Babanto Glenn

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

RAMA AT SITA (Isang kabanata) Epiko – Hindu (India) (Isinalin sa Filipino ni Rene O.

Villanueva)
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng Ayodha.
Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay
si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang maging asawa,”
sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita ang dalawa kaya
lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos ng husto si Surpanaka. Sa galit
ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang
asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip niya ang
tenga at ilong ng higante. “Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya ng
pinakamagandng babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang
babae. Nang pilitin daw niya, tinagpas ng isang prinsepe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako,
Ravana,” sabi pa nito. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. “Naniwala naman si Ravana sa
kuwento ng kapatid.pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo o hugis.
Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong tumulong.
“kakampi nila ang mga diyos,” sabi ni Maritsa.
“Kailangang umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan si Rama.
“Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad niya
sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay. “Baka
higante rin iyan,” paalaala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang
kanyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin
mo ang gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na
sumunod sa gubat. “Hindi, kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang
bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw paring umalis si
Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari,”
sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya
ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si
Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si Ravana na
isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng isang kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay
Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng
Lanka!,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang mahabang
buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malapad na pakpak. Nagsisigaw at
nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina Rama at
Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok. Nagdasal siya na sana ay Makita iyon
ni Rama para masundan siya at maligtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang karuwahe
ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana
ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.
Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita
sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang
lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang naganap,
maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo.
Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante.
Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo
si Sita sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.
Figure 1
?

Ang Talinghaga Tungkol sa May-Ari ng Ubasan


(Mateo 20: 1-16 sa Bagong Tipan)
Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maagaupang humanap ng manggagawa
para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila saupa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga
manggagawa ay pinapupunta niya sakaniyang ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at
nakakita siyang iba pang tatayo-
tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta rin kayo at
magtrabaho sa aki
ng ubasan, at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” At pumunta nga
sila. Lumabas na naman siya nang mag-ikalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo nghapon, at sa ganoon din
ang ginawa niya. Nang mag-
ikalima na ng hapon, siya’y lumabas
muli at nakakita
pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi niya sa kanila, “Bakit
tatayo-
tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi po’y walang magbigay sa amin
ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi niya, “Kung gayon, pumunta kayo at magtrabaho
kayo sa aking ubasan.”
Nang gumagabi na, sinabi ng may-
ari ng ubasan sa kaniyang katiwala, “Tawagin
mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang
nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag
-ika-lima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisangsalaping pilak. Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang
tatanggap sila nang higit
doon; ngunit ang bawat isa’y binayaran din ng tig
-iisang salaping pilak. Nagreklamo angmga nagtrabaho sa may-
ari ng ubasan. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga
huling dumating, samantalang maghapon kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasonginit ng araw, bakit naman
pinagpare-
pareho ninyo ang aming upa?”
Sumagot ang may-
ari ng ubasan sa isa sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya.
Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salapin
g pilak? Kunin mo ang para sa iyo at umalis
ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?”
“Wala ba akong karapatang gawin sa ari
-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y
naiinggit dahil ako’y nagmagandang
-loob sa iba

Parabula ng Banga
“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang bangang gawa sa lupa,” ang tagubilin ngInang Banga sa
kaniyang anak.“ Tandaan mo ito sa buong buhay mo.”“Bakit madalas mong inuulit ang mga
salitang ito, Ina?” ang tanong ng anak nabanga na may pagtataka.“Sapagkat ayokong
kalimutan mo ito. At ikaw ay nararapat na makisalamuhalamang sa ating mga kauring banga.”Kaya t
sa buong panahon ng kaniyang kabataan, itinatak niya sa kanyang isipanna siya ay isang banga na
gawa sa lupa. Hanggang sa makakita siya ng ibang uri ng banga.!akita niya ang "l"gant"ng
bangang pors"lana, ang isang makintab na bangang m"tal, atmaging ang iba pang
babasaging banga. Tinanggap niya na sila ay magkakaiba.!gunit hindi niya lubos na maunawaan
kung bakit hindi siya maaaringmakisalamuha sa ibang banga. #arahil, gawa sila mula sa
iba t ibang mat"ryal at iba$iba rinang kanilang kulay. #ay puti, may itim, may kulay tsokolat" at
may dilaw. Sila ay may kaniya$kaniyang kahalagahan. Hinulma sila nang pantay$pantay. %ahat sila
ay ginawa upang magingsisidlan o d"korasyon.Isang araw, isang napakakisig na pors"lanang banga
ang nag$imbita sa kaniya namaligo sa lawa. !oong una, siya y tumanggi. !ang
lumaon, nanaig sa kanya ang paniniwalangang lahat ng banga ay pantay$pantay. !aakit siya
sa makisig na pors"lanang banga.!apapalamutian ito ng magagandang dis"nyo at
matitingkad ang kulay ng pintura. #aypalamuting gintong dahon ang gilid nito. Kakaiba ang
kaniyang hugis at mukhang kagalang$galang sa kaniyang tindig.“Bakit wala namang masama sa
paliligo sa lawa kasama ng ibang uri ng banga.&ala naman kaming gagawing hindi tama,” bulong
niya sa sarili. At sumunod siya sapors"lanang banga at sinabing,” 'o, maliligo ako sa lawa kasama mo.
!gunit saglit lamang,nais ko lang na mapr"skuhan.”( Tayo na,” sigaw ng pors"lanang banga na
tuwang$tuwa.Sabay silang lumundag sa lawa at nasarapan sa malamig na tubig.
!akadama silang kaginhawahan sa mainit na panahon nang araw na iyon.!ang sila y lumundag
sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang pors"lanang bangaay tinangay papalapit
sa kaniya. Kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggaan nangmalakas. Isang
malaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. %umikha ito ngnapakalakas na
tunog.Ang pors"lanang banga ay nanatiling buo na parang walang nangyari. !gunit
angbangang gawa sa lupa ay nagkalamat dahil sa malakas na banggaan nila.Habang siya y
nabibitak at unti$unting lumulubog sa ilalalim ng tubig,naalaala ngbangang lupa ang
kaniyang ina.

