Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Mga Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad (simile) – Ito ay simpleng paghahambing ng dalawang bagay na


magkaibaulad na katangian na sukat ipagkaugnay ng dalawa sa pangkalahatang
anyongunit may mga pagkakat. Ito’y gumagamit ng mga salita’t pariralang tulad ng,
katulad ng, para ng, kawangis ng, animo’y, gaya ng, tila, at iba pa.
Halimbawa:

 Gaya ng halamang lumaki sa tubig

 Ako’y tila isang nakadipang kurus



Parang hinahagkan ang paa ng Diyos

Ang buhay ay tulad ng isang batis

2. Pagwawangis (metaphor) – Ito ay isang tayutay na nagsasagawa ng paglilipat ng


mga salitang nangangahulugan ng isang bagay na nagpapahayag ng ibang bagay.
ibang bagay. Sa madaling salita, sa pagwawangis ay inaalis ang hambingang salita’t
pariralang ginamit sa pagtutulad o simile. Sa pagtutulad, ang A ay gaya ng B at sa
pagwawangis ay ang A ay B.

Halimbawa:
Ang kanyang kahapon ay isang tanghalan
Ng mga lihim nya’t mga karanasan
Ang buhay nyang hiram ay naging tanggulan
Sa kanyang gunita ay ayaw alpasan
MBM

Paunawa: Ang pagwawangis ay karaniwan nang maaaring palawakin sa isang


pagtutulad, isang pahalintulad o alinman sa dalawang huli na maaaring
tipiinnaman sa isang pagwawangis.

Halimbawa:
Pagtutulad: Kaakit-akit ang KANYANG MGA MATANG ANAKI’Y BITUIN.
Pagwawangis: Kaakit-akit ang kanyang mga MATANG BITUIN.
3. Pahalintulad (analogy) – Ito ay isang tayutay na may tambalang paghahambing
na nagangahulugan ng pagkakawangki ng mga pagkakaugnay.

Halimbawa:
“At siya’y namangha at kanyang namalas,
Naganap ang tagpo’y mistulang pangarap;
SAANMAN TUMITIG,
DILAG AY NAGLIGID
SIYA’T TANGING SIYA ANG PARUPARONG- GUBAT
“MANDI’Y ISANG TINIK SA LIPON NG ROSAS.”
-Sa tulang “Himala”
ni Dominador B. Silos

4. Pahambing (comparison) – Ito ay tayutay na naghahambing ng tao o bagay sa


iba, o nagpapalagayna ang dalawa’y magkawangis sa isang katangian o kauring
kapwa angkin ng mga ito. Balangkas: S A ay….ni B

Halimbawa:
MABANGONG BULAKLAK! . . . SIMBANGO
ng di pa nahahagkang PISNGI ng isang dalaga . .
MAPUTING BULAKLAK! . . .SIMPUTI ng
puring alaalaga pa ng napakahinhi’t mutyang dalagita! . . .
- Sa tulang “Sampaguita”
Ni Pedro Gatmaitan

Tandaan: Ang paghahambing sa tayutay na ito’y karaniwang ginagamitan ng


unlaping
sing-, maging-, at magkasing- at ang iba pang anyong maraamihan ng mga ito,
gayundin ay maaaring gamitan ang gaga o gangga - bilang unalapi sa
hambinganag magkatulad.

5. Pagsasatao (personification) – Ito ay tayutay na paglilipatsa katangian ng tao sa


mga walang buhay. Ang mga bagay ay tinuturing na mga tao na may damdamin,
kaisipan, nagsasalita, nakadarama ng kalungkutan, kaligayahanat kabiguan na
parang tao. Sinasabi ring paglalapat ng kaasalan sa mga bagay na non-human.

Halimbawa:
PATI ULAP AY SUMAYAW SA BAYO NG HANGIN
Sa bugso ng ulan pati langit ay nagdilim
IBONG NAGSASAYA sa may dakong papawirin
Ay biglang nawala dahil sa bagyong darating.
ANG UNOS NA SUMAPIT AY NAGPAALAALANG
Ang tao ay marupok sadyang maksalanan
Ang gawang mabuti’y kanyang kinalilimutan
Ang gawang masama’y kanyang kinaluwalhatian
6. Paurintao (transferred epithet) – Ito ay isang tayutay na paharaya at pasalaysay
ang paraan ng pagbibigay katauhan sa isang bagay na walang buhay o kaisipan,
naipapahayag ito ng pang-uri.

