Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PASIG CATHOLIC COLLEGE

Pasig City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

I. Layunin
Matapos talakayin ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a.) Maipakikilala si Alexander the Great at ang mga mahahalagang pangyayari
sa ilalim ng kanyang pamumuno;
b.) Maipahahayag ang kahalagahan ng mga ambag ni Alexander the Great at ng
Imperyong Macedonia sa araw-araw nating pamumuhay;
c.) Maibibigay ang mga magagandang katangian ni Alexander the Great na
naging susi ng kanyang tagumpay sa pakikidigma.

II. Nilalaman
Paksa: Alexander the Great at ang Panahong Hellenistic
Materials: Power point presentation, puting pisara, white board marker

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid
d. Balik-Aral

B. Motibasyon/Pagganyak
“Guess Who”
May pirapirasong larawan na may kaugnayan sa aralin ngayong araw
ang pahuhuluan ng guro. Magbibigay ng “clue” upang mas lalong
malaman ang tinutukoy ng larawan.
C. Pagtalakay
a. Haring Philip II
b. Pananakop ni Alexander the Great
c. Mahahalagang pangyayari sa ilalim ng pamumuno ni Alexander the
Great
d. Paglaganap ng Kulturang Hellenistic
Mga Gabay ng Tanong:
1. Bakit kaya tinagurian si Haring Alexander bilang Alexander the
Great?
2. Ano-ano ang mga katangian ni Alexander the Great ang
tinataglay mo o nais mong taglayin sa iyong buhay?
3. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong mabuhay noong
sinaunang panahong sa Greece, saan mo pipiliing mamuhay,
sa panahong Hellenic o sa Panahon ng Hellenistic? Bakit?

D. Paglalahat
Si Alexander the Great ay anak ni Haring Philip II na namuno sa
imperyong Macedonian. Nagtagumpay si Haring Philip sa layong sakupin
ang Greece sa Battle of Chaenoea ngunit di naglaon ay pataksil syang
pinatay ng kanyang tauhan. Humalili sa kanyang pwesto si Alexander the
Great sa gulang na dalawampung taon lamang. Dahil sa kayang
pambihirang lakas at galing sa pakikidigma, natupad nya ang hangarin ng
ama na pabagsakin ang Imperyong Persia at magpalawak ng lupain. Sa
pamamahala ni Alexander the Great naitatag niya ang pinakamalaking
imperyo sa daigdig noong panahong iyon. Sa ilalim ng pamumuno ni
Alexander, hindi lamang ang Imperyong Macedonia ang kanyang
naipalaganap kundi maging ang kulturang Greek. Tinawag ang kulturang
ito na Hellenistic- ang pinaghalong kulturang Asyano at Greek. Itinatag din
ni Alexander the Great ang isang lungsod sa Egypt na naging sentro ng
kulturang Hellenistic, ang Alexandria.
Nagpatuloy ang paglagnap ng kulturang Hellenistic hanggang sa
pagkamatay ni Alexander dahil sa labis na pagkahapo. Nahati ang
Imperyong Macedonia sa tatlong magigiting na heneral ni Alexander.

E. Pagtataya
Kumuha ng ¼ at sagutan ng “ISIP HAMUNIN” crossword puzzle sa libro ng
Kasaysayang ng Daigdig. Makikita ito sa pahina 112.

IV. Kasunduan
Ang mga mag-aaral ay aatasang manaliksik tungkol sa mga pamana ng Greek
sa Panitikan, Pananampalataya, Sining, Arkitektura, Apabeto, Dula at Teatro,
Pilosopiya, Agham, Medisina, Matematika at Kasaysayan.

Ipinasa ni:
ERNA L. ARCEDE
CITP-Batch 1

You might also like