Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isa sa pinaka tanyag na tradisyon at kultura ditto sa atin sa Alitagtag ang pagdiriwang “Flores de Mayo”

o Tapusan. Hindi natin maikakaila na may pagkakakaiba ang ating tapusan sapagkat parating inaabangan
ang naggagandahang mga sagala at naggagarbohang mga karosa taon-taon na sumisimbolo sa tinatawag
na Flores de Mayo dito sa atin. Mahabang pila ng mga batang naka barong at saya na may mga
daladalang bulaklak, bumbilya, at sa duloy naroon ang ating poong Sta. Cruz – tunay na napakagandang
pagmasdan at panoorin ang ganitong pagdiriwang. Hindi ko malilimutan ito sapagkt isa ako sa mga
sagala ng nakaraang tapusan mula sa barangay Dalipit West. Medyo traffic nga, kasi sa magkabila ng
kalye ay naka-park ang mga naglalakihan at naggagandahang karosang gagamitin ng mga bata at dalaga
sa prusisyon matapos ang pag-aalay.

Nakakatuwang alalahanin na ang nanay ko at napakasuportive kong Tita Mafe ay maya’t mayang
inaayos ang buhok, gown at make up namin ni Tintin at Jasmine . Makikita din habang naglalakad ang
mga matatanda na natipon sa isang bahagi ng tuklong, sila yata ang mga magdadasal. Naroon rin ang
mga kabataang nag-aasist sa mga bata sa pagluhod at pagsisindi ng kandila.

Ito ang Mayohan, Flores De Mayo, Pag-aalay. Kung magka-anuman ang tawag natin dito, iisa lang ang
pakay ng pagdiriwang na ito, ang parangalan si Maria, ang ating mahal na ina. Noon nga ay tinatawag pa
itong “Flores De Maria” o Flowers of Mary. Isang katunayan na si Mama Mary ang sentro ng ganitong
gawain. Aming babagtasin ang kalayuan ng Dalipit papuntang bayan ng Alitagtag upang doon ay
lumakad hila ang aming karosa. Nakakapagod ngunit nakakatuwa kapag natapos. Sulit na sulit kapag
nakatapos ka sa buong durasyon ng nobena at pag-aalay. Sa bawat gabi ng Mayo, natitipon sa tuklong o
chapel ang mga bata, kabataan at katandaan upang mag-dasal ng Santo Rosario, mag-alay ng awitin at
mga bulaklak. Sinusundan ito ng simpleng kasiyahan. Minsan may mga batang sumasayaw, kumakanta
at nagpapa-bibo para sa mga natitipon. Sa bawat gabi rin ay may mga nakatakdang hermana o hermano
na sya namang assigned sa pagbibigay ng pagkain sa mga dumalo.

Tunay na hinding-hindi ko malilimutan ang karanasan kong ito.

You might also like