Halimbawa:
“Kung minsa’y Buwan kang
Ang MAYUMING GANDA at iwing liwanag sa TULOG KONG PUSO’Y
Kay limit sugpuin ng TUKSONG PANGARAP;
Ang katauhan ko;
Likas mang pihikan sa kaway ng galak
Di mamakailang
Binalisa moring kung ilang magdamag;
Pagkaumaga na . .
Ang iyong karikta’y siyang hinahanap,
Subalit Buwan kang
kaydaling maglahong lumingning at dilag!”
-Sa tulang “O, Ang Babae”
Ni Leoncio S. Gonzales

7. Pangitain (vision) – Sa tayutay na ito, ang nagsasalita at ang nilalaman ng isip


ay animo’y tunay na kaharap o nakikita ng makata.
Halimbawa:
Tayo na pangarap at ating galain
Ang di nakikitang pook-salimsim
ANG TATAHAKAN AY MAPUTING TANAWIN
AT ANG MGA TALA’Y ATING DADALAWIN
Tayo ay magpakpak
ng bagwis ng hangin
At kita’y lalapag
sa may panginorin
-Sa tulang “Isang Patunguhan”
Ni A.G. Angeles
8. Panawagan (apostrophe) – May kagyat na pagputol sa naunang paraan ng
pagpapahayag, at panawagan sa ikalawang panauhan ng isang tao o bagay,
karaniwan nang isang patay o isang harayahing bagay.

Halimbawa:
“Nakapugol ako sa kasunong saklap
Na sa aking dibdib ay halos gumahak
Kaluluwa ko’y tigib, puso ko ay wasak,
Sa piitang sakit, aliping nalagmak…
O ibon, maanong sa iyong paglipad,
Isakay mo ako sa angkin mong pakpak
Tulungan mo nganng sa dusa’y umalpas,
Ibig kong malimot ang huling magdamag!
-Sa tulang “O Ibon”
Ni Batubalani
9. Padamdam (exclamation) – Nagmumula sa bulalas ng isang masidhi o
pananalitang nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
“Ayan, ang kabaong na pasan ng tao.
Irog, sumama ka at kakilala mo!
May ilang karamay, korona’t musiko,
Ihahatid na raw sa wakas ng mundo!
Nang ihuhulog na ang kabaong . . . NAKU!
Ako pala’y siyang ililibing ninyo!!!
-Sa tulang “Hindi Man Lamang Nakita”
Ni Jose Corazon de Jesus
10. Patalinghaga (allegory) – Ito ay isang tayutay na ang kahulugan ay hindi
tahasang ipinahihiwatig sa tula at ang taludturan ay kinapapalooban ng mga
talinghaga.

Halimbawa:
“Nag-alama ang lunggati, sa budhi ay sumisikad,
Kalayaan, kalayaan ang tuwina’y hinahangad.
Dumadamba, damadamba kapag renda’y hinahatak
O, kay hirap na supilin! May latigo ka mang hawak”
-Sa tulang “Erotique”
Ni Frederico Licsi Espino Jr.
Ang magdamag niya
ay nakipaglamay sa gabing naidlip
na may simulaing
may bigkis na giting na hindi mapabatid;
taglay ang pag-asa
at init, adhikaing hindi rin nanlamig
sa huling hantungang
hihimlayan niyang sariling daigdig
- Saknong sa tula ni
Graciano Lopez Jaena na
Walang pamagat

11. Balintuna (irony) – Ito ay isang tayutay na sa pamamagita nito ang kahulugang
patitik ng isang anyo ng pananalita ay kabaligtaran sa tangkang sabihin, dahil
sa ang isang bagay na sinabi ay may ibang pakahulugan at ginamit sa pangungutya
o katuwaan lamang.