GAWAIN.
Sa Antas ng Iyong )ag$unawa*. Ihambing ang katangian ng bangang yari sa lupa at yari sa
pors"lana.+. Sino ang kinakatawan ng bangang yari sa lupa? ng bangang yari sa pors"lana ? .
!agtagumpay ba ang pangunahing tauhan sa kanyang layunin?-. Anong aral m"nsah"
tungkol sa r"alidad ng buhay ang nais ipabatid ng parabula?/. Anong uri ng t"ksto ang binasang akda?
Ipaliwanag.
Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Bhutan Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanawUna
sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarapDi
maipakitang pagmamahal At kahit pagkaraan ng maraming
pagsubokSa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit,posterat larawan,
Aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha, at pighati
Bilang paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang immortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay
nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap
DALIT KAY MARIA
Matamis na Birhen Pinaghahandugan
Kami'y nangangakoNaman pong mag –alay
Ng isang Guernalda Bawat isang araw
Na ang magdudulogYaring Mga murang kamay

Tuhog na bulaklakSadyang salit-salit


Sa mahal mong noo'y Aming ikakapit
Lubos ang pagasa'tSa iyo'y nananalig
Na tatanggapin moHandog ng pag-ibig

Halina't at tayo'ymag- unahang lahat,magtaglay ng


lalongmasamyong bulaklak,at sa
kay Mariamag kusang humarap,
pagka't ina nating lubosang paglingap,Tuhog na
bulaklakSadyang salit-salitSa mahal mong noo'y
Aming ikakapit Lubos ang pagasa'tSa iyo'y nananalig
Na tatanggapin moHandog ng pag-ibigHalina't at
tayo'ymag- unahang lahat,magtaglay ng
lalongmasamyong bulaklak,at sa kay
Mariamag kusang humarap,pagka't ina nating lubosang
paglingap,Araw-araw kay MariaTuhog na
bulaklakSadyang salit-salitSa mahal mong noo'yAming
ikakapitLubos ang pagasa'tSa iyo'y nananaligNa
tatanggapin mo
KUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING BAYAN
Amado V. Hernandez

Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha


Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa:
Ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila,
Pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika,
Ganito ring araw nang agawan ka ng laya,
Labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila,

Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,


Sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libingan;
Katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang,
Katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;
Walang lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,
Tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung nakawan!

Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop


Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


Kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
Kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
Kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
Kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
Lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ding ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


May araw ding di na luha sa mata mong namumugto
Ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
Sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
At ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
Hindi Ako Magiging Adik ni Manny Ledesma

