Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

John Patricia Mae C. Centeno Associate Prof. Dwight David A.

Diestro

PI 10 E July 2, 2018

Unibersidad ng Pagbabago: Disiplina, Tapang, at Sakripisyo

Habang inaaral ko ang kasaysayan ng Pilipinas, aking napagtanto: Bakit kaya hindi pa

natuto ang mga Pilipino sa pag halal ng mga pinuno sa gobyerno? Sa pagbabasa ng sanaysay na

“Revolution and the University of the Philippines” aking natutunan at napagnilayan ang tatlong

bagay, ang importansya ng literatura, ang kultura at kaugalian ng mga Pilipino, at ang kahalagahan

ng ginagampanang tungkulin ng bawat Pilipino.

Literatura: Salamin ng Kasaysayan, Kultura, at Kaugalian

Para saan ba ang literatura? Marahil, marami ang may hindi alam sa kahalagahan nito sa

pagtuturo ng kasaysayan, ideolohiya, at kultura ng bansa. Marahil ang iilan ay nakapagbabasa

lamang ng libro dahil kailangan upang magka grado sa eskuwela. Ang literatura ay mahalaga sa

pag buo ng isang nasyon. Ang iilang mga sulatin ay sumasalamin sa tunay na problemang

kinahaharap ng mga Pilipino. Sa pamamagitan nito, naihahayag ang ilang katotohanan na mahirap

tanggapin ukol sa kaugalian ng mga Pilipino gaya ng pagiging tamad at kawalan ng disiplina. Ito

rin ay naglalayon na imulat ang mata ng ating mga kababayan sa mga kaharasan na natatamasa ng

iba. Gaya ng mga likha ni Gat Jose Rizal, na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Dapat pang

may umusbong na matapang at mapangahas ng mga magsusulat upang ilantad ang mga

kasalukuyang problema ng bansa, hindi lamang ang Noli at El Fili ang dapat gawing “required

readings” sa mga eskuwela kundi kung papaano naging hindi bayani si Marcos, kung gaano

kalakas ang kapangyarihan ng sambayan kung magtutulungan lamang ang bawat isa gaya ng sa

People Power, kung bakit kailangan na ng reporma sa lupa. Dapat ang mga babasahin ng mga bata,
ng susunod na henerasyon ay ang mga problemang kinakaharap sa ngayon, upang mag pursigi ang

bawat isa na magbago, wag maging makasarili upang tunay na mapaunlad ang bansa.

Kultura at Kaugalian ng Mga Pilipino

Kahit may “foot bridge” na, ang ilang Pilipino ay tatawid pa rin sa ibaba nito, kahit may

mga lugar na dapat lamang babaan at sakayan ng pampublikong sasakyan, bababa pa rin ang ilang

Pilipino sa kung saan nila gusto. Isa lamang iyan sa mga halimbawa ng baluktot ng kaugalian ng

mga Pilipino. Kung nanaisin nating umunlad ang ating bayan, dapat muna nating paunlarin ang

ating mga sarili. Marahil kaya nanalo si Duterte, ay gusto ng iilan ng “pagbabago” at ito ay kanila

na lang i-aasa sa iba. Ilalagay nila ang kanilang tiwala sa isang taong nangako ng pagbabago sa

bansa imbis na ilagay ito sakanilang mga sarili. Walang tunay nap ag unlad ang mang yayari sa

bansa kung iaasa lang natin sa iilan ito.

Doktor, Basurero, Inhinyero, Tubero, Titser, Magsasaka: Ang Lahat Ng Propesyon ay Mahalaga

Isa sa mga pinaka malaking problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng simpatya

sa mga kapwa Pilipino. Marami ang nag a aklas dahil sa di makatarungang pagtrato sa kanila ng

sistema ngunit ang iba ay nakikita lamang sila bilang “rally nang rally” o nanggugulo sa

kapayapaan sa lugar. Ang iilang mga nakaaangat sa buhay ay hindi iniinda ang mga problema ng

bansa gaya ng pagtaas ng mga bilihin, pagdakip sa mga “tambay” at pagpatay sa mga “adik” dahil

sa tingin nila at hindi naman sila sangkot sa mga gulong ito. Dapat mamulat ang bawat isa sa mga

hindi makatarungang nangyayari sa bansa. Ang bawat isa, ang mga magsasaka, guro, estudyante,

doktor, at bawat propesyon ay dapat gawin ang kanilang makakaya upang tumulong sa pag unlad

ng bansa. Kagaya nga ng sinabi sa sanysay ni F.Sionil Jose, “The revolution needs them [us] all.”

You might also like