Professional Documents
Culture Documents
Final Report For Thailand
Final Report For Thailand
THAILAND
HEOGRAPIYA
Matatagpuan ito sa gitna ng Timog-Silangang Asya. Konektado ito sa Cambodia sa
Timog-Silangan, Malaysia sa Timog, karatig ng Myanmar sa Kanluran, nasa hangganan ng Laos
sa Hilagang Silangan at Hilaga, karatig ng Siam Gulf sa Timog, at Karagatan ng India sa
Timog-Kanluran.
KLIMA
Ang kabuuang Thailand ay dumaranas ng klimang monsoonal. Ang maulang panahon ay
nararanasan mula Mayo hanggang Setyembre, kung saan ang buong bansa ay tumatanggap ng
70% dami ng ulan. Ang temperatura ng bansa ay inaabot hanggang 80%F na nagmumula ng
Enero.
TOPOGRAPIYA
Ang bansa ay nahahati sa limang rehiyon.
1. Ang mabundok na hilaga kung saan matatagpuan ang Doi Ithnamon, ang pinakamataas na
bundok ng bansa.
2. Ang gitnang kapatagan dahil sa Delta ng Chao Phraya ang pinakamataas at pinakamaunlad
na teritoryo ng bansa.
3. Ang matalampas na Konat.
4. Ang hilera ng mga bulubundukin sa Timog-Silangan.
5. Ang Tangway ng Thailand.
Ang bansang Thailand ay kilala dahil sa kanilang masaganang ani at dahil sila rin ang nag-
eexport ng mga bigas sa maraming bansa.
Ika-49 sa pinakamalaking bansa sa buong mundo ang Thailand.
Ang Thailand ay pangatlo sa gumagawa ng pinakamaraming goma sa buong mundo.
Karamihan ng iniluluwas ay bigas, mais, jute at goma.
Ang Thailand ay nahahati sa 75 mga lalawigan (changwat) na pinagsama-sama sa limang
pangkat ayon sa lokasyon. May dalawang espesyal na pinamamahalaang distrito: ang
kabiserang lungsod ng Bangkok (Krung Thep Maha Nakhon sa Thai) at Pattaya, na ang
Bangkok ay nasa panglalawigang antas, samantalang ang Pattaya ay bahagi ng lalawigan ng
Chon Buri. Ang ibang mamamayang Thai ay binibilang pa rin ang Bangkok bilang
lalawigan, kaya naging 76 lalawigang bansa ang Thailand. Nahahati ang bawat lalawigan sa
maliliit na mga distrito. Noong 2000, mayroong 796 na distrito(amphoe), 81 mas maliliit na
distrito (king amphoe), at 50 distrito ng Bangkok (khet). Ang ibang bahagi ng lalawigan na
naghahanggan sa Bangkok ay tinatawag din na Kalakhang Bangkok ( pari monthon). Ang
mga lalawigan na ito ay ang Nonthaburi, Pathum Thani, SamutPrakan, Nakhon Pathom,
Samut Sakhon. Ang pangalan ng bawat kabiserang lungsod (mueang) ay katulad din ng sa
lalawigan nito. Halimbawa, ang kabisera ng lalawigan ng Chiang Mai (changwat Chiang
Mai) ay Mueang Chiang Mai.
RELIHIYON (2000 census)
KAUNLARAN
Ang bansa ay katatagpuan ng populasyong may iba’t ibang paniniwala at lahi. Ngunit
dahil sa katatagan ng pamahalaan ng bansa, mataas na bahagdan ng lakas paggawa at mataas na
antas na literasya, ang Thailand ang isa sa mga bansang di nalalayong maging isa sa mga Newly
Industrialised Counry ng rehiyon.
Gamit ng bansa sa industriyalisasyon ang kanyang likas na yamang nanggagaling sa
kagubatan, goma at lata. Kasalukuyang napakaunlad ng produktong tela at yaring kasuotan ng
bansa.
KASAYSAYAN
Mula nang pumasok ang mga imperyalista sa
Timog-Silangang Asya, kinakitaan na ang
Thailand ng galing sa pakikibagay sa mga ito
upang huwag lamang masakop ng mga dayuhan.
Sinulsulan ng Thailand ang magkakalabang
bansa, na nagpapaligsahan kung sino ang mas
maraming teritoryong maaangkin, upang siya
mismo ay hindi maangkin. Noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Pumanig ang Thailand sa
Hapon laban sa Amerika at Britanya. Nang
humina at natalo ang Hapon, nakipag-areglo
naman ang Thailand sa mga bansang Kanluranin
na nananalo sa digmaan sa Korea, nagpadala pa
ito ng mga hukbo upang tumulong sa mga di-
Komunista. Noong ang Vietnam naman ang
maging tanghalan ng tunggalian sa pagitan ng
mga Komunista at di-Komunista, nagpadala
muli ng tulong ang Thailand sa panig ng mga di-
Komunista.
