salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na maunawaan ng tagapakinig
ang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang paksa
na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado. Mananalumpati ang tawag sa taong
gumagawa at nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.
Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon, humikayat, mangatwiran, at maglahad
ng isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
Uri ng Talumpati
May anim (6) na uri ng talumpati o pananalumpati. Ito ay ang talumpating pampalibang, nagpapakilala,
pangkabatiran, nagbibigay-galang, nagpaparangal, at pampasigla.
Talumpating Pampalibang
Talumpating Nagpapakilala
Kilala rin ito sa tawag na panimulang talumpati at karaniwan lamang na maikli lalo na kung ang
ipinapakilala ay kilala na o may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga tagapakinig at pukawin ang
kanilang atensyon sa husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
Talumpating Pangkabatiran
Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba
pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit dito ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
Talumpating Nagbibigay-galang
Ginagamit ito sa pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o aalis.
Talumpating Nagpaparangal
Layunin nito na bigyang parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa
nito. Sa mga okasyon tulad ng mga sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.
Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:
Mayroon itong tatlong (3) uri ayon sa pamamaraan. Ito ay ang mga sumusunod:
Dagli
Maluwag
May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan
Bahagi ng Talumpati
Simula
Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa simula pa lang
ang atensyon ng tagapakinig.
Katawan o Gitna
Katapusan o Wakas
Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang pinakamalakas na
katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa
ng talumpati.
Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling paksa. Pwedeng
mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang tungkol sa sarili at pansariling
kapakinabangan.
Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung maari ay magkaroon ng “sense of
humor” sa pagdedeliber ng talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.