Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ST. DOMINIC ACADEMY OF PULILAN INC.

PAASCU Accredited- Level II


Pulilan, Bulacan

Proyektosa
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino

Sanaysay hinggil sa Panayam sa mga Taong


may ibang Diyalekto

Taong Kinapanayam:
Wendell Buan - Kapampangan

Ipinasa ni:
Paras, Alec Rainier G.
Baitang at Seksyon
XI – EMPATHY

Ipinasa Kay:
Bb. Cathy Lyn C. Robles
Guro sa Komunikasyon at Pananaliksik

KabuuangMarka:
Panayam:
Sanaysay:
ANG KANILANG UNANG WIKA, ANG “KAPAMPANGAN”

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang
mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-
usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at
maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga
bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang
kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Sa atin, mayroon tayong tinatawag na unang wika. Ano
nga ba ang unang wika? Ang unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika, kilala rin bilang
inang wika o arteryal na wika, ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan
para sa pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.

Ayon sa aming pakikipanayam kay Wendell Buan, Siya ay nakatira sa Balucuc, Pampanga
kung saan ang kanyang unang wika ay kapampangan. Ito ay isa sa mga pangunahing wika ng
Pilipinas. Ito ang pangunahin wika na ginagamit sa Pampanga. Ang salitang "Kapampangan" ay
nagmula sa salitang-ugat na pampang na ang ibig sabihin ay tabing ilog. Ang kanyang ama ay isang
kapampangan kaya naman sila ay naiimpluwensyahan ng wikang kapampangan. Ayon din sakanya
ay ang natutunan nya ang wikang ito dahil ito ay laging ginagamit sa kanilang lugar kung saan ito ay
natural dahil sa ay nakatira sa Balucuc, Pampanga. Siya rin ay sanay mag tagalog dahil ito ay ang
kanyang pangalawang wika at ginagamit din nila ito sa kanilang tahanan dahil ang kanyang ama
lamang ang kapampangan sa kanila kaya naman natututo rin siya na mag tagalog. Nasabi rin na
hindi mahirap ang pag gamit ng barayti ng wika na tinatawag na register, kung saan ito ay ang
paggamit wika na naka ayon sa taong kinakausap mo, hindi ito mahirap dahil sanay din siya na mag
salita ng tagalog kung saan ito ay ginagamit halos sa buong Pilipinas. Naipahayag din ni Wendell na
hindi pa siya nakakaranas ng “culture shock” kung saan ayon sa aking nalalaman ito ay ang
karanasan ng isang tao kapag siya ay lumipat ng lugar kung saan iba ang kulturang ginagamit at
malayo sa kanyang nakasanayan na kultura sa kanyang pinagmulang lugar, hindi niya ito naranasan
dahil sanay naman siya mag tagalog at kapampangan kung saan maiintindihan niya kahit nasan
lugar man siya maliban nalang sa lugar na may ibang dayalekto bukod sa wikang tagalog at
kapampangan. Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na sa mga lugar na kung
saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.

Bilang konklusyon, ang Pilipinas ay isang bansa kung saan tayo ay maraming wika, maraming
lugar kung saan iba iba ang wika. Isa na rito ang wikang tagalog at ang kapampangan na ating
natuklasan mula sa aming pakikipagpanayam. Kung saan nalaman natin na ang mga kapampangan
ay hindi lamang iisang wika ang kanilang nalalaman, kung saan sanay rin sila mag tagalog dahil
karamihan sa kanila ay wikang tagalog ang kanilang pangalawang wika. Ang kapampangan ay ang
pangunahing wika sa kanilang lugar. Bilang dagdag kaalaman, karamihan ng mga taong nagsasalita
ng Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit mayroon din naman
sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan. Sa kasalukuyan, ang paggamit sa Kapampangan, kahit na
sa mga lugar na kung saan tradisyunal na ginagamit ang wika ay unti-unti nang nababawasan.Sa
kabuuan, ating nalaman ang iba pang impormasyon tungkol sa wikang kapampangan ayon sa aming
nakapanayam na si Wendell Buan. Mahirap na isipin kung walang sariling wika na magiging daan
upang magkabuklod-buklod ang mga hiwa-hiwalay na isla ng Pilipinas. Maaaring magdulot ito ng
mga kaguluhan at hindi pagkakaunawaan. Salamat nalang at may tagalog tayong wikang nalalaman,
halos lahat sa atin ay alam ang wikang tagalog. Maari natin mapag aralan ang iba’t ibang dayalekto
sa pilipinas gamit ito, tulad nalang ng kapampangan na ating natuklasan ngayon.

Pangalan: Antas at Seksyon: Pangkat: Taong kinapanayam:


Paras, Alec Rainier G. XI - EMPATHY Wendell Buan

You might also like