Tula NG Manloloko

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tula ng Manloloko

Mahal kita

Gusto kita

Ano pa ba? Teka

Diba iyan ang sinabi ko sayo noon

Mga salitang lumabas sa aking bibig ng masilayan ang iyong mukha

Pero ano nga ba ang kwento sa likod ng pamagat ng tulang ito?:

Simulan natin sa umpisa

Tahimik ka, walang kibo

Panay dutdot sa telepono mo at ngumingiti na parang may sariling mundo

At saka ako lumapit

Kinausap ka, pinangiti, pinatawa, pinakilig

Pero lahat ng iyon ay panandalian

Dahil ang inyong lingkod, boom! Mayroon nang kasintahan

Pero wag nyo muna akong husgahan

Hindi ba pwedeng akoy nakukulangan lamang?

Hindi ba pwedeng hindi ko na mahal ang aking kasintahan?

Hindi ba pwedeng gusto ko nang kumawala sa kanyang piitan?

Hindi ba pwedeng ang aking panig ay pakinggan nyo naman?

Pero hindi

Dahil ako ang manloloko

Dahil ako ang mali

Dahil ako ang may kasalanan

Saka kelan pa ba nagbigyang pagkakataong magsalita ang manloloko?

Panay mura, galit, poot ang binabato ninyo


Ngunit hindi ba’t may dalawang panig ang bawat kwento?

Sabagay, sino ba ang maniniwala sa salaysay ng isang manloloko?

Kaya sana patawarin mo ako

Patawarin mo ako

Kung sakin ikay sumugal ngunit ikay natalo

Sumugal din naman ako kaso dalawa ang tinayaan ko

Hindi naman sa nagbabakasali akong parehas na ipanalo

Pero hindi nyo kasi maiintindihan

Kaming mga manloloko ay ikinulong nyo sa isang sisidlan

Hindi pinakinggan

Mali

Inutil

Hampaslupa

Tanga

Walang kwenta

Ano pa ba?

Wala na akong pakealam

Para saan pa ang pagpapaliwanag

Kung ang kausap moy hindi ka man lang pakinggan

You might also like