Subalit sa loob ng sariling bansa, hindi rin nakaligtas ang Thailand sa mga kaguluhan.
Simula noong 1938, pawang mga militar na ang humawak sa pamahalaan ng Thailand. Noong
1973, nagsimulang mag-aklas ang mga estudyante laban sa pamahalaan. Mga tatlong taon silang
pinagbigyan at nagkaroon ng halalan para sa mga opisyal ng pamahalaan.
Subalit noong Oktubre 1976, sinagupa ng mga konserbatibong elemento ang mga
estudyante sa Bangkok. Maraming namatay. Muling bumalik ang militar sa pamahalaan na
nanatili hanggang noong 1979. Pag-alis nila ay muli na namang nagkaroon ng mga halalan.
Sa kasalukuyan, isa sa pinakamauunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya ang
Thailand. Ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga negosyante ng bansang ito ang dahilan kung
bakit isa ito sa pinakamalalakas na kandidato upang sumunod sa yapak ng mga
industriyalisadong bansang tulad ng Hapon at Korea.
PULITIKA AT PAMAHALAAN
Ang Hari ay may kaunting direktang kapangyarihan ayon sa konstitusyon; subalit, bilang
hari, siya ay simbolo ng pambansang pagkakakilanlan at ang napiling tagapagtanggol ng
Budismo sa Thailand. Ang pinuno ng pamahalaan ay ang Punong Ministro, na pinipili ng hari
mula sa mga kasapi ng mababang kapulungan ng parliyamento, na kadalasang pinuno ng partido
ng mayorya. Kadalasang tinatalaga ng Punong Ministro ang gabinete. Ang parliyamento ay
tinatawag na Pambasang Kapulungan (rathasapha) at ang kanyang kamara na binubuo ng
Kapulungan ng mga Kinatawan, (sapha phuthaen ratsadon) na may 500 pwesto at ang Senado
(wuthisapha) na may 200 pwesto. Ang mga kasapi ng parehong Kapulungan ay inihahalal sa
pamamagitan ng popular na botohan. Ang sistema ng hudikatura ay may tatlong antas, ang
pinakamataas ay ang Kataastaasang Hukuman (sandika). Aktibong kasapi ang Thailand ng
ASEAN.
Wai- ito ang tawag sa karaniwang paraan ng pagbati ng mga Thai, nagpapakita rin ito ng
paggalang. Ito ay nagrerepresenta rin sa pagiging palakaibigan ng mga Thai.
Ang paraan nito ay pagtaas ng dalawang kamay at pagdidikit ng dalawang palad na
Bankhun- pasasalamat sa mga nakatatanda o magulang
Kaugalian sa Pamilya
Ang pamilya ang pundasyon ng mamamayan ng Thai.
Ang pamilya ng Thai ay kabilang sa pamunuan ng simbahan na kung saan ang mga
magulang ang mas nakatataas.
Ang mga bata ay tinuturuang gumalang sa kanilang mga magulang.
Ilang katanungang hindi dapat banggitin sa mga Thai ng mga taga ibang bansa:
o Magkano ang iyong kinikita?
o Ano ang iyong relihiyon?
o Ilang asawa ang mayroon ka?
Ang mga tanong na ito’y maaaring masamain ng mga Thai, dahil para sa kanila ay
nakakahiya at nakakainsulto ito sa pagkatao nila.
EDUKASYON
Mataas ang antas ng kamuwangan sa Thailand, at ang edukasyon ay naibibigay ng isang
maayos na sistemang pampaaralan ng kindergarten, mababang paaaralan, at mataas na
sekondarya, maraming dalubhasaang bokasyunal, at mga pamantasan. Ang pribadong sektor ng
edukasyon ay mahusay ang pagkakabuo at malaki ang naitutulong sa pangkalahatang
pamamahala ng edukasyon kung saan hindi kayang maibigay ng pamahalaan sa mga pampubliko
nitong paaralan. Ang edukasyon ay sapilitan hanggang ika-9 na baitang, at ang pamahalaan ay
nagbibigay ng libreng edukasyon hanggang ika-12 baitang.
TRANSPORTASYON
Taxi
Ang taxi sa Bangkok ay may pinakapormal na sistema sa
pamasahe. May nakatakdang pamasahe sa bawat
destinasyong tutunguhin. Mas laganap ang sasakyang ito sa
Bangkok.
TUK-TUKS
Ito’y ginagamit sa mga malapitang tunguhin sa mga
bayan sa Thailand lalo na sa Bangkok. Kaya nitong
magsakay ng dalawa hanggang tatlong pasahero.
