Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

7/20/2018 Pagsusuri sa

Isang
Dokumentaryo
Jodine Guia Gutierrez 11-STEM
Topic: Basurero ni Jay Taruc

“Perang Marangal, Sakripisyong Masangsang"

“Ang mga basura ay panapon na. Madumi iyon at mabaho. Wag mong hahawakan
iyon.” Marahil ay maririnig sa bibig ng isang magulang na nagtuturo sa anak niya. Isang
batang walang muang ngunit inaalala ang bilin ng ama’t ina na huwag hahawakan ang
basura. Ngunit paano kung , sa kabila ng mga maaaring mangyari, ang paghawak nito ay
may mabuting idinudulot?

Marahil ito ang tumakbo sa isipan ni Jay Taruc nang makita na ang mga basurerong
nagroronda sa mga bayan araw araw, mula madaling araw hanggang hapon. Mga
basurerong hangad ang kalinisan ng paligid ngunit tinataya ang kalusugan ng
pangangatawan.

Sa bawat bigkas ng bibig ni Mang Juarlito Asis ay tila ba kutsilyo sa puso, na


nagpapakita ng tunay na mukha ng kahirapan sa pilipinas. Na sa bawat salita na kanyang
sinabi ay may kirot sa puso at mas naramdaman dahil sa iisang wikang gamit natin. Tila ba
mas naparating ang mensahe niya dahil sa pagkakaintindihan ng lengwahe.

Masakit isipin ngunit ang mga tulad nya ay ang mga taong hindi natin napapansin at
napapasalamatan dahil sa maliit na paraan ay nagkakaroon sila ng malaking epekto sa atin
na mga ordinaryong mamamayan. Kung wala ang tulad nina Mang Juarlito, paano na ang
ating mga basura? Malamang ay nagkalat na ito sa paligid. Mapapansin din na walang
maayos na kagamitan tulad ng mga gwantes at bota sina Mang Juarlito. Ibinubuwis nila ang
panganib ng pagkakasakit malinisan lamang ang paligid. Ayon nga sa kanya, hindi na nila
alintana ang amoy dahil nakakatulong naman sila sa pamayanan.

Ito ang isa sa mga programang nagpapalabas ng kahirapan sa Pilipinas. Ang pagka-
impormatibo ng dokumentaryo ang nagpapamulat sa mga mamamayan ukol sa paksang
ito. Salamat, Jay Taruc, sa paggamit mo ng wikang pambansa upang mas maintindihan
namin ang iyong gawa, sa pagiging impormatibo ng dokumentaryo na nagpupuno sa aming
mga heuristikong tanong at sa hindi mo pagtakip sa reyalidad ng buhay sa Pilipinas. Kung
hindi ito nagawang impormatibo ay malayong maintindihan ng mga manonood ang
tinatalakay na isyu nito.
Sana, gamit ang dokumentaryong ito ay mabukas ang isipan ng bawat isa na irespeto,
huwag pandirihan ang mga basurero at matuto kung saan dapat itapon ang mga basura.
Sila’y may malaking ginagampanan sa ating lipunan at importante sa pagpapanatili ng
kalinisan. Bukod pa, nawa sila’y magkaroon na ng maayos na kagamitan upang mabawasan
ang panganib na magkasakit sila. Huwag natin maliitin bagkus tanggapin at gunitain ang
trabahong pinupunan ng mga basurero, mga taong basura natin ang inaatupag nang
basura nang walang reklamo o pasubali.

You might also like