Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Panunuring Pampanitikan

(FIL 108)

La Loba Negra ni Jose A. Burgos

Ipinasa kay:

Prof: Carmela Ong

Ipinasa ni:

Shiela Mae M. Yaran


La Loba Negra ni Jose A. Burgos

Ang Maynila ay nangumon sa nakabubulok na bisyo ng sugal .At


nadagdag pa rito ang katamaran at kapabayaan sa tungkulin ng ilang taong
pamahalaan na naging dahilan ng pamumulubi ng pamahalaan…" Ang
malalaking buws ay di nasisingil dahil sa suhulan.

lnilarawan ang Maynila (noon ay ang Intramuros ngayon) na bakod ng


pader at natatalibaan ng mga kawal Kastila at mga katutubong kawal na kung
tawagin ay mga Borney

Sa kalagayang ito hinirang ng Haring Felipe V ng Espanya noong Marso


7, 1717 Don Fernando Manuel de Bustamante y Bustillo, dating pinunong
utos ng hari: hukbo at naging alkalde ng llaxacala, Mehiko. Ganito ang utos ng
hari:

.....”Sa pagdating mo sa,...Maynila,sikapin,mo,saparaang ipapalagay


mong pinakamabisa at kailangan, na ang pananalapi ng bayan ay iyong na
buwis mailagay sa ayos, sino man ang masasaktan. Lahat ng dapat masingil
ay sibugin at ang kapangyarihin na lyong Kamahalan ay igalang at sundin ng
iyong mga sakop."

Siya isa sa mga unang kautusan ni Gob. Hen Bustamante nang


dumating siya sa manila ay ipinagbawal ang piging para sa kanya. At sa isang
salu-salong isinagawa niya sa kanyang palasyo noong ika-10 ng Agosto 1717
at tahasan niyang sinabing ipinatupad niya ang kautusan ng Hari. Nasaktan
ang mga kura. Di na sila dumalaw sa Heneral.

Ang asawa ni Bustamante, si Donya Luisa, ay Mehikana dugong bughaw


at may mataas na pagkatao. Iginagal;ang siya ng mabuting mamamayan na
karamihan ay Pilipino. Anim ang kanilang mga anak,dalawang lalaki at apat
na babae. Dolores ang pangalan ng panganay.
Dinatnan ni Bustamante sa tanggapan ng Pananalapi si Antonio
Torralba, ang pangkalahatang taga-suri. Noon lamang nito ito nakilala. Ngunit
alam niyang nakabilanggo dahil sa paglustay ng salapi sa kanyang pag-
iingat.

Hindi bat nahatulan ka ng Piskal ng Hari na mabilanggo?

“Kamahalan, narinig ko po iyon pero di ako pinagsasabihang opisyal," tugon


ni Torralba.

Humingi ng mga ulat at kasulatan ang Kapitan-Heneral.


Wala.Pinabuksan ang kaha.Kaunti-unti lamang ang laman.Iyon lamang daw
ang nasingil.

Maliit lamang ang kita ng may pamilyang si Torralba. Ngunit nang ang
karwahe nito ay magarang-magara at magisig ang kutsero. Namataan ng
gobernador ang isang may malaking tiyan na kura , kausap nito ang ilang
empleyado. Iniabot nito ang kamay upang pahagkan sa gobernador na nainis.

“Sino kayo, Padre? Tanong niya.

“Ako ang superior ng mga Pransiskano at sa bayang ito ay kabutihang-


asal ang paghalik ng kamay sa amin.”

“Di ako naparito. Padre,para matuto ng kabutihang-asal sa isang kura.


Hindi ako humahalik ng kamay nmg walang bahid na dahilan. Maaring
madumi ang iyong kamay. Naparito ako upang ipatupad ang utos ng Hari at
iniutusan kong lumisan na kayo ng mahusay bago akop mapilitang gumamit
ng lakas at kapangyarihan.”

Umalis ang kura.

