Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ponoloji

Ito tumutukoy sa pag-aaral ng makabuluhang tunog. Ang mga tunog na ito sa


lalamunan at bibig ay siyang ginagamit para ihayag ang anumang sabihin. Ang tunog
na ito ay tinatawag na fown o mga speech sound na ginagamit sa pag sasalita. Sa
tulong ng dila at mga labi, kasbay ng paglabas ng hangin sa bibig o di kaya ilong
nakalilikha ang tao ng mga pinagsamasamang mga tunog upang magamit sa pangkat
na kanyang kinabibilangan.

Fonetiks- ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks .

May tatlong salik na kinakailangan para makapagprodyus ng tunog.

1. Ang pinanggagalingan ngg lakas o enerhiya ito ang gumagawa ng pwersa o presyon
na nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.

2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog,


kung saan naroon ang mga vocal-kord, (isang pares ng manipis na masel na
pinagagalaw ng daan ng hangin). Ito ay nasa laringks o Adam’s apple.

3. Ang resonador ang sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig.

Samantala nasa bibig naman ang apat na mahahalagang sangkap sa pagbigkas


ng mga tunog
1. Dila at panga(sa ibaba)
2. Ngipin at labi(sa unahan)
3. Matigas na ngalangala(sa itaas)
4. Malambut na ngalangala(sa likod)

Ponoliji ng wikang Filipino

1. Ponema
Ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng wika. Ang bawat wika ay
may kani-kaniyang tiyak na damio bilang ng mga makabuluhang tunog.

Ang Filipino ay may 21 ponema-16 sa mga ito ang katinig (conconants) at 5


patinig (vowels) mga katinig-p, t, k, (glottal)/ b, d, g, m, n, y, h, s, l, r, w/ mga patinig / a,
e, i o, u/

Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi


ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.
a.mga katinig/consonant ang mga katinig sa Filipino ay maiaayos ayon sap unto at
paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay bibigkasin nang may tinig (m. t) o
walang tinig (w. t), gaya ng makikita sa tsart.
b . Mga Pantinig/Vawel
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon nman sa kung aling
bahagi sa paksa ng isang pantinig – unahan, senter, likod – at kung ano ang pusisyon
ng nasabing bahagi sa pagbigkas – mataas, nasa gitna, o mababa.
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

2. Mga Diptonggo
Ang diptonngo ng Filipino ay, aw, iw, iy, ey, ay, oy,at uy. Ang alinmang pantinig
na sinusundan ng malapatinig na /y/ /o/ /w/ na napapagitan sa dalwang panting,
samantala, kung ito ay napapasama na sa sumusunod na pantig ito ay hindi na
maituturing na diptonggo, “iw”, halimbawa, sa “aliw”ay diptonggo. Ngunit sa ‘aliw’ay
hindi na maituturing na isang diptunggo sapagkat ang “w” ay napapagitan na sa
dalawang pantig. Ang magiging pagpapantig sa “aliw” ay a-li-wan at hindi aliw-an.
Mga Diptunggo ng Filipino
Harap Sentral Likod
Mataas Iw, iy uy
Gitna ey Oy
Mababa Aw, ay

3. Mga Pares Minimal


Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema na magkatulad na magkatulad sa ponema sa magkatulad sa
pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa
pagpapakita ng pagkakaiba ng mga tunog ng magkakahawig ngunit magkaiba ang
ponema. Kung gagamiting halimbawa ang mga ponemang /p/ at /b/ ng Filipino, makikita
ang dalawang paonemang ito na magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa
istap o pasara. Ngunit ang /p/ ay binibigkas nang walang tinig samantalang ang /b/ ay
mayroon. Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa
sandaling isa ay ipalit sa isa. Ang salitang “burn”,hal., ay magbabago ng kahulugan sa
sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ - baso ‘glass’.

4. Mga Ponemang Supresegmental


Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap, binibigayan ng tono an gating boses
upang bigyan ng diin ang bahagi na ipinararating na mensahe sa ating kausap upang
sa ganoon ay malinaw at mabisang makarating ang ating pagpapahayag.
Ang tono, lakas, at haba sa pagsasalita ay may malaking ginagampanan sa
aming pakikimuhay.

1. Tono
Ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay depende kung gaano kabilis
magbaybreyt ang ating vikal-kord. Mabilis na vaybresyon, mas mataas, ang tono ng
boses, kung di gaano ang vaybresyon, mas mababa naman ito.
Ang tono ay maari ring magpakita ng pagbabago ng taas o baba ng tinig / tono
na maaring nakapagbibigay ng iba’t ibang pagpapakahulugan:

1. Punto ng tono- Pantig na may kaugnay na tonong makahulagan.


2. Antas ng tono- Sa bawat punto ng tono, isa sa tatlong nagpakilalang antas ng tono
ang lumilitaw, tulad ng iskala na nsa ibaba.
3=mataas- isang nota ang taas sa ikalawa
2=katamtaman o normal na lawak ng tono.
1=mababa- isang nota ang baba sa ikalawa.
Halimbawa:
a. na (3) b. ka (3)
ka (2) ni (2)
ni (1) na (1)

Halimbawa sa pangungusap:
1. ng puno

Nagpuputol
ang lalaki.