Halimbawa:
“Ang tao kung minsa’y batang nagagalak,
Utal pa ang dila, kung mangusap, patas!
Ipako si Kristo ang sabi ng lahat
At ang pagkawala’y itong si Barabas . . .!
-Sa tulang “Ang sasabihin ng Tao”
Ni Jose Corazon de Jesus
12. Pauroy o mapang-uyam (sarcasm) – Ito ay isang tayutay na ipinahihiwatig sa
paraan o tono ng pagsasalita. Ito’y isang panunudyo o pangungutya sa tao, bagay
at pangyayari.
Halimbawa:
1. Iginagalang. Dinarakila sa gawain niyang banal. Niyuyukuan. Pinupuri ng
balana; siya ay minamahal. Sa paglilingkod sa kapwa’t sa bayan, siya ay
ikinarangal ngunit sa kaban pala ng bayan, siya ay isang halimaw.
2. Anong yaman ng babae upang siya ay magtiis sa bahay na gumigiray at kayrami
pa ng ipis.
3. Kay talino ni Felipe upang siya ay maloko ng lalaking ang layunin, bilugin ang
kanyang ulo.
13. Pagmamalabis (hyperbole) – Ito ay isang tayutay na ang ang kaigtingan ay sobra
sa normal na katangian ng bagay o tao na nais ipahayag.
Halimbawa:
Dadanak ang dugo sa lupain ito
Kapag di nangyari itong aking gusto
Susumpain ka pa ng dinidiyos mo!
Daraanan mo ibabaw ng bangkay ko!
14. Paradoha (Paradox) – Ito ay isang tayutay na ang tinutukoy ay isang pahayag na
sa biglang akala’y magkasalungat ngunit kung masusing lilimiin o ipaliliwanag ay
nagpapahayag ng isang katotohanan.
Halimbawa:
“Ako’y di inutil,” ang iyak ng pilay
“Kaya kong tumayo’t gumawang mahusay!”
Kung ito’y totoo, siya ay bulaan.
-Lirio G.Mendoza-
15. Pagpapalit-saklaw (Synedoche) – Ito ay isang tayutay na bumabanggit sa bahagi
ng isang bagay o kaisipan bilang katapat ng kabuuan.
Halimbawa:
1. Libu-libong kaluluwa ang umaasa sa iyo
2. Pitumpu’t apat na buhay ang ibubuwis ko
3. Ipakilala natin sa buong baya na tayo’y may pagkakaisa
16. Pagpapalit-tawag (metonymy) – Ito ay isang uri ng tayutay na gingamit sa
pagpapalit ng pagtukoy o pagtawag sa bagay o tao na pinatutungkulan. Ito’y
pansamantalang pagpapalit-tawag sa mga bagay na magkakaugnay. Ito’y palasak sa
mga karaniwang usapan. “Siya’y laking iskwater”, ibig sabihin nito’y basagulero o
palaaway.
Halimbawa:
“Ang pag-ibig ay ating kaligtasan
Banal na pag-ibig at katotohanan.”
17. Patambis (anithesis) –Ito ay isang paglalagay ng isang sugnay o ibang bahagi ng
pangugusap laban sa isa pa na sinasalungat niyon.
Halimbawa:
“Ang bangan ng lahi kong ibig mapuno,
Sa akin ay pawis ang dapat ibugso;
Susdod hindi sundang! Punla hindi Punlo!
Binhi hindi bomba! Pawis hindi dugo!”
-Sa tulang “Pawis Hindi Dugo”
ni Teo S. Baylen
18. Patiwas (epigram) –Ito ay isang mahayap o patambis na kasabihan tungo at
nagwawakas sa isang malundo o matalinong kaisipan.
Halimbawa:
At ang kanyang anak, sa yama’y mag-angkin
Ang tawag ng bayan ay maginoo rin!
Ating pag-uugali nang ang suwi ng saging,
Gadangkal pa lamang saging nang tawagin!
Mana-manang yaman sa habang panahon,
Walang anu-ano ang bata’y naulol!
At ang mga tao ay nakapagtanong:
“Kakayamang tao, bakit nagkaganon?”
At ang pangyayari ang sumagot naman:
“Iyang ama nya’y baliw nang namatay,
Namana ang pilak, ano’t pagtatakhang
Manahin sa ama pati kabaligtaran
-Sa tulang “Ang Maginoo”
ni Jose Corazon de Jesus
19. Pabugtong (riddle) – Ito ay isang tanong, mungkahi, tugma na papikit-mat o
pampalitong sinasalita upang maging pahulaan.
Halimbawa:
Kung babayaan mong ako ay mabuhay
Yaong kamataya’y dagli kong kakamtan;
Datapwat pag ako’y minsanang pinatay,
Ang buhay kong ingat lalong magtatagal
- Kandila
20. Pasaliwa (apostrophe) – Ito ay isang pagsasaliwa ng kinagawian o katutubong
ayos ng mga salita.
Halimbawa:
“Ang hilaw na hininog sa pilit ay hilaw pa rin, namnamin man ay mapait,”
Kasabihan:
“Ngunit ang mabuting pilit, pinasama man ay mabuti rin kahit.”
- Simon A. Mercado
21. Pahidwa (oxymoron) – Ito ay isang paraan ng pagpapahayag na nagbubunga ng
isang bisa sa pamamagitan ng mandi’y pansariling paghihidwa.
Halimbawa:
Noon ko nakitang ANG MALULUNGKOT AY SUMAYA
Dahil sa pagdating ng kanyang ama at ina
No’n ko nadama ang SARAP NG PANGUNGULILA
Pagkat sa LUMBAT N’YA AY NAROON ANG PAG-ASA.
22. Pag-uulit (germination) – Ito ay kagyat na pag-uulit ng isang salita saan mang
bahagi ng mga taludtod ng tula.
Halimbawa:
“taghoy ng pagkasing sa lambing at timyas
ay di nman taghoy;
tinghoy na ang ningas ay nagluluningning
kayat hindi tinghoy;
luoy na talutot na ang aking bango’y bangong
di naluoy;
lamuymoy ng sintang nang maging
hinaing ay gintong lamuymoy.”
- Sa tulang “Ang Tula”
ni Fernando B. Monleon
23. Pasintunog (onomatopoeia) – Ito ay paggamit ng mga salitang kung ano ang
gamit o tunog ay siyang kahulugan.
Halimbawa:
“Magbuhat na noo’y pinagkatakutan,
Ayaw nang pasukin ang Lumang Simabahan;
ANG KAMPANANG BASAG NA BAHAW NA BAHAW
KUNG ANO’T TUMUNOG SA MADALING ARAW.
AT ANG TINUGTOG AGUNYAS NG PATAY;
Saka nang dumating ang kinabukasan
May PUNTOD nang LIBING SA HARAP NG ALTAR
- Sa tulang “Ang Lumang Simbahan”
ni Florentino Collantes
24. Pagtanggi (litotes) – Hindi ang pangunahing palatandaan.
Halimbawa:
HINDI, sapagkat ang tao ay marupok!
Madaling mapaso’t madaling matupok;
HINDI nga’t sapagkat s’ya nga ay alakabok!
Madaling magmaliw madaling mapagod!

