Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MASUSING BANGHAY

NG
PAGTUTURO
SA
EDUKASYON
SA
PAGPAPAKATAO (ESP)
(DEMO FOR TEACHING)
BY

BERNARDITO B. FUNTILA
(JHS TEACHER APPLICANT)
For School Year 2018-2019)
I. LAYUNIN

Matapos talakayin ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan


ng buhay
2. Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan
ng buhay
3. Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sam ga gawaing taliwas sa batas
ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay

II. NILALAMAN:

A. Paksa: Modyul 13 – Mga Isyung Moral Tungkol Sa Buhay


B. Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10
Modyul 13
Pahina 254 – 279
C. Kagamitan: Laptop, Projector, Manila Paper at Cartolina

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. PANIMULAING GAWAIN

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin


na pangungunahan ni (pangalan ng mag-
aaral) (Pupunta sa unahan ang mag-aaral at
sisimulan ang pagdadasal)

 Pagbati

Magandang umaga Grade 8-Science! Magandang umaga rin po G. Funtila!

Bago umupo ay pulutin muna ninyo ang


nakikitang kalat sa loob ng ating silid, maging
ang inyong mga kagamitan at upuan ay
ayusin. (Pupulutin ng mga mag-aaral ang kalat at
aayusin ang kanilang mga upuan)

Maaari ng umupo ang lahat. Maraming salamat po!

 Pagtatala ng Liban

Kalihim may liban ba sa ating klase ngayong


araw? Wala po.

Magaling!

(Bago magpatuloy ang guro sa balitaan ay


may video exercise na ipapanood sa mga
mag-aaral upang tularan bilang panandaling
ehersisyo) (Tutularan ng mga mag-aaral ang video
exercise)

 Balitaan

Sino sa inyo ang may nakahandang balita


mula sa telebisyon o radyo sa araw na ito?
Ibahagi nga sa klase. (Tataas ang kamay ng mga mag-aaral)

Pakinggan natin ang balita na iuulat ni


(pangalan ng mag-aaral). (Tatayo sa unahan at ibabahagi ang kanyang
balita)

Ano ang reaksyon ninyo sa balitang


napakinggan? (Sasagot ang mga mag-aaral!

 Pagbabalik Aral

Bago tayo tuluyang tumungo sa paksa natin


ngayon, sino sa inyo ang makakapagbigay ng
impormasyon tungkol sa ating paksang
tinalakay kahapon? Ang nakaraan po nating tinalakay ay tungkol
sa mga isyung moral ng seksuwalidad.
Magaling! Ano ba ang ibig sabihin ng salitang
seksuwalidad! ang seksuwalidad po ay isang malayang
pagpili at personal na tungkulin na
ginagampanan ng tao gamit ang kaniyang
katawan at espiritu tungo sa kaniyang
kaganapan kaisa ang Diyos.

Magaling! Ano-ano nga ba ang mga isyung


seksuwal na palagi nating naririnig at
nababalitaang madalas ay kinasasangkutan
ng kabataan? Ang mga halimbawa po ng mga isyung
seksuwal ay ang pagtatalik bago ang kasal
(pre-marital sex), pornogropiya, mga pang-
aabusong seksuwal (sexual harassment), at
prostitusyon.

Mahusay! Labis nga ninyong nauunawaan ang


ating nakaraang aralin. Ngayon ay maaari na
tayong tumungo sa bago nating paksa. Handa
na ba kayo? Opo, Sir!

 Pagganyak (Gawain 1)

Papangkatin ng guro ang mga mag-aaral sa


dalawang grupo. Pagkatapos magpapakita
ang guro ng mga larawan na may kaugnayan
sa paksa. Unahan ang mag-aaral sa pagkuha
ng mga titik sa kahon upang idikit sa cartolina.
Ang unang pangkat na makabuo ng mga salita
na naaayon sa ipinakitang larawan ang
mananalo. (Ang mga mag-aaral ay mag-dadalawang
pangkat)

o Gawain 2: Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang ipinakikita sa mga


larawan?

2. May epekto ba ito sa ating buhay?


3. Ang mga nasa larawan ay ilan lang sa? (Sasagot ang mga mag-aaral)

B. Paglinang ng Aralin

Batay sa nakitang mga larawan, ano kaya ang


paksang ating tatalakayin ngayong araw? Tungkol po sa mga isyung moral tungkol sa
buhay.

Magaling! Ang ating paksang tatalakayin ay


tungkol sa mga isyu na malaki ang kinalaman
sa ating pagiging tao: ang mga isyung moral
tungkol sa BUHAY.

(May limang minutong video clip na ipapanood


ang guro para sa bagong paksang tatalakayin) (Muling panonoorin ng mga mag-aaral ang
video upang malaman at maunawaan ang
bagong paksa na kanilang tatalakayin)

1. Pangkatang Gawain

Upang mapalawak pa at lubos na maunawaan


ang ating paksa ay magkakaroon tayo ng
pangkatang gawain.