2. Nagpuptol
ng puno
ang lalaki.

ang lalaki.
ng puno
3. Nagpuputol

Hubog ng Tono.

1. Ganap ang buong pagbaba


2. Kalahating pagbaba-kulang sa isang antas
3. Pagpapanatili sa antas ng tono
4. Pagtaas ng tono mula sa pangwakas nap unto

2. Haba
Ang pagpapahaba ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng
salita nang hindi naman pinutol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig. May mga
salita na binibigkas nang mas mahaba at mas maikli.
Ang paggamit ng kolon[:] ay nagpapakilala ng haba ng pagbigkas na
magpapabago ng kahulugan ng isang sailta.

Halimbawa:
1 /kasa:ma/* = companion 5. /magna:nakaw/ = will go on stealing
2 /kasama/ = tenat
3 /magnana:kaw/* = thief
4 /magna:na:kaw/ = will steal
3. Antala
Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap, saglit tayo humihinto o tumitigil upang
bigyang-diin o linaw ang mensaheng nais nating iaparating sa ating kausap.
Nagkakaroon ng hinto pagkatapos ng pangungusap upang bigyang linaw ang
pagpapahayag ng kaisipan nais iparating sa kausap o babasa, na inirereprisinta (.). Sa
pag-aantala ng pagsasalita, ang (1) ay maaaring katawanin para pansamantalang
paghinto at dalawang bar (//) naman sa lubusang namang pagtigil.

Halimbawa:
1. Hindi puti= it’s not white 2. Hindi/Puti= no, it’s white

Morpoloji
Pag-aaral ng istruktura ng mga salita ang realasyon nito sa iba pang mga salita
sawika.

Morpema
Kapag oinag-uusapan ang isang wika, kadalasan mga salita nito ang kaagad na
binibigyang pansin. Higit na kilalanin sa mag-aaral ng mopoloji ang katagang morpema.
Ang morpema ay ang pinakmailit nay unit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan.

Uri ng Morpema
1. Malayang morpema- mga salitang may sariling kahulugan na hindi na maaaring
hatiin. Itinuturing din itong salitang-ugat.
Halimbawa: tao, dagat, puti, lakad
2. Di-malayang Morpema- mga salitang binubuo ng salitang ugat at panghalip o afiks
na nakakabit.
Halimbawa: ma (panlapi) l ganda (salitang-ugat)

Mga Morpemang Diversyunal at Infleksyunal


1. Ang diversyunal na morpema nagbago ang kahulugan nito dahil sa pagkakaiba ng
iba pang morpema.

Halimbawa:
Tubig (likidong iniinom, pinanghuhugas, o pinaghahalo)
ma + tubig – ang ma ay nagtataglay ng katangiang taglay ng salitang-ugat at
pakamarami nito.
tubig + an - an may kahulugan lugar na nbakikitaan ng mga bagay na marami na
tinutukoy sa salitang-ugat.
mag + tubig – mag nagsasaad ng kilos o bagay at nakabubuo ng pangngalang
tumutukoy sa taong ang Gawain o hanap buhay ay ang kilos na sinasaad ng salitang
ugat o bagay na tinutukoy ng salitang-ugat.

2. Ang infleksyon na morpema ay hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita o


morpema (sa kategoryang sintaktika) kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks.
Pagbabago ng Morpoponemiko

Mga uri ng pagbabago ng morpoponemiko

1. Asimilasyon
Sakop ng uri ito ang mga pagbabgong nagaganap sa /n/ sa pusisyong pinal dahil
sa impluwensya ng ponemang kasunod nito.
May dalwang uri ng asimilasyo:
a. Ang asimilasyon parsyal ay yaong karaniwang pagbabagong nagaganap sa pailong
na /n/ sa punisyon pinal ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kasunod na tunog.

Halimbawa:
[pang-]+paraalan pamparaalan
[pang-]+bayan pambayan

b. Ang asimilasyon ganap bukod sa pagbabagonagaganap sa ponemang /n/ ayon sa


puntong artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilalapiang salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

Halimbawa:
[pang-]+palo pampalo pamalo
[pang-]+tali panatali panali

2. Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang nagbabago o nagpapalitan sa pagbabago ng mga salita.
Kung minsan ang ganitong pagbabago ay nsasabayn ng pagpapalit ng diin.

Halimbawa:
/d/ /r/
ma- + dapat marapat
ma- + dunong marunong
-an -in
Lapad + -an lapadan Tawid + -in tawirin
/h/ /n/
Tawa+ -han tawahan tawanan

/o/ /u/
Dugo + an Duguan
mabango Mabangung-mabango

3. Matatesis
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in], ang /l/
o/y/ ng salita-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng pusisyon.
Halimbawa:
-in- + lipad nilipad -in- +yaya inyaya
Atip + -in atipan aptan tanima + -an taniman tamna
4. Pagkakaltas ng Ponema
Nagaganap ang pagbabago ito kung ang huling ponemang pantinig ng salitang-
ugat ay nawawala sa paghuhulapi ditto.

Halimbawa:
takip - =an takipan takpan
sara + =an sarahan sarhan

5. Pagalilipat-diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isas
o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig
patungong unahan ng salita.

Halibawa:
Basa + -in basahin
Ka- + sama + -han kasamahan
Laro + -an laruan (lugar)

You might also like