Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Ang Bayaning Heneral”

Lingid sa aking kaalaman na si Heneral Luna ay isa lamang Heneral noong mga

panahong siya’y nabubuhay pa ngunit ng nagkaroon ng forum araw ng miyerkules kung

saan ang Heneral Luna na pelikulang ginanapan ni John Arcilla, direktor na si Jerold

Tarrog at ang Istoryador na si Xiao Chua na nagbigay ng nakakabukas ng isipan upang

lalong pang malamang ang mga iba’t-ibang katangian at nakakagulat na rebelasyon na

hindi naming nalalaman patungkol kay Heneral Luna. Bigla nalamang sumagi sa aking

isipan na bakit nga ba hindi pinapahalagahan ng ibang Pilipino ang mga nagdaang

historya bakit hindi sila magbalik tanaw upang malaman ang mga natatagong lihim ng

dating mga tao na nakatulong sa ating bayan o tinatawag na bayani. Para sa akin

maituturing na isang bayani ang Heneral na si Luna dahil sa kanyang kalakasan,

katibayan, katalinuhan at kagalingan niya bilang isang Heneral mayroon mang

masamang katangian si Heneral nangibabaw parin sa kanya ang kapakanan ng

sambayang Pilipino, hindi maitatanggi na gumihit si Heneral Luna ng isang kagila-gilalas

at hindi makakalimutang pagtatanggol sa ating bayan.

You might also like