ELEC

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 10

MGA KAISIPAN UKOL SA

KASANAYAN SA PAGBASA

“Tagni-tagning kwento sa bayan laganap

kapag hatinggabi may kawayang umiinit

gumalaw na tila taong nag-iinat

nandadakma ng naglalakad."

"Minsan. May Isang ilog"

Ligaya Tiamson Rubin

Kahulugan at Kahalagahan sa Pagbasa

• Ang pagbasa ay isang gawain kung saan binibigyang kahulugan ng isang indibidwal ang mga simbolong
nakalimbag.

• Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang "Psycholinguistic Guessing Game" sapagkat sangkot
ang mga gawaing panghuhula, pagtataya, pagbabatas-revisyon at pagpapakahulugan ng mga

nakatalang mensahe

• Ipinahayag ni Coady (1979), na mahalaga ang dating kaalaman sapagkat magagamit ito sa pag-uugnay
ng mga konsepto at sa gawain ng pagkilala sa impormasyong nakasulat.

• Mahalaga ang pagsulat dahil:

- Nade-develop nito ang kakayahan sa pagtugon.

- Napauunlad ang husay ng indibidwal sa pag-unawa.

- Nasasanay ang isang tagabasang mapaghusay at mapabilis ang kakayahan.

- Nakatutulong sa pagpapaunlad ng karunungan at Talasalitaan.

- Nahahasa ang gawain sa pagmememorya.


"Mga Uri ng Pagbasa"

*Batay sa pamamaraan*

• Tahimik na Pagbasa o Silent Reading -maituturing ito bilang mataas na antas ng pagbasa sapagkat mata
lamang ang ginagamit. Mahahalagang salik sa ganitong pamamaraan ang kapaligiran,

posisyon sa pagbasa, kahandaan ng bumabasa at ang kakayahan

sa pag-unawa

• Pasalitang Pagbasa o Oral Reading - kasangkot sa ganitong paraan ang mga bahagi ng katawan na
mata, isip, at bibig.Malaking bahagdan ng gumagamit nito ay ang mga batang nagsisimula pa lamang
magbasa.Mahalagang salik sa pamamaraang ito ang: tindig, lakas ng tinig, wastong pagbigkas ng salita,
kontak sa mga nakikinig, tamang paghawak sa aklat.

*Batay sa Layunin*

• Masaklaw - kinikilala ganitong uri ang mga tauhan at pangyayaring nakapaloob sa akda. Naitakda na
ang ganitong pagbasa at madalas na ginagawa sa labas ng silid-aralan.

• Masusi - ito ang may pag-iingat at malalimang pagsusuri sa isang

akda. Nais mabatid ng ganitong paraan ang kontent at kabuuan ng akda.

*Batay sa Dimensyon*

• Mapanuri - binibigyang halaga nito ang katiyakan, pagkamakatotohanan a#t kaangkupan ng teksto.
Sinusuri ang

pamamaraan ng pagkakasulat, ang pag-unlad ng mga pangyayari, at ang pangkalahatang kaisipang


nakapaloob sa akda.

• Kritikal na Sumusuri sa Ideya at Paraan ng Pagkakabuo - nakatuon ang pansin sa sikwens o paghahanay
ng mga pangyayari at ang ugnayan ng bawat isa, may pagpapahalagang ibinibigay sa mga pangunahing
kaisipan at mga kaugnay na kaalaman
• Malikhain - ang ganitong paraan ay kinasasangkutan ng pagbuo o kaya ay paglikha ng naiibang
solusyon sa mga nakalahad na suliranin o katanungan ng akda.

Para-paraan ng Pagbasa

• Iskiming (Skimming)-pangunahing katangian ng paraang ito ang (mabilis na pagkilos ng mata sa loob ng
itinatayang panahon na 10 hanggang 15 minuton) pahapyaw na dinaraanan ng paningin ang

pamagat, panimula, nilalaman, mga paksa ng mga tsapter, mga larawan, kapsyon, at iba pang dayagram.
Ginagamit ang paraang

ito kung:

- Nais makita ng nagbabasa o agad na mahanap ang mga kaugnay na materyal ng isang paksa.

- Nais matukoy ang isang ispesipikong kaisipan o paksa.

- Nais makita ang pangkalahatang impresyon sa isang teksto o aklat.

• Iskaning (Scanning) ang paraang ito ang masinsinang pagkilala sa isang teksto o aklat. Mahalagang
taglayin ang mga kasanayan sa:

- Madaliang pagsasarbey upang mabatid ang estilo ng awtor sa

pagsulat.