Nang dumating si Bustamante sa kanyang tirahan ay may naratnan


siyang mga kura at maraming Intsik na may dalang mamahaling regalo.
Ipinalalagay niya iyon ay mga suhol.Pinagalitan at pinauwi niya ang mga iyon.
Dumating ang kapitan sa galyong Sto. Cristo de Burgos. Hindi niya
nilagdaan ang pahintulot na ito’y nakadaong sa manila hangga’t hindi niya
makikita ang manipesto ng kargamento niyon. Tinganggap niya ang mga
kasulatan mula sa Hari. Kasama roon ang mga papeles ng nagbabalik sa
tungkulin kina Hukom Fermin Villa at Luis y Santos Tagle na kapwa
nabilanggo matapos ang isang mahabang pakikipag-usapin sa mga dominiko
at iba pa. Itinatagubilin din na pamultahin si Torralba ng P20,000 na
kaniyang winaldas o siya ay ibilanggo sa Kabite. Ipinakadena ni
Bunstamante si Torralba sa Fort Santiago. Pagkatapos ay pinag-usig niya ang
mga papeles ng galyon upang matiyak ang mga pagmamay-ari ng
kargamento ng mga iyon. Maraming natuklasang kabulukan,kasama rito ang
gawa ng mga prayle.

Pati ang nangakaraang di nabayaran ay pinasingil. Maraming opisyal ng


pamahalaan,lalo sa pananalapi ang ipiniit ni Bustamante sa Fort Santiago.

Ang Diocese ng Maynila noon ay nasa ilalim ni Arsobispo Cuesta (1707-


1724). Siya ay mortal na kagalit ni Bustamante dahil sa paninira ng mga
Pransiskano .

Noon ay lumalaganap na ang bias ng propaganda ng paghihiwalay sa


espanya. At ang pamahalaan at simbahan ay nagkakagalit.

Inuudyukan ng mga prayle na maghimagsik ang mga mamamayan


upang hiyain lamang ang gobernador.

Sa kabilang dako, gumawa naman si Bustamante ng talaan ng mga


opisyal at prayle na ipadarakip.

Nagkaroon ng gulo sa lansangan sa pagbabanggaan ng dalawang lakas.


Nanawagan si Bustamante sa bayan na labanan ang pangkat ng mga
opisyal na bulok at mga ganid sa prayle.

Ibinilanggo ng Heneral ang Arsobispo sa Maynila sa salang kataksilan.


Naging usap-usapan ang isang Gobernador na demonyong nagkatawang
tao.

Ika-11 ng Oktobre.Maulap ngunit payapa.Ika-6 ng umaga. Tinugtog ang


batingaw----sabay-sabay sa lahat ng simbahan ---ang hudyat ng pagmimisa.
Natipon ang mga tao. Nagsitungo lahat sa simbahan. Ng San Agustin. Lahat ay
sandatahan. Nagtuloy sa palasyo.

Nang Makita ito ni Bustamante ay iniutos niyang ang pulutong ay


paputukan ng kanyon. Ngunit ang kawal at opisyal ay kapanalig pala ng mga
prayle. Napasok ang palasyo. Napatay sa taga ng gulok at mga saksak ng
balaraw Si Bustamante.

Inilibing ng maranya ang bangkay ng Heneral. Sinabing ang mag-anak ni


Donya Luisa ay nagbalik sa Mahiko.

Ayon sa maraming saksi, ang makalawang sumaksak kay Bustamante


ay walang iba kundi si Padre Sebastian de Totanes,speryor ng mga
pransiskano. Ngunit nang mapatay si Bustamante ,si Totanes ang gumanap
bilang Gobernador sa Pilipinas kaya’y walamng sumaksi laban sa kanya
nang magkaroon ng paglilitis.

Sa isang munting nayon sa Cainta na di kalayuan sa Maynila isang


ginang na may 40 taon,kasama ang kanyang anak na dalagang 17 taon,ang
nakituloy sa isang bahay kapwa nakalukha ang mag-ina.

Matapos ang anim na araw,ang Cainta ay ginulo ng balitang pinatay si


Padre Sta.Manes ,ang kura sa nayon. Isang babae raw ang huling nangumpisal
sa kura. Ang pari ay sinaksak sa dibdib sa loob ng kumpisalan.

Natunton ang mag-anak na pinakituluyan ng mag-ina ngunit si Donya


Maria at Florentina ,sakay ng kanilang karwahe ,ay nakaalis na.

Isang gabi, sa liwanag ng isang siga sa munting bayan ng Malaueg


isang kaibang babae ang lumitaw---ang gulok at balaraw sa kanyang baywang.
Nakapaligid sa kanya ang ibang lalaki na may sibat at gulok. Isang
batang babae ang nakasandal sa isang malaking puno.

Maapoy ang talumpati ng babae. Siya si Da. Luisa at ang malungkot na


dalagita ay anak niyang si Dolores. Nagpakilala sila bilang si Da. Maria at Da.
Florentina.