Hahatiin ko kayo sa limang grupo at pumili


kayo ng inyong lider. (Magsasama-sama ang magkaka-grupo at
pipili ng kanilang lider)

Magkakaroon tayo ng pagsasadula tungkol sa


inyong paksang bubunutin. Bibigyan ko kayo
ng sampung minuto upang pag-usapan at
paghandaan ang inyong magiging
presentasyon at mayroon lamang kayong
tatlong minuto upang ipakita ang inyong
pagsasadula.
Ang bawat presentasyon ay mamarkahan
gamit ang rubric na nakikita sa pisara na aking
ipapaliwanag. Ang bawat pangkat ay
magbibigay ng marka sa presentasyon ng
kanilang kamag-aral. Isusulat ito sa aking
ipamamahaging papel.

Maaari ng bumunot ang bawat lider ng


kanilang paksa na isasadula.

C. PAGSUSURI (Analysis)

Unang pangkat – Ang Paggamit ng


Ipinagbabawal na Gamot

Batay sa inyong napanuod na maikling dula,


bakit ang paggamit ng ipinagbabawal na
gamot ay isa sa mga isyung moral na
kinakaharap ng ating lipunan ngayon? Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot
ay nagdudulot ng masasamang epekto sa isip
at katawan. Karamihan din ng mga krimen na
nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang
kaugnayan sa paggamit ng droga.

Mahusay!

Ikalawang pangkat – Aborsiyon

Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na


isyu sa buhay? Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng
isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay
itinuturing na isang lehitimong paraan upang
kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o
populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing
itong isang krimen.

Tumpak!
Ikatlong pangkat – Pagpapatiwakal

Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal o


suicide? At bakit nga ba may mga taong
nagpapatiwakal? Ang pagpapatiwakal o suicide ay ang sadyang
pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at
naaayon sa sariling kagustuhan. Ang kawalan
ng pag-asa (despair) ay isa sa mga
karaniwang dahilan kung bakit may ilang
taong pinipiling kilitin ang sarili nilang buhay.

Magaling!
Ikaapat na pangkat – Euthanasia (Mercy
killing)

Ibigay ang kahulugan ng euthanasia o mercy


killing at magbigay ng halimbawa? Ang euthanasia o mercy killing ay isang
gawain kung saan napapadali ang kamatayan
ng isang taong may matindi at wala nang lunas
na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa
paggamit ng mga modernong medisina at
kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng
isang maysakit. Isang halimbawa nito ay
maaaring ang isang maysakit ang humiling sa
isang taong may kaalaman sa mga gamot na
bigyan siya ng isang labis na dosis na
pampawala ng sakit.

Mahusay!

Ikalimang pangkat – Alkoholismo

Ano ba ang epekto o impact sa buhay ng isang


tao ang kanyang pagiging alkoholiko? Ang labis na pagkonsumo ng alak ay may
masamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting
nagpapahina sa kanyang enerhiya,
nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa
kanyang kapasidad na maging malikhain.
Maraming sakit sa katawan ang kaugnay na
labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer,
sakit sa atay at kidney. Minsan pinagmumulan
pa ito ng away at gulo na humahantong sa
krimen.
Magaling! Tunay nga na inyong naunawaan
ang ating paksa ngayong araw. May iba pa ba
kayong nais liwanagin tungkol sa ating paksa? Wala na po?

D. PAGLALAHAT

Bawat pangkat ay magbubuod sa paksang


tinalakay (tatawagin ng guro ang bawat lider
ng limang pangkat). (Isa-isang magbubuod ang bawat lider ng
pangkat)

E. PAGHAHALAW (Abstraction)

Batay sa ating mga dulang napanood, ano ang


mahalagang impormasyon na inyong
natutunan? (Sasagot ang mga mag-aaral)

F. PAGSASABUHAY (Application)

Bilang isang kabataan, paano ka


makakatulong upang mabawasan ang mga
isyung moral tungkol sa buhay? (At muling sasagot ang mga mag-aaral)

IV. PAGTATAYA V. TAKDANG ARALIN


(KASUNDUAN)
Panuto: Isulat ang T kung tama ang
pangungusap at M kung mali ang Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.
pangungusap. Salungguhitan ang salita o
parirala na nakapagpamali sa pangungusap. 1. Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay
higit na sagrado kaysa iba pang uri ng
___1. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay buhay?
nagiging blank spot at nahihirapan ang isip na
iproseso ang iba’t ibang impormasyon na 2. Bilang isang kabataan, paano mo
dumadaloy dito. mapapanatili ang kasagraduhan ng
buhay?
___2. Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na
gamot ang alkoholismo o labis na
pagkonsumo ng alak ay may mabuting epekto
sa tao.

___3. Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-


daan upang magkaroon ng dalawang
magkasalungat na posisyon ang publiko: ito ay
ang Pro-life at Pro-choice.

___4. Ang euthanasia kung minsan ay


tinatawag ding assisted suicide, sa
kadahilanang may pagnanais o motibo ang
isang biktima sa tulong ng ibang tao.

___5. Sa batas ng Pilipinas, ang suicide ay


may kaukulang kaparusahan na naaayon sa
ating Revised Penal Law.

(END OF PRESENTATION… THANK YOU FOR LISTENING!)

You might also like