- Pagbasa at muling pagbasa upang makilala ang mga pangungusap na naglalahad ng pangkalahatang
ideya at pansuportang detalye.

- Pagkilala sa mga ugnayang namamagitan sa mga pahayag ng teksto.

• SM3B binubuo ng limang (5) hakbang kabilang ang:


> Sarbey (Survey) - ang pag sarbey ay nagaganap sa panahong nagbabalik-gunita ang nagbabasa ng
mga kaisipang nauugnay sa paksas binabatid ang mensahe ng may-akda at kinikilala ang

pansariling layunin sa pagbabasa.

> Magtanong (Inquire) - subuking alamin kung "Sino, Saan, Ano, Kailan, Paano, at Bakit" na pinapaksa
ng akda.

> B1 o Unang Pagbasa (READ) - kasangkot ang pagbasa na buong teksto sa gawaing ito nailalapat ng
bumabasa ang angkop na paraan sa pagbasa. Maaari nang mabigyang linaw ang mga haka ukol sa akda.

> B2 o Balik-Basa (Reread) - muling basahin ang buong akda upang mabigyang kalinawan ang antas ng
komprehensyong natamo sa unang pagbasa. Nakatutulong ito sa pag-eensayo ng memorya ng
bumabasa.

> B3 o Buod (Summarize) - ilalapat ang paraan ng pagsasaayos ng mga tugon sa naihaing tanong.

*Mga Teorya sa Pagbasa*

• Teoryang Bottom-Up - pananaw na nabuo dahil sa teorya behaviorist ng pilosopiya ni Skinner.

> Binibigyang halaga nito ang mga elementong pangkapaligiran ng mambabasa.

> Para sa paniniwalang ito, ang pagbasa ay ang gawain ng pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo na
siyang lalapatan ng katumbas na tunog.

> Ang pinakamahalagang hakbang para sa teoryang ito ay ang aktwal na pagbasa ng teksto.

> Inilalarawan ito bilang Data Driven (Smith, 1953)

• Teoryang Top-Down - nakasalig sa paniniwalang Holistic ng sikolohiyang Gestalt.

> Ang teoryang ito ng pagbasa ay nakatuon sa mga nakatago at nakaimbak na kaalaman (prior
knowledge) at dahil dito ay nabibigyang kahulugan ng mambabasa ang tekstong binabasa

> Tagapagtaguyod ng teoryang ito sina Smith at Goodman, na naniniwalang ang mabisang pagbasa ay
kinasasangkutan ng sandaling panahon kung saan ang tagabasa ay nakapamili ng

mga hudyat na makatutulong sa pagpapakahulugan.

> Tinatawag naman itong Conceptually Driven


• Teoryang Interaktibo - ang pagbasa ay mayroong dalawang direksyon o bi-directional.

> Sa pagbabasa, ang awtor at mambabasa ay sumasailalim sa

interaksyon sa pamamagitan ng teksto.

> Ang mensahe ng awtor ay nakalahad sa teksto at ang bumabasa ay may tungkuling bigyan ito ng
kahulugan.

• Teoryang Iskema - batayan nito ang pagkakaroon ng dating kaalaman ng mambabasa ukol sa paksa.

> Sanligang kaalaman o Background knowledge ang itinatawag sa mga nakaimbak na impormasyon sa
isipan ng bumabasa.

> Iskema (Iskemata, pangmaramihan) ang mga balangkas pangkayarian (conceptual framework) ng
mga saligang

kaalaman

> Sa teoryang ito, ang konsyusnes o diwa ay hinugot sa isip ng isang tiyak na iskema na kaugnay o
katumbas ng nabasang paksa, mula dito ay isinasagawa na ang pagpapakahulugan.

Mga Kaisipang Mahalaga Sa Pagbasa

• Ang Paksa

> Binigyang tugon nito ang mga katanungan na saan at kanino.

> Ang ilang teknik upang madaling matukoy ang paksa ay:

1. Pagkilala sa pamagat

2. Pagtukoy sa mga pahayag, parirala o salitang nakalimbag na bold or italic.

3. Pagpansin sa mga salitang inuulit-ulit


4. Paggamit ng panghalip sa mga sumusunod na pahayag ng unang pangungusap upang katawanin
ang kaisipang tinutukoy nito.

5. Ang pangkaraniwang salitang laman ng bawat talata ng akda.

• Ang Pangunahing kaisipan (Main Idea)

> Ito ang nagpapalawak sa paksang tinatalakay. Ginagamit ito ng awtor upang higit na maunawaan ang
paksa.