Walang may gustong pag-isipang siya'y kriminal. Walang


may gustong makulong. Wala ring may gustong mamatay nang bata pa okaya'y mawalan nang buong
pamilya. Ngunit sa isang sarbey noongnakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga
mag-aaral sa senior
ay nagsimula nang landasin ang mga daang patungo samga nabanggit. Tumikim na sila ng bawal
na gamot.Marahil, hindi nga mawawas
ak nang biglaan ng droga angbuhay mo kung paunti-unti mo lamang tinitikman ito. (Ngunit maymga
taong nagkukumbinasyon ng droga sa isang maramihang gamit, atito'y nakamamatay agad.) Sa
paggamit ng illegal
na droga, inilalantadmo ang iyong sarili sa mga panganib. Malapit ang aksidente sa mga taong nasa
impluwensiya nito dahil nawawala sila sa tamang wisyo at tamang pagpapasiya.Panganib din ang
sakit na maaaring maidulot ng malingpaggamit ng mga gamot maski ito'y legal, gaya ng mga
cough syrups
.Mapanganib ding masangkot sa iba't ibang bayolenteng kaguluhangdulot ng mga nagbebenta ng
bawal na gamot.Ang mga nabanggit ay mga kagyat na panganib na maaaringsumapit sa isang
nagdodroga. Mayroon ding mga panganib napangmatagalan ang epekto. Sa palagiang paggamit ay
nagiging adik kana sa gamot, at di mo namamalayan ay lulong ka na. Sa pagkalulong,ang tanging
nagiging pokus na lamang ng iyong buhay ay pagnanaisna magkaroon lamang ng magandang
pakiramdam.Nakakatakot ang mga epektong nabanggit. Ngunit masnakakatakot ay ang pagkawala
ng iyong integridad o karangalan.Kapag sinabi mong, "okey lang na nagdodroga ako, kasi iyon
dinnaman ang gawa ng mga kaibigan ko e," ang tunay na sinasabi mo ay
"wala na akong pakialam sa kinabukasan ko." Kapag nagkaganito, aymenos ka na bilang tao.Ang
posisyon ko sa isyung ito ay malinaw. 'Ayoko ng droga."Madaling kapasiyahan ito. Madaling
matandaan. At walang malaborito. Pinatataas nito ang pagtingin ko sa aking sarili dahil batid
kongnakatanaw ako sa aking kinabukasan.Lahat ng nabanggit ko tungkol sa panganib na dulot ng
droga aynarinig na rin ninyo. Hindi na ito bago. Alam naman ito ng lahat.Ngunit, sa kabila ng
kaalamang ito, isang bagong henerasyon ng mgakabataan ang gumagamit ng bawal na gamot.
Nangamamatay pa angilan. At umaakyat pa ang bilang ng mga biktima. Dati-rati mga 40.7bahagdan
lamang ng mga kabataan ang sumusubok, ngayon ay lagpaspa sa 50 bahagdan. Bakit?Sasabihin nila
mahirap tanggihan ang barkada. Totoo naman.Sa sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang isang
kabataan. Mahiraphumindi sa kanila. Mahirap.Sasabihin nila mahirap tanggihan ang barkada. Totoo
naman.Sa sulsol ng mga kaibigan, napapatikim ang isang kabataan. Mahiraphumindi sa kanila.
Mahirap matawag na "iba". Mahirap ma-out sa grupo., Mahirap makantiyawan ng ganito't
ganoon.Ngunit isipin natin. Ang kantiyaw ng mga kaibigan ay hindimagandang dahilan upang
magdroga. Kinakaibigan tayo ng ating mgakaibigan dahil sa ating taglay na ugali at pagkatao, hindi
dahil sadapat makita rin sa atin kung ano ang ginagawa nila. Hindi tayosalamin ninuman. At ang
kaibigan, sinasabi nang tuwiran kung anoang maganda o hindi maganda sa atin. Hindi natin
kailangan magingsalamin sa kanila at sila sa atin.
Kapag nahaharap sa pagpapasiya o pamimili, may mgakabataang magsasabing, "bayaan mo 'yang
bukas, matagal pa 'yon."Malaking kamalian ito. Kahit sabihin mong hindi darating angkinabukasan,
darating at darating iyan. At kapag nariyan na angbukas, kung masaya ka o hindi ay depende sa kung
ano ang ginawamo ngayon.May mga magsasabi pang, "magiging adik sila, hindi ako!". Kahitna ikaw
pa ang pinakaguwapo, malinis at alertong tao sa ngayon,maaaring ikaw ay maging palaboy sa
bandang huli kungmagpapabitag ka sa bawal na gamot. Isipin na lamang ninyo. LAHATNG TAONG
NASIRA ANG BUHAY SA DROGA AY NAG-ISIP NA HINDIMASISIRA NG DROGA ANG BUHAY NIYA.
Palagi nilang sinasabi, 'DIAKO SIRA PARA SIRAIN ANG BUHAY KO." Iyan sa simula. Sinasabinila
iyan sa una ngunit hindi sila naprotektahan ng mga pahayagnilang ito nang simulan nila ang
paggamit.Sa pagtanda ko at kapag ako'y nagkapamilya, ibig ko angpinakamainam para sa kanila.
Hindi ko nanaisin na sila'ymapahamak.Sisikapin at gagawin kong modelo ang aking sarili. Kung
isangaraw at tatanugnin nila ako kung sumubok ba ako ng droga noongaking kabataan, ibig kong
makasagot nang may pagmamalaki - HINDI.Sa bawat taon libo-libong kabataan ang pumipiling
gumamit ngillegal na droga. Hindi ko na daragdagan pa ang bilang na iyan.Magiging malayo ako sa
droga. Hindi ako magiging adik!!.Pauunlarin natin ang dati mo ng alam tungkol sa sanaysay
sapamamagitan ng mga babasahin at kawili-wiling gawain na natitiyakkong kalulugdan mo.

You might also like