Rizal Tula

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa loob ng halos tatlong daang taon.

Ay nabilanggo ang mga Pilipino sa mga rehas ng opresyon


Naging alila, sa mga tanikala ng mga mapang abusong kastila
Ang mali, ay tila naging 'tama na' sakanilang mga mata
Ngunit ang naguumapaw na sigaw, ng kanilang mga gasgas na lalamunan ay "TAMA NA"

Pero ang lahat, ng kanilang hiyaw ay umaabot lamang sa dulo ng kanilang mga dila.
Pinatahimik ang mga boses na nagsusumamong maging malaya.

Sila, ay naging tuta ng mga gatilyo na nakatutok sa kanilang mga ulo.


Paano, na aahon ang mga pilipino?!

Mga nakulong sa sarili nilang kalayaan


Hindi mapaiglaban, ang karapatan sa sariling inang-bayan
Mga anak na naturingan, ngunit tila iniwang abandonado, ang kanilang perlas ng sinilangan

At sa gitna ng matagal na katahimikan, ay mayroong isang boses na nangibabaw


Boses, na syang pumukaw, sa mga emosyon at damdamin, na ang bansang Pilipinas, ay para sa atin!

Si Rizal, ang naging modelo ng pagmamahal, sa kanyang sariling bansa.


Tumayo, sa kanyang mga makabayang prinsipyo, sumalungat sa agos ng kasinungalingan, ng mga kastila
sa Pilipino.
At sya’y kumpyansa, na magbubunga ang kanyang mga sakripisyo.

Ang kanyang mga nobela ay ang pinanglaban sa mga bala.


Ang tinta at panulat, ang kanyang naging dugo at matalim na espada.
Ang tapang at intelekto, ang pinagmumulan ng kanyang iba’t-ibang sandata.
Sya’y lalaban hanggang sa kanyang huling hininga.

Kanyang iniwan, ang sariling mga pangarap


Naging puhunanang talino’t pagsisikap.
Ngunit hindi nya kakayanin mag-isa, kailangan nya ng mga kabalikat.

Sa kanyang bawat kathang salita at letra, ay may kalakip na paanyaya: na halika—ikaw ay sumama.
Tayo, ay magkaisang lumaban!
Ang pagka alipin sa sariling bayan, ay ating ng bibitawan
at ating magkasamang hahawakan, ang pinaka-aasam na kalayaan!

Kanyang pinangunahan, ang paglaya sa mga rehas.


Ang apoy sa mga pusong makabayan ng mga Pilipino, ay kanilang pinimalas
At sama-sama! Kanilang muling babawiiin, ang makinang na perlas!

Kung inyong mapagtatanto, ang piso ang pinaka payak na yunit ng ating pananalapi.
Hindi mabubuo, ang isang libo kung kulang ng isang piso.
Lalo na ang isang milyon, kung kulang ng isang piso
Si Jose Rizal ang tumatak, sa mga ‘piso’ ng Pilipino.
Ito ay tunay at hindi magbabago.
Sya ang naging huling piso,
na bumuo sa walang katumbas na milyones,
para sa kalayaang nakamit, na sinimulan ng mga nauna.
Tinapos nya ang laban, na may galak sa kanyang mga mata.
Sa kanyang pagkakahimlay, ay nabigyan ang mga Pilipino ng panibagong buhay.

At ang huling tanawin na masasaksihan, ng kanyang mga mata,


ay ang kalangitan ng kanyang bayang sinilangan,
na may ngiti ng pasasalamat para SAKANYA.

You might also like