Kaantasan NG Pang Uri

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan
ang pang-uring lantay ng
isang pangngalan o
panghalip na walang
pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook
na ito.
2. Pahambing - Nagtutulad
ang pahambing sa dalawa o
higit pang pangngalan o
panghalip.
Halimbawa:
Ganggamunggong pawis
ang namuo sa king noo.
a. Pahambing na
magkatulad - Ipinakikilala
ito ng mga panlaping ka-,
ga-, sing- /kasing-
/magkasing- /magsing-.
Ipinakikilala ang
magkapantay na katangian
ng dalawang bagay na
pinag-hahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang
mga bulaklak sa hardin.
b. Pahambing na di-
magkatulad - Ito ay kung
hindi magkapantay ang
katangian ng
pinaghahambingan.
• Pahambing na
palamang - May
katangiang nakahihigit sa
pinagha-hambingan.
Ginagamitan ito ng mga
salitang higit at lalo at
tinutulungan ng kaysa o
kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahali-halina
ang mga bulaklak dito
kaysa sa nakita ko sa
Parke.
• Pahambing na pasahol -
May katangiang kulang o
kapos sa
pinaghahambingan.
Tinutulungan ito ng mga
salitang gaano, tulad ni, o
tulad ng.
Halimbawa: Di-gaanong
maga-ganda ang mga
moske sa Taguig kaysa sa
mga makikita sa
Zamboanga.
3. Pasukdol - Ang pasukdol
ay katangiang namumukod
o nagngingibabaw sa lahat
ng
pinaghahambingan.
Halimbawa:
Pinakamalinis ang
Palawan.
Walang kaparis sa ganda
si Glenda.
Pangatnig – ang tawag sa
mga katagang nag-uugnay
sa magkasunod na salita,
parirala, o sugnay.
Dalawang pangkat ng
Pangatnig:
1. nag-uugnay ng
dalawang magkatimbang
na salita, parirala, o
sugnay na kapwa
makatatayong mag-isa.
Hal. at, saka, o, pati, ni,
maging, ngunit, subalit,
datapwat, pero, atb.
At, saka, pati – ginagamit
kung nais lamang nating
idagdag o isingit ang
ikalawang salita o parirala
o sugnay sa nauuna.
Hal. Masustansyang
pagkain ang prutas at gulay.
O, ni, at maging -
tinatawag na mga
pangatnig na pamukod sa
dahilang pinagbubukod
nito ang mga kaisipang
ating pinag
uugnay
Hal. Ni saktan ni pagalitan
ay hindi ko ginawa sa’yo.
Ngunit, subalit, datapwat,
bagamat, at pero – ay tina-
tawag na mga pangatnig
na panalungat.
Sinasalungat ng ikalawang
kaisipan ang ipinaha-
hayag ng nauuna.
Hal. Bata pa si Red
subalit siya’y responsable
na.
2. Nag-uugnay ng di-
magkatim-bang na salita,
parirala, o sugnay. Hal.
Kung, kapag, pag, dahil
sa, sapagkat, palibhasa,
kaya, kung gayon, at sana
Kung, kapag, at pag –
pangatnig na panubali.
Hal. Uuwi ako kapag
kasamaka.
Dahil sa, sapagkat,
palibhasa – nagpapakilala
ng sanhi o dahilan;
Tinatawag na mga
pangatnig na pananhiHal.
Palibhasa’y matali-no,
hindi nag-aaral sa Ben.
Kaya, kung gayon at sana –
mga pangatnig na
panlinaw;
0 ginagamit upang
bigyang –diin o linaw ang
kaisipang hatid ng sugnay
na di-makapag-iisa.
Hal. Kung nag-aral ako,
hindi sana ako bumagsak

You might also like