TRAINS
Isa ito sa pikakomportableng sasakyan sa Thailand na
pangmalayuang pambyahe kung ayaw sumakay ng
eroplano. May apat na seksyon ang byahe ng tren sa kanila,
ang una ay Easthern line na patungong Cambodia, ang
ikalawa ay Northern line patungong Chiang Mai sa
Thailand, ang ikatlo ay Southern line na patungong
Malaysia at ang huli ay Western line na patungo ng Nam
Tok sa Thailand.
MAHAHALAGANG PAGDIRIWANG
Bagong Taon (Pagdiriwang ng Songkran)
Itinuring ng Sinaunang Thailand ang Pagdiriwang ng Songkran
bilang Bagong Taon, dahil ito ang maluwag na panahon sa
kalagitnaan ng Abril kung kailan naaangkop na magsagawa ng banal
na panrelihiyong gawain. Kabilang sa mga gawain ng Pagdiriwang
ng Songkran ang: magsabit ng pambansang mga bandila sa buong
bansa, paliligo sa Buddha, paliligo ng mga monghe at pagsaludo sa
mga asperge hanggang sa mga matatanda upang magdasal para sa
biyaya. Kaya, tinatawag ito ng mga tao na Pagdiriwang ng Pagwiwisik ng Tubig. Ang Taunang
Pagdiriwang ng Pagwiwisik ng Tubig o Annual Water-Sprinkling Festival ay mula Abril 13~15
bawat taon. Ang unang seremonya sa umaga ng tradisyonal na Pagdiriwang ng Songkran ay ang
magdasal. Pumipila ang mga kabataan upang magbigay ng papuri sa mga matatanda, umaasa na
makuha ang kanilang pagbasbas at magandang suwerte sa susunod na taon.
Loy Kratong
MAGAGANDANG TANAWIN SA
THAILAND
Wat Suthat
Ito ay Royal Temple sa Bangkok, naitayo ito noong 1807
sa pamumuno ni King Rama. Kinapapalooban nito ang
mga imahe ng Budda ng Phra Sri Sakyamuni.
MGA
SAGISAG – PAMBANSA NG THAILAND
PAMBANSANG AWIT
Phleng Chat Thai – Ang awiting
ito’y pinagtibay noong 1939 (B.E.
2482). Hinimigan ito ni Phra
Jenduriyang at isinatitik ni Colonel
Luang Saranuprabhandi.
PAMBANSANG KASUOTAN
Chut Thai phra ratcha niyom
Ito’y isang pormal na kasuotan sa mga mahahalagang oksyon
PAMBANSANG IBON
Siamese Fireback( Lophura diardi)
Ang pakpak nito’y kapag nakabuka ay may habang 9 sentimetro.
PAMBANSANG HAYOP
Chang Thai o “Thai elephant”
PAMBANSANG LARO
Muay Thai
Ito’y larong may dalawang kalahok na maglalaban. Ginagamit rito
ang kanilang siko, tuhod, baba at kamay upang matalo at
mapabagsak ang kalaban.
PAMBANSANG BAYANI
King Naresuan
Isinilang siya noong April 25, 1555 sa Phitsanulok. Anak
siya nina King Phra Maha Thamma Racha atPhra
Wisuttikrasattri
PAMBANSANG PUNO
Golden Shower /Tree
Ang puno ring ito ang Pambansang bulaklak ng Thailand.
Ang kulay dilaw na bulaklak ay kumakatawan sa
relihiyon nilang Budismo at sa Lunes na araw ng kapanganakan
ng Hari’t Reyna ng Thailand.
PAMBANSANG PRUTAS
Purple Mangosteen
Ang prutas na ito’y kilala rin sa tawag na Fruit of the
Gods. May matamis na lasa at hugis almond ang mga buto
nito.
PAMBANSANG ARKITEKTURA
Sala Thai (Thai-style arbor)
Ito ay sumisimbolo sa karunungan ng mga Thai. Kakaiba ang
kanilang mga arkitektura ay kakaiba sa ibang bansa.
TRADISYUNAL NA KASUOTAN
Thai Chakraphat
Thai Borompiman
Ito ay panggabing kasuotan na pormal, may mahabang
manggas na damit at pwedeng ibotones sa harap man o sa
likod. Ang pang-ibaba nito’y mukang kadugsong ng pang-
itaas na damit. Angkop para sa matatangkad at payat na
pangangatawan.
Thai Dusit
Ito’y kasuotang angkop isuot sa mga panggabing
seremonya.
Nilutong
Ito ay may lahok na manok, baboy at lamang dagat. Matamis
ang sarsa nito na may gulay. Ito ay popular sa mga turista.