Itong Kagubatan
Milagros B. Macaraig
Dati ay masaya itong kagubatan,
May luntiang daho’t mga kabundukan;
Kahoy na mataas tila nagduruyan,
Mga ibo’t hayop doong nanahan.

Kagubatan noong mistula ay langit,


Mga mangangasong doo’y sumasapit
May galak sa puso ang hapis na dibdib
Dahil kalikasa’y sadyang may pang-akit.
Masdan ang araw kapag sumisikat
Sa pisngi ng lagit tila nagniningas;
Sabog na biyaya animo’y busilak,
Lalo’t tumatama sa maamong gubat.

Ngunit ano ngayon ang napagsapit na,


Ng saganang gubat na dati’y kayganda?
Mga ibo’t hayop na dati’y masaya,
Walang masilungan, di alam ang punta!

Mataas na kahoy kanilang pinutol,


Sinra pa nila ang luntiang dahon;
Damong makukulay pati ay pinupol,
At inabuso rin bundok, mga burol.

Ang mga kulisap, mga kaparangan,


Pati mga hiyas nitong kabundukan;
Ang biyayang bigay nitong kalikasan,
Ay ubos nang lahat kaydaling naparam!

Ganda nitong gubat sa mata’y nawaglit,


Winasak . . . Winasak at sinirang pilit;
Mga kabundukang dati ngang matarik,
Giniba’t sinira ng kung sinong lintik!

Puno, damo, baging, mga kaparangan,


Ngayon ay wala na, wala na’yong yaman;
Ang dating panahon, mga kalikasan,
Wari’y nalulungkot parang namatayan!

May lungkot sa puso ang mga bukirin,


Ang saganang gubat at nahihilahil;
Ilog, sapa’t batis tila ba’y nanimdim
Sa napagsapit na hirap at tiisin.
Tayo kayang tao’y di na magbabago,
Hidi na titigil sa pang-aabuso;
Hindi na hihinto paglikha ng gulo,
Di na mananawa sa gawaing ganito?

Pagdating ng araw tayo’y magsisisi,


Kapagka naranasan ang sigwa at peste;
Ng baha at lindol at sakunang grabe,
Ang pinsalang dulot sa atin ang ganti!

Habang may panahon tayo ay mag-isip,


Abuso sa gubat ay iwasang pilit;
Tayo’y magbago na sa gawaing ganid,

Gawang di mabuti’y sama ang kapalit

You might also like