• Ang mga Pantulong na Kaisipan

> Mahalaga ang mga suportang detalye sapagkat:

1. Nakakatulong ito sa lubusang pagkaunawa ng pangunahing

kaisipan.

2. Nagsisilbing susi upang matandaan ang mahalagang kaisipan

sa isang talata.

3. Gabay ito sa pag-unawa ng buong teksto.

4. Sinasagot nito ang karamihan sa pinakamahalagang

impormasyong susubok sa pagkaunawa.

• Tono at Himig

> Tinutukoy ng tono ang damdamin ng may-akda sa paksang tinatalakay. Mahalaga ito upang mabuting
maitugma ng manunulat ang angkop na hulwaran sa pagbuo ng teksto.

> Ang himig ang kumikilala sa namamayaning damdamin sa mambabasa habang isinasagawa ang
pagbabasa.

*Mga Palatandaan ng Nakalimbag Na Teksto*


• Palatandaang Pansemantika - binibigyang-diin nito ang pagpapakahulugan sa mga nakalimbag na
simbolo o salita. Kabilang ang mga sumusunod sa paraan ng pagpapakahulugan sa

binasa:

> Pagkilala ng Kasingkahulugan at Kasalungat

Ang mga salitang kasingkahulugan ay maipapalit o maipanghalili sa lugar ng isang salita,


isinasagawa ito sapagkat

ang mga esensya o diwa ng bawat isa ay nagkakatugma. Ang mga kasalungat naman ay nagtataglay ng
kahulugang taliwas o kabaligtaran ng batayang salita.

> Mga Homonym

Mga salitang iisa ang paraan ng

pagkakabaybay subalit magkaiba ng kahulugan batay sa pagbigkas.

> Structural Clue (Panandang Pangkayarian)

ito ang mga salitang gabay sa Loob ng pangungusap na tumutulong sa paglikha ng kaisipan.

> Kontekstuwal Klu (Contextual Clue)

sinasalalayan o Inaalalayan ng mga ganitong klu o pahiwatig ang mga parirala o isa pang salita sa
loob ng pahayag upang maipatupad ang

katuturan ng pangungusap.

> Denotasyon at konotasyon

ang denonativ na kahulugan ng

isang salita ay ang aktwal na kahulugan nito batay sa ibinibigay ng (mga) diksyunaryo. Ang kahulugang
konotativ ay ang paggamit ng mga salita sa anyong simboliko o malapahiwatig kung saan ang
kinakatawan ay ang binubuong larawan.
• Palatandaang Sintaktik - binibigyang halaga nito ang paraan o pagkakabuo at ang istruktura ng wika sa
pagsulat ng akdang binasa.

>Ang iba't ibang anyo ng salita ay:

1. Salitang Maraming kahulugan o polysemous - nagaganap ito sa paraan ng pagkakagamit ng isang


salita sa loob ng

pangungusap, mahalaga rin ang kaugnayan nito sa iba pang salita sa talata.

2. Salitang may Naililipat na Kahulugan - kabilang dito ang mga salitang may iisang baybay lamang
subalit magkaiba sa paraan ng pagkakagamit. Maraming patalinghaga, tiyak at papahiwatig.

3. Salitang may kaisipang Tahas at Abstrak - Ang mga salitang naglalarawan sa mga bagay na
nararamdaman, nakikita at natitimbang ay tinatawag na tahas o konkrit. Samantalang, abstrak o basal
ang mga salitang tumutukoy sa kaisipan diwa, nagbabago ang kahulugan nito batay sa paraan ng
pagkakagamit.

4. Salitang Patayutay - nagagawang malalim at kawili-wili ang mga paglalahad sapagkat may taglay na
kasiningan

5. Salitang Idyomatiko - ginagamit ang mga di-tuwirang salita upang mailarawan sa maiksing paraan
ang kaisipan.

6. Salitang Nagpapahiwatig ng Ironya - ginagamit ang mga salitang may taliwas na kaisipan kaysa
tunay na layunin ng pahayag, subalit mapapanatili ang esensya ng pangungusap.

7. Salitang Hiram - mga salitang banyaga na makakatulong sa pagpapalawig ng kaisipan. Maaaring


dyalektal (mula sa mga dyalekto at wikain), kultural (mula sa ibang pangkat etniko o kultura) at pulitikal
(mula sa mga mananakop o naka impluwensyang bansa).