“Tingnan ninyo ako, isang puti,higit na mapalad kaysa inyo. Ang asawa
koy nagkaroon ng mataas na katungkulan sa bansang ito .ipinatupad niya
ang mga Utos ng Hari. Ngunit ano ang nangyari sa kanya. Pinatay siya sa
halip na siya’y gantimpalaan. Tinatawagan ko ang kamatayan nang maraming
ulit ngunit ako’y kanyang binigo. Ayaw na marahil ang Diyos na bawian ako
ng buhay . Ibig na marahil na isakamay ang katarungang ipinagkait sa akin.

Isang dagot ng ginto ang inihagis niya sa harapan ng nagkakatipon.


Gamitin n’yo sa kabutihan ng inyong kababayan laban sa mga criminal na
may hawak na krusipiho sa kaliwa habang pumapatay ng mga walang sala
sa tulong ng sandata sa kanan.

Ang puno ng pangkat ay si Juan Magpantay o Juan Magtanga.

Noong gabing iyon ang sumalakay ang pangkat sa Tuao,mga 15 milya


ang layo. Binihag nila ang Mayor na si Miguel Diez at ang kura na si Antonio
de Utualde.

Nagpadala ang pangkat ng panugis ang Mayor ng Vigan sa pamumuno


ng kastilang si Juan Orduna , kasama si Juan dela Garsua.

Nakasagupa nito ang pangkat ni Juan Magpantay at marami ang


napatay sa kabilang panig,kasama ang kurang si Padre Garsua.

Nakaligtas sina Magpantay .sakanilang piangtaguang gubat ay kasama


nila si Padre Utualde na gapos hanggang siko.
Nilapitan siya ni Maria at kinausap siya sa kastila. Inalimura ang
mapagkunwari nitong ugali ng pagbabanal-banalan. Itinanong ni Maria kung
kilala siya ng kura. Hindi raw. Tinawag ni Maria ang anak, tumindig ng tuwid
ang kura. Sinampal siya ng malaks ni Maria. Muling inalimura ang kura.

“May satsat kang sagisag ng sinag ng ulo ng panginoon ngunit isang


kurang mamamatay tao. Ngayon tingnan mo ang biktima ng iyong makahayop
na kasamaan! At iniharap niya sa kura si Florentina, “Di mo rin ba siya kilala,
,mandudurog ng puri ng babae? At muling binigyan ni Maria ang mag-
asawang sampal ang kura.

“Patawarin mo sila ,Panginoon, at di nila alam ang kanilang ginagawa!”


usal ni P. Antonio.

Narinig ito ni Maria, pagalit na nagwika ng babae.

“Matalino ang diyos na tinatawagan mo. Alam niyang dinudungisan mo


ang kanyang pangalan tulad ng pahkakawasak mo sa puri ng aking anak na
ito na pinagsasamantalahan mo bilang kanyang kumpesor. At kinuha mo pa
sa akin ang kahabag-habag na sanggol mo sa kanya. Kinatulong mo si
Totanes kinlala mong makapangyarihang orakulo upang lumapit sa akin
noong ako ang Unang Ginang ng Pilipinas upang bantaan mo ako ng
eskandalo publiko kung di ako papayag. Ngayo’y sinundan kita rito sa baying
pinaglipatan sa iyo upang maningil at makapaghiganti.”

“Ano ang ginawa mop sa sanggol? Di ba’t pinabayaan mo lamang


mamatay sa kamay ng isang matandang babae?

Humihingal na isinakamay ni Maria ang isang punyal.

Ngunit ng itatarak nalamang ni Maria ang balaraw ay pinigilan siya ni


Magpantay. Sila raw,na mga aping katutubo, ang gagawa niyon. Doon nilibing
si Utualde.

Si Maria ay kiinilalang isa nang puno ng pangkat.


Ang naging kapalit ni Bustamante ay dumating noong 1720-----si Don
Toribio Jose de Cosio y Campo. Dala niya ang isang utos na buksan ang
masusing pag-uusig sa pagkakapatay kay Bustamante at parusahan ang
dapat managot.

Noon paman ay napabalita ang isang tulisan sa pangalang “Itim na Aso”


na marami ng napatay na mga kura. Isang liham nito ang tinanggap ni
Gobernador de Cosio na nagsasabing si Totanes ang pumatay kay Bustamante.

Ngunit si Totanes ay tuso.Madali niyang nakibigan si de Cosio. Hayagan


pang sinabi ni Toatnes na makatarungan ang pakakapatay kay Bustamante.

Isang ginoo ang ipinadala rito ng Hari upang mag-imbistiga nag sarili
ang dumating. Kinopya niya ang mga kasulatan ukol ditto. Makalipas ang
isang buwan ay namatay siya sa pagkakalason matapos mag-agahan sa
kumbento ng San Francisco.

