Bandila - Journal 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Bandila, Simbolo ng Pagkamamamayan”

Ika-walo ng Agosto taong dos mil kinse, Araw ng Sabado kung saan ako at

ang grupo ko ay nagpaliwanag ukol sa RA 8491 o “Philippine Heraldic Code of the

Philippines” marahil dati pa ay alam ko na ang batas na ito dahil naging isang scout

ako noong nag-aaral pa ako sa mataas na paaralan ng San Isidro, ngunit iba pala

pag hinimay pa ng husto ang batas na ito, sapagkat dito mo masasabi kung tunay

kang Pilipino sa pagsunod lamang sa simpleng kautusan na ito na hindi dapat natin

balewalain. Napanood ko sa isang telebisyon na ipinakita ang isang banyaga na

inilagay ang kanang kamay sa kanyang dibdib habang tumutunog ang pambansang

awit patunay lamang ito na kahit nga ang mga banyaga ay kayang sundin ang batas

na ito tayo pa kayang Pilipino? Kaya sa simpleng pagsunod lamang ng batas na ito

sumisimbolo na ng pagkamamamayan natin bilang Pilipino. Kagaya ng liriko ng isang

awit na “Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak bayan pa kayang

sakdal dilag ang hindi magnasang makaalpas Pilipinas kung minumutya pugad ng

luha ko’t dalita, aking adhika makita kang sakdal laya.”

Wala na ngang hihigit pa sa pagmamahal natin sa ating bansang sinilangan at bilang

isang tunay na mamamayan ng ating bansa panatilihin natin ang pagmamahal at

pagpapahalaga sa bandila ng ating lahi.

You might also like