Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan NG Asignaturang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik ukol sa

Epekto Ng Paninigarilyo ay inihanda at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus

ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino,

Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa

mga pangangailangan sa asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_____________________
Bb. Jessilyn Ranges
(Guro sa Filipino)

_____________________
Gng. Brenilda Medina
(Punong-Guro)
PASASALAMAT
PASASALAMAT
Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa

pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-

papel na ito:

kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa

aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda

at mailathala ang aming papel,

sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mahahalagang

impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,

sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na

nakatulong sa amin,

sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako maliliwanagan

at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upang matapos ang aking pinaghirapang

trabaho.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.


BIBLIOGRAPIYA

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”


INTRODUKSYON

LAYUNIN NG PAG-AARAL

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

SAKLAW AT LIMITASYON

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”


DISENYO NG PANANALIKSIK

MGA RESPONDENT

INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”


LAGOM

KONKLUSYON

REKOMENDASYON
KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO


INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo


ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay isinasagawa ng mga tribo
upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga
gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang
5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit
at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga
halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay
naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman
nang lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis
Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera.
Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang sangkap,


karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas
nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal
na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine,
tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp
ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong


(7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13
hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa
buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang
milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay
sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba.
Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga,


laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at
panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng
balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong
hininga.

Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong


nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito
ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang
naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng
taong katabi o malapit sa naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga
masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman
naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong
talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at
pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35%
posibilidad na magkaroon ng kanser.
Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad
na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi
ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo
upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang
kabataan.
Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na
naninigarilyo.
Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga
naninigarilyo.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga


kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi
lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan
ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na
nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na
kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol
sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang
mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.
KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng


kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa
bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian
teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa
tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa
bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa
ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa
mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation


Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa
masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo
sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran,
at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan,
at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga
kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng
yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media.
Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang
tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang
paggamit ng mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay
nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula
Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa kaugnayan ng
paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman
na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life
satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang
paninigarilyo ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo,
kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth
weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong naninigarilyo
ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming
taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay
nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang
pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito
ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa
usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at
trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa
kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung
saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay
mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga
dahilan ng emphysema.
May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19
ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health
(DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang
“Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng
mga kabataang naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga
babae. Isinaad din sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang
nakakita ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr
Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of the
Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang naninigarilyo hangga’t
hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong
2005 ay nasa pagitan lamang ng 17 hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga
kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng


pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na gamitin
ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey
questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop ang
disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos
mula sa maraming respondente.

MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o


mga smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang
pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng
impormasyon.

MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey


Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para
makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent.
Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at sa internet.

TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t wala


akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa
pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Opinyon o
damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey
questionnaire.
KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

KARANIWANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING


KABATAAN ANG NANINIGARILYO

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apatnapung bahagdan


ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga
kaanak, samantalang limampu’t-tatlong bahagdan naman ang nagsasabing ang mga barakda
nila ang naguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan naman ang
nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga
barkada nila ang may pinakamalaking impluwensiya sa kanila.
Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang
Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao
City at Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya.

ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA MAG-AARAL

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral, tatlumpu’t-


siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng paninigarilyo ang kanilang pag-aaral,
habang limampung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng
kanilang paninigarilyo. Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at
kaibigan ang naaapektuhan nito.

Mahihinuha dito na kalusugan ang pinakamalaking aspektong naaapektuhan ng


paninigarilyo. Dahil sa pagkabahala sa mataas ng bilang ng mga Pilipino na namamatay
sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa
paninigarilyo, isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagbawal
ang paninigarilyo sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Eduardo Nonato Joson, tinatayang 20,000 Filipino ang
namamatay sa mga tinatawag na smoking-related illnesses bawat taon o dalawa bawat oras.

Ayon umano sa isang global youth tobacco survey, sinabi ni Joson na umaabot sa 21.6
porsyento ng mga mag-aaral ay naninigarilyo. Sa nasabing bilang, 32.6 porsyento sa kanila ay
lalaki at 12.9 porsyento ang babae. Ang malubha, one-fifth ng mga kabataang Filipino ang
nagsisimulang matutong manigarilyo sa edad na 10. Sinisi ni Joson ang hindi epektibong
kampanya ng pamahalaan at mga babala sa pagdami ng mga kabataan na naninigarilyo.

BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA


PANINIGARILYO:

20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-


Baquilod, M., NEC, 2001)

Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng
WHO at CDC, 2007)

Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)

Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR,


2003)

Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago


ang edad na 10. (CDC_MMWR, 2003)
Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na
manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)

62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-


MMWR, 2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG MGA


KABATAAN

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili


lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan
naman ang sumunod na sagot ng dalawampung bahagdan ng mga respondente na siya nilang
ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong
bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang
makaiwas.

Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil
alam nilang hindi ito maganda

IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA


PANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:

Naaalis ang pagkanegatibo

Pang-agaw pansin

Nagiging masaya

Nakakalimutan ang problema

Gumagaan ang pakiramdam

Makakabuti sa kalusugan

May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang paninigarilyo. Subukang
bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigil na ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang
inyong paninigarilyo ay mapalitan ng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain
nang matatamis, mas mabuting kumain ng prutas.

Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito ngayon,
natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

LAGOM

Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan ang naninigarilyo ay pamilya
(40%), barkada (53%), at personal na buhay (7%).

Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay kalusugan (50%), pag-


aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).

Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang paninigarilyo ay


pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%), gawaing pangkalikasan (13%).

KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan.
Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad
ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan.
Ito rin ay nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga
kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil
nakadaragdag lang ito sa polusyon.

REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga
naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo.
Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo
sa tukso at magpapalakas sa inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng
pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw.
Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng
gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin
ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang
magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo,
komunsulta sa Smoking Cessation Clinics. Dapat din aydagdagan pa ng gobyerno ang mga
proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipin
http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo

http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490

http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-
Tobacco/671975

http://bisyonatoh.blogspot.com/

http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

You might also like