• Palatandaang Grapo-Ponik - nakatuon ito sa ugnayan ng letra (grafin) at tunog (fonim) kasama ang
paraan ng pagbabaybay at ispeling.

*Ang Komprehensyon o Pag-unawa*

Nagaganap ang pag-unawa habang ang mambabasa ay nagbibigay ng tamang pagpapakahulugan sa


kaisipang binabasa. Ang apat na kahulugang kaugnay ng pag-unawa:
> Konseptwal na Pagpapakahulugan - ito ang katuturang angkin ng salita sa kanyang sarili. Dito
isinasalalay ang pangkahalatang kahulugang ipinapataw sa pahayag.

> Proposisyunal na pagpapakahulugan - nakalaan naman ito sa kahulugang ipinahihiwatig ng isang


pangungusap. Ito ang kanyang kahulugan nang hiwalay sa mga kasunod at naunang pahayag ng talataan.

> Kontekstuwal na Kahulugan - ang pahiwatig na nabuo ng pangungusap kaakibat ang iba pang
bumubuo ng talata. Pinakamahalaga rito ang pagpapanatili ng ugnayan ng mga pangungusap

> Pragmatikong Pagpapakahulugan - ito ang lebel kung saan nababatid ang antas ng komprehensyon
ng bumabasa. Binibigyang kahulugan ang pangungusap batay sa bisang nilalayon ng awtor para sa
mambabasa. Nilalaman nito ang damdamin, at pananaw na inilalahad sa mga pangungusap.

*Mga katangian ng tekstong nagdudulot ng suliranin sa komprehensyon.

> Kaisipang nilalaman ng Teksto Batay sa Nais Ipabatid ng Awtor sa Mambabasa - ang kawalan ng
kabatiran ng mababasa sa kaligiran at diwa ng paksa ay nakapagdudulot ng di pagkaunawa

> Talasalitaan - ang kapos o di-sapat na bilang ng mga salita at terminolohiyang teknikal ay
makapagbabagal sa wastong pag unawa.

> Istruktura ng mga Pangungusap - humihina ang bisa ng pag-unawa sa akda kung ang ginagamit na
pangungusap ng awtor ay maligoy at mahahaba.

> Hindi tamang paggamit ng angkop na pangatnig at pang-ugnay sa mga pangungusap.

*Mga Anyo ng Panitikan na karaniwang Binabasa*

• Maikling Kwento

akdang pasalaysay ukol sa mga kawil-kawil na pangyayari

Binubuo ito ng mga sumusunod na bahagi

1. Simula- ang bahaging ito ang humuhuli sa kawilihan ng mambabasa. Inilalahad nito ang suliraning
kinakaharap ng tauhan.
2. Tunggalian - Ito ang kaluluwa ng kwento, binibigyang buhay ng mga suliranin ang akda. Dito sinusukat
ang

kakayahan ng awtor na mapanatili ang interes ng kanyang mambabasa sa pamamagitan ng mga


makatotohanang

pakikipagsapalaran at paglutas ng suliranin.

3. Kasukdulan - dito inilalatag ang mga paglulutas ng suliranin o paglalantad ng mga katotohanan o higit
pang nakapipigil-hiningang mga tagpo.

4. Wakas - pinapagtibay nito ang paksang ipinababatid ng awtor sa mambabasa.

• Tula

> Karaniwang katangian ng mga ganitong akdang rima o tugma,

himig o damdamin, sukat at mga salitang patayutay o simboliko.

> Sa pagbasa ng tula, makatutulong ang mapanuring isip at malawak na pag-unawa sa mga
simbolismo at pahayag na

tayutay.

• Sanaysay

> Mga pormal o impormal na sulating tumatalakay sa isang ispesipikong kaisipan na mahalaga para sa
awton

> Binubuo ito ng mga sumusunod na elemento:

1. Pangunahing Tema - kaisipang pinapalawak ng mga pagtalakay ng may akda.

2. Wika - nagpapahiwatig ito ng kalikasan ng paksang tinatalakay (kung pormal o impormal).

3. Himig - ito ang kumikilala sa damdaming pinanghahawakan ng awtor ukol sa paksang kanyang
pinahahalagahan.

4. Estilo - tumutukoy ito sa paraang ginagamit ng awtor upang ilahad ang kanyang mensahe.

5. Detalye - mahalaga ito upang matukoy ang antas ng kabatiran ng awtor ukol sa kanyang isinusulat
natutukoy rin nito ang himig ng akda.

6. Punto de vista - nakikilala ang lalim ng koneksyon ng awtor sa kanyang paksa.

You might also like