Hindi naimbistiga ni de Cosio ang usapin. Patuloy sa pananalasa si


Asong Itim na karamihan ang pinapatay ay ang mga kura.

Ang mahabang talaang ito ng mga pinatay ni “Asong Itim” ay naganap sa


panahon ng pamumuno ni Gobernador Cosip y Campo (1720-1725).

Noong panahong sumalakay ang mga Olandes.Noo’y panahon ng mga


epidemya.Noon ay panahon ng kasaganaan ng komersyo. Noon ay panaghon ni
Asong Itim.

Mariwas ang manila dahil sa kalakalan sa Galon. Ito ay tinaguriang


Reynang Lungsod sa Silangan.

Pinuna sa akdang ito ang ugali ng ilang dukhang magsasaka na


pagpapaupa ng kanilang mga anak na dalaga sa mga may-ari ng lupa sukdang
asawahin ng huli ang dalaga. Tinagurian ito ng umakda sa prostitusyon
sosyal.
Walang asunto ng mahirap na naipapanalo sa mayayaman. Ang
paaralan ay para sa mayayaman lamang. Sapilitan halos ang kabanalan. Ang
di magsisidalo sa masa ay pinaratangang erehe. Sa orasyon ay sapilitang
magdasal ang lahat.

Agosto 14,1726. Naghahandang sumalakay sa isang baying malapit sa


Maynila sina Asong Itim at Magtatanga. Tatlong pangkat ng mga kastrila ang
lihim na sumalakay sa mga pinag-uusig. Kasama nila ang mga katutubo na
may mga sibat.

Nabigla ang mga rebelde.Dalawang oras silang naglaban.Napatay si


Asong Itim.

Nagbunyi ang Maynila. Nagluksa ang mga rebelde,lalo na ang dalagang


si Florentina. Anang dalaga nang inilibing na ang ina, “Dito kita inihahabilin
habang panahon hanggang magsama tayo sa walang hanggan.”

Noong ika-18 ng Enero, isang mahiwagang mag-anak ang namahay sa


daang Anda- Si Don Emilio M. Melgar, ang asawa niyang si Florentina
Santibanez, at ang anak nilang si Carmen. Di batid ng lahat kung saan sila
nagbuhat. Ayon sa iba ay sa mehiko o sa Artilyes o sa kanlurang Silangan.

Maitim si Melgar.Ang asawa’y maputi at maganda. Kapwa pagatot silang


magsalita ng kastila at tagalog. Maharlika ang kanilang pamumuhay.
Nakikiasalamuha ang lalaki sa mataas na lipunan ng Maynila ngunit di sa mga
prayle. Pinaratangan siyang ereheng ilang matataas na punom ng mga prayle.
Ang anak ay mga 13 taong gulang.Bihirang lumabas ng bahay ang mag-ina.

Pinagtakhan ito ng lahat. Dinalaw sila ng Arsobispo at ng kalihim nito


.pinasok naman sila ng utusan. Humanga ang Arsobispo sa karangyaan ng
pamamahay. Matapos mag-ayos ng sarili ay lumabas ang mag-ina.

Hindi humalik ang mga ito sa kamay ng Arsobispo. Nabaghan ang


arsobispo.”Matagal na ba kayo sa siyudad?”, tanong nito.
“Iilan pang buwan,kamahalan.”

“Ano ang trabaho ng inyong asawa?”

“Namimili po at nagbibili ng mamahaling paninda. Di kop o gaanong


masabi,di ako nagtatanong sa kanya.”

Napakilala si Florentina na isang mahikana at si Melgar ay kubano.

Hiningan ng arsobispo ng abuloy ang ginang para sa pista ng Sto.


Rosario sa Maynila. Nagpasintabi ang ginang para kumuha ng abuloy. Di
nagtagal ay sumunod sa kanya ang dalaga. Pinisil daw ito ng arsobispo sa
pisngi,at ito ay pinapagmamadre. Di na ito pinalabas ng ina na dala ang
munting supot.

Iniabot ng babae sa arsobispo ang supot.

Ibinuhos ng kalihim ang laman ng supot. Isang pares ng brilyante at


apat na pirasong gintong 16 na onsa ang isa.

Kinagabihan na dumating si Melgar kasama ang tatlong sundalong


lalaki.

Ang mag-asawa’y walang iba kundi ang kilabot na tulisan sa Imus,Si


Sandugo ,at si Dolores, anak ni Asong Itim na may labinlimang taon nang
patay. Si Sandugo ay nasa Maynila para magmanman sa mayamang pook ng
Dilaw.