Pad Thai
Ito’y noodles na niluto sa sauce ng sampalok at may lahok na tofu at iba pang pampalasa. Mas
masarap ito kainin sa gabi.
Tom nami
Ito ay may sabaw na pagkain, mahalang at maasim. May
lahok din itong hipon at tanglad (lemon grass).
Grajabpi
Ranat Ek Lek
Fawn Thai
Ito’y isang uri ng sayaw na Folk Dance.
Chart Korbjitti
Una siyang nakilala sa paglalathala ng kanyang nobelang Khamphiphaksa noong 1981. Ang
kanyang akda ay tinaguriang Book of the Year ng Thailand Literature Council ang kanyang Libro
ay nagwagi sa S.E.A. Write Award. Natanggap niya ang ikalawang Gantimpala. Tinanghal din
siyang National Artist in Literature noong 2004
Kulap Saipradit
Siya ay isang manunulat sa pahayagan at isa sa pinakamagaling na Nobelista ng Thailand
nang kanyang henerasyon. Siya ay isang aktibista na sumusulat ng patungkol sa karapatang
pantao. Dahil sa mga paksa ng kanyang sulatin sa pahayagan siya ay nakulong sa loob ng
mahigit 4 na taon. Ang akda niya’y Kulap in Oz
TAUHAN
Kinnaree Manorah – isang prinsesa, pinakabata sa pitong magkakapatid
– kalahating babae at kalahating sisne (bibe)
Haring Prathum at Reynang Jantakinnaree – magulang ni Prinsesa Manorah
– nakatira sa Kaharian ng Bundok Grairat
Prahnbun – binatang naglalakbay sa kagubatan ng Himmapan
– nakahuli kay Prinsesa Manorah
Ermitanyo – nakatulong kay Prahbun na mahuli si Prinsesa Manorah
Dragon – nagbigay ng makapangyarihang lubid Prahbun upang mahuli si Prinsesa Manorah
Prinsipe Suton – nabighani sa kagandahan ni Prinsesa Manorah at agad itong pinakasalan
Haring Artityawong at Reyna Jantaivee – naninirahan sa Udon Panjah
– magulang ni Prinsipe Suton
SANGGUNIAN
http://www.slideshare.net/jenshare22/sining-at-kasaysayan-ng-thailand
http://asiagroupfour.weebly.com/indonesia-at-thailand.html
https://www.academia.edu/7256887/Kultura_ng_Mga_Bansa_sa_Timog_-Silangang_Asya
http://www.pompgorn.com/thai-national-costume.html
http://nitp.taipei/ct.asp?xItem=30109408&ctNode=55006&mp=102166
http://www.depednegor.net/uploads/8/3/5/2/8352879/filipino_9_tg_draft_4.1.2014.pdf
https://www.scribd.com/doc/34410340/Panitikan-Ng-Mga-Umuunlad-Na-Bansa
https://travelguidetoasia.wordpress.com/2014/08/06/mga-bagay-o-lugar-na-hindi-mo-dapat-
palagpasin-sa-thailand/
https://timeinthailand.wordpress.com/2012/12/02/why-is-thailand-called-the-land-of-smiles/
https://www.google.com.ph/search?
q=thai+baht&biw=1093&bih=534&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwjs8cTJ_K3
KAhVMHJQKHdBKD7QQ_AUIBigB#imgrc=aG7AlXYobhGxwM%3A
http://www.worldometers.info/world-population/thailand-population/
http://www.discoverythailand.com/know_the_money.asp
https://www.justlanded.com/english/Thailand/Thailand-Guide/Travel-Leisure/Public-transport-
in-Thailand
https://iluvthailand.wordpress.com/2008/07/12/thai-national-anthem/
http://asia.isp.msu.edu/wbwoa/southeast_asia/thailand/Thailand_anthem.pdf
http://tl.phuket.thai-sale.com/tajskaya-eda/
Gonzales et. al. (2001), Araling Panlipunan Para Sa Mataas Na Paaralan. SIBS Publishing
House,Inc
http://www.lonelyplanet.com/thailand/transport/getting-around/local-transport
http://thailandmusicproject.weebly.com/thailand-instruments.html
http://www.vtaide.com/ASEAN/Thailand/dances.html
http://www.thailandtriptour.com/sukhothai/tl/tourism-sights.html
PASULAT NA ULAT
ISINULIT NINA:
RICA U. ALQUISOLA
LALAINE B. PUERTA
SHEENA N. PASACSAC
RUTH ANN PELEJO
3C-1
ISINULIT KAY:
BB. MELODY G. AGUDILLA
GURO
ENERO 23, 2016