At isinagawa nag pagsalakay sa pangunguna ng isang babaing naksakay


sa kabayo,may dalang ripple at gulok. Nagtanggol ang mga kawal.Iilan ang
bumagsak kaagad.Nagsisuko ang iba.

Ang mga nadakip,kasama ang isang Padre Manuel Retona, Dominiko, ay


tinangay ng mga nagsisalakay na nakakamkam ng maraming kayamanan,
pahkain at sandata.
Ang mga kawal ay inalisan ng mga gapos at ipinaghuhulog sa dagat na
hanggang leeg. At ang pangkat ay nagtungo sa Bataan. Ang babaing puno ay si
Sarhento Bitay.

Naging kilabot si Sarhento Bitay na mula noon sunod-sunod ang


pangungulimbat na ginawa.

Si Donya Luisa de Bustamante ay nagging tulisan bilang Asong Itim.


Anak anak ay isa ring kilabot na tulisan---Si Sarhento Bitay. Nagging asawa
siya ng kilabot ding tulisang si Sandugo. Sinalakay nila ang Dilaw at dinukot
si Padre Retona.

Napatay si Sarhento Bitay at inilibing sa katabing puntod ng ina. Si


Sandugo ay nagtungo sa Mehiko kasama ang anak na dalagita.

Napatay sa sariling kumbento si Padre de Totanes.

“Walang ganap na katarungan hangga’t may mga taksil at criminal na


nabubuhay.

Maynila, 18 Hulyo 1869

Jose A.Burgos
Pagdulog na ginamit:

Sosyolohikal\Historika l

Naniniwala ang tagapagtaguyod nito na ang mga manunulat ay produkto


ng kanyang panahon,lugar,mga kaganapan,kultura at institusyon sa kanyang
kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil
dito,ipinalalagay na ang akdang kanilang nilikha ang reefleksyon o salamin ng
mga nagaganap sa lipunang kanyang kinalalagyan. Namayagpag ito sa
panahon ng propaganda.

Ang teoryang sosyolohikal ay naangkop sa tradisyo at prestihiyoso ng


dulaan sa pilipinas. Sa pagkapait sa mga isyung panlipunan na pinapaksa ng
mga dula at sa pagbabago ng konsepto ng entablado bilang
tanghalan,manatiling may lugar ang teoryang ito sa panlasa at pakikibaka ng
mamamayan.

Sa sosyolohikal na pananaw,mas malawak ang perspektibo na


pagsususri ng isang akda. Hindi lamang ang kasiningan at angking katangian
ng akda ang binubusisi, kundi pati na rin ang bahagi ng lipunan at
kasaysayang pinagluwaan nito. Patunay ito na ang kultura o anumang akda ay
bahagi ng lipunan.

Kilala sa pananaw na ito ang ugnayan ng likhang-sining at lipunan. Ang


isang akda ay produkto ng malikhaing pag-iisip ng manunulat na nabubuhay
sa isang panahon, na may partikular na katangiang humuhubog sa kaniyang
pagkatao.sa pagsusuring sosyolohikal hindi sapat na suriin lamang ang akda
kundi pati na rin ang lipunang kinabibilangan ng may-akda na siyang
nagluwal sa akdang ito. Ayon pa kay Taine,isang manunulat sa Pranses: Ang
panitikan ay bunga ng salinlahi,at panahon at kapaligiran.

Ang teoryang sosyolohikal,tinitingnan ang kalagayan at ugnayan ng mga


panlipunang intitusyon tulad ng pamahalaan,simbahan,pamilya,paaralan at
iba sa sitwasyon at oportunidad para sa mamayan nito.
Kung gagamitin ang teoryang ito sa pagsususri ng isang genre, mainam
na pag-aralan ang kasaysayan ng akda at ng panahon ng kinabibilangan nito
at ang awtor. Hindi lamang ito internal na pagsususri ng akda kundi pati na
rin ang mga eksternal na salik na nakaimpluwensya rito.

Pagdulog Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karansan ng isang sipi ng tao


na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais
din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Kumikilala sa gampanin ng isang institusyon may malaking papel na


ginagampanan ang institusyon sa pagbubukas ng daan sa uri ng panitikang
dpat sulating ng may-akda.

Ang akdang susuriin ay dapat na maging epekto ng kasaysayan na


maipaliwanag sa pamamagitan ng pagbabalik-alaala sa panahong
kainasasangkutan ng pag-aaral.

You might also like